SIMULA

4.5K 64 0
                                    

Psycho's Prisoner
ImaginationNpaper

SIMULA

Apat na buwan.

Sa looob ng apat na buwan, naging impyerno ang buhay ko. Ilang buwan lang 'yon pero iyong sakit at takot na dinanas ko ay dala-dala ko hanggang sa kamatayan ko...

Nagising ako sa isang napakatahimik at napaka-dilim na lugar, ang tanging ilaw ko lang ay ang liwanag na nagmumula sa bituin at buwan. Binalot na naman ng takot ang aking puso nang maramdaman kong nakagapos pa rin pala sa tali ang aking kamay. Gamit ang aking ngipin ay at bibig ay dali-dali ko iyong tinanggal, ayaw ko na bumalik sa impyernong lugar na 'yon. Nananakit man ang aking buong katawan sa mga sugat at pasa na natamo ko sa pagmamaltrato nito sa akin ay hindi ko na iyon ininda. Para akong taong grasa na nakatakas sa pagkakakulong ng ilang buwan, punit-punit ang aking damit at wala man lang sapin sa paa. Wala na kasi akong oras kanina, ang inisip ko na lang ay makalayo at tuluyan ng makatakas.

"Ramona!"

Napasinghap naman ako nang marinig na may sumigaw ng pangalan ko, kilalang-kilala ko ang boses ng demonyo na 'yon.

"Ramona humanda ka sa akin kapag nakita kita! Tandaan mo, walang tutulong sa 'yo sa lugar na 'to."

Mas binilisan ko na ang pagtanggal noong tali at buong ingat na gumapang sa damuhan, sinusubukan na huwag makagawa ng ingay. Nanginginig ako sa takot ngayon habang pilit na inaaninag ang dinadaanan ko, hindi ako takot sa kadiliman. Takot ako na baka makita niya ako at muling ikulong, nang nilibot ko ang aking paningin sa paligid doon ko napagtanto na nasa masukal na kagubatan pala ako. Nang hindi ko na marinig ang boses nito ay dahan-dahan akong tumayo at walang lingon-lingon na tumakbo ng napakabilis. May mga matutulis akong naapakan pero hindi ko iyon ininda, naisip ko lahat ng ginawa niya sa akin kaya mas naging malakas ako at pursigidong tuluyang makaalis sa lugar na iyon.

Gustuhin ko man sumigaw at humingi ng tulong alam kong walang tutulong sa akin, ni wala nga akong bahay na nakikita eh. Napakagat naman ako sa labi ko nang nasagi ng braso ko ang nakausling sanga dahilan para masugatan ako. Natigilan ako nang makitang medyo malalim ito, gusto ko pa sana patigilin ang pagdurugo pero nakakarinig na ako ng kaluskos ng mga paa.

Medyo nahihirapan ako kasi hindi ko kabisado ang daan pero sa loob-loob ko ay nagdadasal ako na sana tuluyan na akong makalabas sa gubat na 'to. Nakakita ako ng parang may lagusan kaya dali-dali ko iyong tinungo, medyo nakahinga na ako ng maluwang nang tuluyan na akong makalabas at sumalubong sa akin ang dagat.

"Kung ganoon ay nasa tagong isla kami?" saad ng isip ko.

Napahagulgol ako ng malakas nang wala akong makitang ano mang bangka o sasakyang pandagat sana, masyado kasing delikado kapag nilangoy ko dahil marami ng mga dikya ngayon dahil gabi na. Malakas din ang alon, maalat ang tubig at mas hahapdi ang mga sugat ko. Bigla naman akong natigilan nang may marinig akong tumatakbo, alam ko malapit na sila kaya walang ano-ano'y sumulong ako sa dagat. Humigop ako ng malalim na hangin sabay tuluyang sumisid. Binilisan ko ang pagkumpas ng aking kamay para mabilis na makalayo, hindi muna ako umaahon hanggat pakiramdam ko nasa malapit pa ako

Ang hirap huminga, iyong tipong nasa ilalim ka ng dagat at sobrang bigat ng dibdib mo pero kailangan hindi ka makita kaya hanggat kaya ko ay hindi ako umahon. Minsan ay natitigilan ako nang maramdamang namamanhid at parang tinutusok-tusok ang aking balat, sigurado ako na nakakasagi ako ng mga dikya. Mahapdi rin ang mga sugat ko pero hindi ko na 'yon ininda, kasi kung mag-iinarte ako, mas malala pa rito ang sasapitin ko sa kamay ng demonyong 'yon.

Uubo-ubo ako habang habol-habol ang aking hininga nang umahon na ako, napahikbi ako nang makitang ang layo na pala ng nilangoy ko. Mayamaya pa ay nakaramdam ako ng pagkahilo, dumidilim ang aking paningin. Gusto ko pa sana lumangoy pero hindi ko na kaya.

"Kung mamamatay man ako ngayon, sana dito na lang sa dagat. Mas okay na ito kesa sa mabalik ako sa kamay ni Conrad, ayaw ko na sa buhay na pinaparanas niya sa akin." Saad ko habang nagpapadala na lang sa galaw ng dagat. Nararamdaman kong papailalim na ako, medyo masaya ako na sa wakas dumating iyong araw na tuluyan na akong nakawala...

--

A/N: Another Cliche story! Haha, hindi ko alam kung worth it ba 'to basahin pero salamat na rin sa magbabasa!
##Magi

Psycho's Prisoner [R-18] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon