Chapter 1: The Story Begins

8.4K 360 38
                                    

Silver's P.O.V

 

"You're not the reincarnation, you're the next generation.."

“Hoy Silver!! Tulala ka na naman!!” saad ni Nicholai sabay hampas sa braso ko.

“Jusko naman Nich!! Ang lakas naman ng hampas mo, para akong hinampas ng dos por dos na kahoy ahhh…” nakangiwi kong saad habang hinihimas ang braso kong kanyang hinampas.

“Ba’t ba tulala ka na naman hah? Kanina pa ako salita ng salita rito tapos hindi ka pala nakikinig. May problema ka ba? Si Frank na naman ba-“ seryoso ko siyang tiningnan.

“Pasensya na madaldal lang..” saad nito habang nagkakamot ng ulo. Hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga.

“I’ve been dreaming about this voice telling me that I'm not the reincarnation but the next generation..” sabi ko rito.

“Taray, english ahh, pero ano kayang ibig sabihin no'n? Pero alam mo, huwag na munang isipin iyon dahil alam mong malelate tayo. Anong oras na, hindi ka pa nakakaligo-“ hindi ko na pinatapos ang pagdadaldal nito at agad tumakbo sa banyo ng dorm namin. Mabilisang ligo lang ang ginawa ko saka nagpalit.

Nadatnan ko na lang na nag-uusap si Nicholai at Angelie. Nakita ko pang hinahampas ni Lie yung braso ni Nich. Ewan ko ba sa dalawang 'to, ang hilig manghampas.

“Hoy Silver!! Ang kupad mo ha!! Jusko aabutin tayo ng siyam-siyam nito dahil sa kakuparan mo. First day na first day tapos nagawa mong magpuyat. Kakanood ko yan ng drama-“ pinutol ko na ang kadaldalan nitong si Lie.

“Manahimik ka na Lie, malelate na nga tayo tapos dumadaldal ka pa. Saka ano kita? Nanay kita? Umayos ka Lie masasabunutan kita..”inis kong saad rito pero umirap lang ito.

Dumiretso na kami sa aming sari-sariling class rooms since magkakaiba kami ng sections. Oh, did I introduced myself?

Well, I am Silversmith Silverknight, ewan ko ba bakit napakaarte ng pangalan ko pero I like it naman. Yung dalawang kasama ko kanina na parang baliw, sina Angelie at Nicholai iyon, mga kaibigan ko since elemenatary. Si Angelie or Lie ay isang Wind Fairy, at likas na sa kanila ang magic ng Wind, pero meron rin sjyang kapangyarihan ng Telekinesis. Si Nicholai naman, ay sang werewolf na trained to be a pact warrior, may super strength ability at kayang maglabas ng pakpak. Kung ako naman ang tatanungin niyo kung anong kapangyarihan ko, isa akong Undefined One, ibig sabihin wala akong kapngyarihan pero magic flows in my blood. Nabasa ko rin sa ibang books na si Ace ay ang kauna-unahang Undefined One sa buong history ng Magica.

 

LITHOS ACADEMY, pangalan ng aming school and is the first school built in Magica na pinamumunuan daw noon ng mga Hari at Reyna ng bawat kaharian. Ngayon, ang mga namumuno ay ang mga Marta at Punong Marta.

Ang sectioning dito ay pinagsamang strength at intelligence. Kaya naman nasa pangalawa sa huling section ako because of my condition. But thanks to my intelligence, hindi ako ganun kababa, well, mababa pa rin ang section ko kasi nga ikalawa sa huli ang section ko pero ayos na rin iyon, tanggap ko naman eh.

Medyo marami-rami na rin ang students sa loob ng aming classroom and may kanya-kanya silang business at walang pakialam sa kanilang paligid kaya hindi nila napansin ang pagpasok ko.

Ilang minuto pa nga ay dumadami na rin ang mga students dito at dumating na rin ang aming professor.

Isa-isang nagpakilala ang aking mga kaklase, may mga mahaharot na tumitili dahil sa mga kaklase kong lalaki na may looks. Nagpatuloy ang pagpapakilala nila until it's my turn.

MAGICA [BxB: COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon