Chapter 5
"Basta wag kang lalapit saken sa school. Kahit may kailangan ka o may tanong ka wag kang lalapit saken lalo na kapag kasama ko yung mga kaibigan ko. Kahit na alam na ng lahat ng estudyante na fiance kita." Tuloy tuloy na sabi ni Jordan saken habang nasa kotse pa kami. Nandito kmi sa tapat ng school na papasukan ko.
"Alam nilang lahat?" Gulat na tanong ko. Syempre, pano naman nila malalaman di ba?
"Tss. Hanggang ngayon di mo parin gets? I'm famous. My family is one of the best families in this country. Expected na na magiging sikat ka. Be thankful." Sabi niya at bumaba na siya ng kotse. Oo mayabang siya, pero may ipagmamayabang nga naman talaga siya.
Wow, so sikat na ako? Yehes naman! Joke lang! Dapat hindi ako masaya eh!
Bumaba narin ako ng kotse at nagtinginan naman yung mga estudyante. Maganda daw kasi ako.
"Dumeretso ka sa dean's office." Sabi ni Jordan at nilagay na niya yung earphones niya sa tenga at naglakad papalayo.
Dumeretso naman ako sa dean's office. Wow, ang laki pala talaga ng school na to. Grabe. May mga garden, mataas yung mga buildings, at sosyal yung interior design.
Pumasok na ako sa office. Tumambad saken ang isang mukha ng isang gwapong lalaki. Pero matanda na siya. Siya siguro yung dean. Ano ba naman yan. Ang tanda na pero gwapo parin.
"Lorraine Cortez?" Tanong niya.
"Yes."
"Welcome to my school. I'm Hades Reyes, the owner. Buti naman at naisipan ni Mr. Fuentabella na dito ka paaralin." Familiar yung pangalan niya. Siguro narinig ko na yun kay tanda sa mga kinakausap niya sa telepono.
"So bakit ko po kailangan pumunta dito sa office niyo?" Tanong ko.
"Well, you're new here so I assigned a student to guide you. Margareth, come in." Humarap naman ako sa pintuan at nagulat ako sa babaeng pumasok.
"Marcie?" Gulat na tanong ko. Bakit nandito si Marcie? Yung Marcie na katrabaho ko dati sa restaurant? Yung Marcie na bitter sa lovelife?
"It seems that kilala niyo na ang isa't isa." Sabi ni Mr. Reyes.
"Yes, Sir." Sagot ni Marcie. Grabe parang ibang tao yung nasa harap ko ngayon. Nararamdaman ko yung pagiging mayaman niya at yung pagiging ladylike niya. Di ako makapaniwala na siya si Marcie na tomboy at lalaki gumalaw.
"You may take your leave now." Sabi ni Mr. Reyes kaya naman naglakad na kami ni Marcie papalabas pero nagsalita ulit si Mr. Reyes. "You should meet my son."
"Yes, Sir." Sagot ko at lumabas na ako kasama si Marcie.
Pagkalabas na pagkalabas namin ay tumili agad kaming dalawa ni Marcie.
"Omg omg! Bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Ano ka ba? Dito naman talaga ako nagaaral. Umalis na ako dun sa trabaho natin kasi nalaman ng parents ko." Sagot niya. Kaya naman pala minsan kapag may trabaho kami eh napapansin kong parang may poise itong si Marcie. Yun pala anak mayaman siya! Jusko, parang sinapian siya ng ibang kaluluwa ngayon eh.
"Hay, grabe hindi ka maniniwala sa nangyari saken." Sabi ko sa kanya.
"Fiance ka na ni Jordan Fuentabella, isa sa mga hot stuff ng school na to. Jusko, nabasa ko na yang istorya mo eh!" Sabi niya at umirap siya. Oo nga naman, napaka cliche ng story pero wala eh, nangyari siya sakin.
"Hindi ka manlang ba nagulat?"
"Syempre nung una nagulat ako! Bigla nalang tumawag yung lolo ni Jordan sa restaurant na pinagtatrabahuhan natin at sinabing magreresign ka na daw. Ano kamusta ang buhay Fuentabella ha?" Tanong niya habang sinisiko siko ako.
"Grabe, hindi ka maniniwala. Sobrang laki. Yung kwarto ko? Siguro 5 beses na kasing laki ng dati kong apartment." Sabi ko.
"Ano naman trato nila sayo dun?" Tanong niya habang naglalakad kami papunta sa classroom.
"Kapag tapos na akong maligo may mga katulong na nagbibihis saken. Tapos yung mga damit ko jusko ang dami dami. Yung mga sapatos? Grabe papantay na sa dami ng sapatos ni Imelda Marcos." Sagot ko.
"What do you expect? Fuentabella yang pinaguusapan natin." Sabi niya. Hindi ako sanay na nageenglish tong si Marcie. "Anyway, here in our school, the important thing is to fit in."
Anong important thing important thing. Jusko, di ako makapag focus kasi naman yung english ni Marcie wagas eh.
"Ha?" Yan nalang ang nasabi ko.
Humawak nalang si Marcie sa batok niya. "Hay, basta ang ibig kong sabibin ay wag ka masyadong magpasikat dito. At tsaka umayos ka ng galaw mo."
Siguro yung ibig niyang sabihin ay kung hindi ka belong, wag mong ipilit. Kung hindi mo kaya, wag mo ng gawin.
"Oo na oo na." Sagot ko.
Hanggang makarating kami sa classroom, hindi parin ako makapaniwala na dito na ako magaaral. Grabe kasi, ang laki laki ng school. High end kumbaga.
"So, everyone. I would like you to meet Ms. Lorraine Cortez. New student." Pagpapakilala ng prof saken. Nakakatitig lang saken yung mga estudyante. Yung ibang babae naman nagbubulungan.
Dumeretso nalang ako sa upuan ko. Si Marcie lang yung kilala ko dito. Jusko, sana naman di ako mabully o ano dito di ba. Buti nalang at katabi ko rin siya.
"Sorry, I'm late." Napatingin naman kaming lahat sa pinto. Nakatayo dun ang isang gwapong nilalang na nakangisi. Halata sa kanya na maypagka maangas siya.
"Mr. Castillo, late again!" Sigaw ng prof namin sa kanya.
"Well, sorry." Sabi nung lalaki at kinamot nalang niya yung ulo niya.
"Get back to your seat!" Tumawa nalang yung lalaki habang papunta sa upuan niya na nasa harap ko pala.
Nung nakita niya ako, bigla siyang ngumisi. Okay, anong meron? Pagkatapos ay umupo na siya sa upuan niya at natulog.
"Sino yan?" Tanong ko kay Marcie.
"Vince Castillo, anak ng may pinakamalaking investment sa school na ito. Ang alam ko yung tatay niya bestfriend yung may ari ng school kaya may special treatment." Sagot ni Marcie. Napa-ahh nalang ako. "And oh, hottest guy in the campus and bestfriend ng fiance mo."
Kaya ba ngumisi siya saken kasi alam niya na ako yung fiance ng bestfriend niya?
BINABASA MO ANG
The Endless Chase
RomanceLorraine, an orphan, found herself waking up in a room with people telling her that she's getting engaged to Jordan Fuentabella. The reason? Jordan's grandfather and Lorraine's grandmother were past lovers separated by fate and the grandfather is ho...