KABANATA 2 - Run for your life

2.6K 39 0
                                    

Psycho's Prisoner
Written by: ImaginationNpaper

KABANATA 2 - Run for your life

Nagising ako nang maramdamang may humahaplos sa hita ko, agad naman akong napaupo sabay umatras nang makitang nasa harap ko ang lalaki kanina. Nakangiti ito ng mala-demonyo kaya para akong kinilabutan sa ngiti nito. Hindi naman ito pangit, parang may kung ano lang talaga sa kan'ya na nagbibigay ng takot sa aking kaibuturan.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Tinitignan ko lang iyong bago kong alaga, gusto mo ba maglaro?" nakangisi nitong tanong.

"Puwede ba? Tigil-tigilan mo na nga ako! Wala akong kasalanan sa iyo para gawin mo 'to sa akin." Mariin na saad ko rito.

Hinila nito ang aking paa para mapalapit ako sa kan'ya pero nagpumiglas ako sabay pinagsisipa ito, bigla naman itong tumayo sabay marahas na hinila ang buhok ko.

"Kapag sinabi kong akin ka, akin ka!" bulyaw nito sa akin.

Napapikit ako sa sakit sa sobrang higpit ng pagkakasabunot niya sa akin na para bang mapupunit iyong anit ko. "Hindi! Ni hindi nga ako pumayag sa plano niyong ito e, tapos sasabihin mo may karapatan ka sa akin? Wala! Itatak mo 'yan sa isip mo! Sa oras na makalabas ako rito, hindi ako magdadalawang isip na isumbong kayo sa pulis!" singhal ko rito. Napahawak naman ako sa aking pisngi nang sampalin niya ako ng napakalakas, para itong matatanggal sa sobrang sakit. Mariin niya namang hinawakan ang baba ko sabay pinaharap sa kan'ya. "Madali naman akong kausap Ramona eh, sundin mo lang iyong mga gusto ko hindi ka masasaktan. Pero kapag nagpumilit at nagmatigas ka, hindi lang ito ang aabutin mo." Matapos itong sabihin ay malakas niya akong tinulak at muntikan pang tumama ang mukha ko sa sahig.

"Huwag mo 'ko matawag-tawag na Ramona, hindi kita kilala!" bulyaw ko rito.

"Oh! I forgot to introduce myself to you, by the way I am Conrad Anais and you are Ramona Lenore right? What a beautiful name and face." Nakangisi nitong saad.

"Wala akong pake kung anong pangalan mo! Isa lang ang alam ko, demonyo ka." Mariin na saad ko.

Napapikit na lang ako nang suntukin nito ang aking sikmura, pinipilit kong isipin kung nagkaroon ba ako ng malaking kasalanan para mangyari 'to sa akin pero wala talaga akong maalala.

"You know what? I am bored, let's play a game. Gusto mo makaalis dito 'di ba? Then play with me. Here's the condition, hahayaan kitang tumakas. Kapag nahuli kita, the consequence will be your body. Hahayaan mo akong gamitin ka, pero syempre para may thrill bibilang ako ng sampu bago kita sundan. Siguraduhin mo lang na makakatakas ka kasi kung hindi, dito ka na habang bubay. You and me forever." Saad nito sabay bumuhakhak ng tawa.

"Nababaliw ka na talaga! Siguro may sakit ka sa utak kaya ganito ka magisip." Saad ko rito.

"Ayaw mo ba? Madali naman akong kausap eh, ikaw pa binigyan ng pagkakataon ayaw mo pa. Siguro gusto mo rin ako makasama 'no? Aw, how sweet you are." Saad nito na para bang kinikilig pa.

"Fine! Ayaw ko naman na makasama ka habang buhay kaya okay, papayag ako. Huwag mo lang ako dadayain, wala pa naman akong tiwala sa 'yo." Mariin na saad ko.

"This time, trust me. Hindi kita dadayain, I will play fair." Saad naman nito.

Nakahinga naman ako ng kaunti nang tuluyang niyang tanggalin sa pagka-kandado ang paa ko sa kadena, tatakbo na sana ako nang bigla niya akong hilahin. "Masyado ka naman yatang hot, hindi pa nga ako nagbibigay ng signal." Saad nito.

"Bitawan mo na ako! Hindi ko na kaya pang magtagal dito." Singhal ko sa kan'ya.

"Chill, heto na oh." Saad niya sabay binitiwan ako.

Psycho's Prisoner [R-18] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon