Chapter 1
"Tapos, kahit mayaman yung lalaki nagustuhan parin niya si lola at pinaglaban pa niya sa mga magulang niya." Natigilan ako sa pagbatok ni Marcie saken.
"Ayan, ayan ka na naman sa mga kwento mo tungkol sa lovestory ng lola mo." Sabi ni Marcie.
Madami ng taon ang nakalipas nung mga panahon pa ng lola ko. Parati niyang kinukwento kung paano siya umibig. Syempre sa panahon noon, uso pa ang ligawan at harana kaya naman sobrang sweet ng mga pinagkukwento niya sakin. Sana nga ganun parin hanggang ngayon eh. Sa panahon kasi ngayon, mahirap nang makahanap ng lalaking matino.
"Bakit ba? Eh sobrang sweet kaya nila!" Sabi ko. Kasi laging nagkukwento lola ko tungkol sa dati niyang kasintahan na mayaman at gwapo. Hindi lang mayaman at gwapo, mabait pa.
"Eh di ba hindi naman sila nagkatuluyan?"
"Hindi nga. Pero sweet parin sila! Gusto ko makahanap ng ganung lalaki!"
Kasi parang ang sarap sa pakiramdam kapag ganun yung asawa mo. Gentleman na nga, may kaya, at gwapo pa. Pero ang kapal naman ata ng mukha ko dun. Bakit ako maghahanap ng perpektong lalaki eh ako nga, hindi perpekto.
Oo, hindi sila nagkatuluyan ang lola ko at yung kinukwento niyang lalaki. Pero sabi niya meron daw silang simbolo ng pagmamahalan nila. Jusko, may makikita pa bang ganyan ngayon?
"Hay nako Lorraine, pag tayo talaga minulto ng lola mo kasi pinaguusapan natin lovelife niya jusko bahala ka."
Namatay kasi si Lola 6 months ago. Syempre malungkot ako, pero sinabi niya na wag daw akong maging malungkot at ituloy ko lang daw yung buhay ko positively dahil magiging okay daw ang lahat. Babantayan niya raw ako sa langit.
"Pero gusto ko talaga maka-meet ng ganung lalaki."
"Alam mo Raine, sa panahon ngayon, ang bagay lang sa mayaman ay kapwa mayaman. Waitress lang tayo oh! Hanggang pangarap ka nalang!" Sabi ni Marcie.
"OO NA, OO NA! Panira ka ng pangarap eh." Sabi ko at pumunta na ako sa lamesa ng isang customer para ibigay yung order niya.
Di ko alam pero parang bitter tong si Marcie eh. Kapag talaga lovelife ang pinaguusapan, umiinot yung dugo niya. Wala naman siyang na-kwento tungkol sa lovelife niya at wala namang umaaligid sa kanyang lalaki.
Nakita ko na may pamilyang kumakain sa restaurant. Namatay na kasi ang mga magulang ko sa aksidente nung 5 years old ako. Ni wala nga akong maalala tungkol sa kanila. Bata pa rin kasi ako noong nawala sila at si Lola na ang nagpalaki talaga sa'kin.
Nagtatrabaho nga pala ako sa isang restaurant bilang waitress. Masaya naman ako sa buhay ko kahit magisa nalang ako kasi may bahay naman ako(na 6 months ko ng hindi binabayaran) at nakakaya ko namang mabuhay araw araw kaya okay lang. Basta masaya ako at kuntento ako, okay lang. Yun naman ang importante di ba?
"Raine, magingat ka pauwi ah!" Sabi ni Marcie ng tumigil ang jeep. Bumaba na siya at pumara ng trycicle.
Ng makababa na rin ako sa jeep, sumakay narin ako ng trycicle. Nadatnan kong hinahagis na ng landlady ang mga gamit ko palabas ng apartment. Para tuloy akong nasa pelikula na pinapalayas ng mayodorma ng bahay na tinutulyan ko.
"Ate, bakit niyo po tinatapon sa labas yung mga gamit ko?"
"Ay nako, Lorraine! Anim na buwan ka nang hindi nagbabayad ng renta! Hala sige at may uupa na ritong bago."
"Sabi ko naman po babayaran ko na sa susunod na buwan di ba?" Pagpapakiusap ko sa kanya.
"Yan din sinabi ko nung nakaraan na buwan! Hala sige, maghanap ka na ng lilipatan mo!"
Wala na akong magawa kundi kunin lahat ng gamit ko at lumayas. Hay nako, pag ako talaga yumaman, who you saken yang matandang yan! Jusko, di mapakiusapan! Pero tama rin naman siya, ang tagal ko nang hindi nakakpagbayad. Saan naman ako pupulutin ngayon?
Edi eto ako ngayon naglalakad magisa sa park. Ano nang mangyayari saken? Gagayahin ko na ba yung mga natutulog sa park na tanging karton lang yung kumot. Hala, ayoko nun! Ano ng mangyayari saken?
Tinignan ko naman kung anong oras na. 10 na ng gabi! San na ako pupunta nito?
Tinignan ko yung paligid at may bench na walang nakaupo. Ako? Matutulog na ba ako diyan? Isang gabi lang naman eh. Bukas maghahanap na ako ng bagong malilipatan. Lorraine, lunukin mo na yang dignidad mo at matulog ka nalang dito sa park.
Sa sobrang sarap ng tulog ko ay sobrang ganda na din ng panaginip ko. Sobrang realistic! Parang totoo.
Ayan, binubuhat na ako ng prince charming ko! At hiniga ako sa bed of roses! Sabi ko na nga ba matutupad yung pangarap ko eh. Kayo! Kayong lahat, lumuhod kayong lahat sa harap ko! Hayy ang saya naman pala ng ganitong buhay eh.
"Dream come true!" Sabi ko habang nilulubos lubos ang paghiga ko sa bed of roses. Teka nga lang, bed of roses? Eh sa bench ako nakahiga ah! Bakit parang ang lambot na ng hinihigaan ko? At bakit ang bango dito?
"Pft!" Nang marinig ko ang pagpigil ng tawa eh bigla akong napamulat!
Nagulat ako ng may isang matandang lalaki, isang babae, at isang lalaki. At pinagtatawanan nila ako!
Asan ba ako?!
BINABASA MO ANG
The Endless Chase
RomanceLorraine, an orphan, found herself waking up in a room with people telling her that she's getting engaged to Jordan Fuentabella. The reason? Jordan's grandfather and Lorraine's grandmother were past lovers separated by fate and the grandfather is ho...