TERMINOLOGIES

10.9K 264 11
                                    

MAGICA- Isang magical world kung saan nag-e-exist ang mga mga magical beast, witches, and mages.

LAPENA- Isa sa mga lungsod ng MAGICA, na matatagpuan sa tabi ng bundok ng LUPRASEN, kung saan nakasentro ang kanilang pamumuhay sa agrikultura, dito karaniwang nakatira  ang mga Elves, Werewolves, at mga Earth Fairies.  Pinamumunuan ni Haring Valentine at ni Reyna Esther na may kapangyarihan ng elemento ng lupa.

ASTHERNA- Isa sa mga lungsod ng MAGICA, matatagpuan sa kagubatan malapit sa bulkan, hindi sila nangangamba kung puputok man ang bulkan anumang oras dahil kaya naman nilang kontrolin ito gamit ang kanilang kapangyarihan, nakasentro ang kanilang pamumuhay sa pakikipagkalakalan sa iba pang lungsod, pinakamayaman at may pinakamalakas na sandatahang-lakas, Dito karaniwang nakatira ang mga Dwarves at Flame Fairies. Pinamumunuan ni Haring Ash at ni Reyna Melani na may parehong kapangyarihan ng apoy.

ATLANTA- Isa sa mga lungsod ng MAGICA na matatagpuan sa ilalim ng karagatan, nakabatay sa kanilang kultura ang kanulang pamumuhay. Dito karaniwang nakatira ang mga Sirena at Water Fairies. Pinamumunuan ni Haring Maraya at ni Reyna Elena, na may parehong kapangyarihan ng tubig.

METHOS- Isa sa mga lungsod ng MAGICA, matatagpuan sa pinakamataas na ulap ng MAGICA, dito karaniwang nakatira ang mga Wind Fairies. Pinamumunuan ni Haring Aero at ni Reyna Aurora na parehong may kapangyarihan ng hangin.

GARTEN DE GILTON- Isa sa mga lungsod ng MAGICA na nakatago sa likod ng pinakamataas na bituin, dito karaniwang nakatira ang mga Angels/Nephilims. Pinamumunuan ni Haring Merlin at ni Reyna Barbara na parehong may kapangyarihan ng araw o Light magic.

ILIAS DE IRAMA- Tinuturing ng ibang lahi na hindi kabilang sa mga lungsod ng MAGICA, ngunit sakop pa rin ito ng MAGICA, nakatago nga lang sa isang Unknown dimension na ginawa para sa kanila lamang. Dito karaniwang nakatira ang mga Vampires, at Witches, sa pinakamalalim na bahagi ng ILIAS DE IRAMA nakatira ang mga Demons. Tinuturing na ang ILIAS DE IRAMA ang pinakamadilim na parte ng MAGICA. Pinamumunuan ni Haring Ywara at ni Reyna Harha, na may kapangyarihan ng  buwan o dark magic.

CENTRO DE MAGICA- Lungsod-estado ng MAGICA, kung saan dito matatagpuan ang mga paaralan at ito rin ang may pinakamalaking sakop ng lupa sa buong MAGICA, halos 1/3 ng lupain ng MAGICA ang sakop nito. Dito rin matatagpuan ang Palasyo ng SUPERIOR ng mga Hari at Reyna ng buong MAGICA na sina Haring Sylvestre at Reyna Marligle (Sylvestre= Sylvester, Marligle= Marlayl).

*NOTE*
- sa bawat lungsod matatagpuan ang iba't ibang templo ng kanilang Diyos.

MGA DIYOS AT DIYOSA NG MAGICA NA NAKATIRA SA MORTANA

LAPENA
     -Ezmeralda ang pangalan ng diyosang nangangalaga, pumoprotekta at sinasamba ng mga Lapenion (tawag sa mga tao na nakatira sa lupain ng Lapena).
     -Diyosa ng Kalikasan at Kagandahan

ASTHERNA
     -Diyosa Pyra ang pangalan ng sinasamba ng mga Asther.
     -Diyosa ng Apoy, Armas at Proteksyon.
     -ang pinakamasungit sa lahat ng Diyos at Diyosa ng Magica

ATLANTA
     -si Bathala Martino ang pumoprotekta at sinasamba ng mga Atlas.
     -Diyos ng tubig at katahimikan.
     -ayaw niyang nagugulo o nagagambala siya, lagi siyang nakikitang nagmumuni sa talon sa Mortana (lugar kung saan matatagpuan ang mga Diyos at Diyosa).

METHOS
     -si Diyosa Eira ang nagbabantay at sinasamba ng mga Metha.
     -Diyosa ng hangin at katalinuhan.

GARTEN DE GILTON
     -Bathala Hirai ang sinsamba ng mga Garta.
     -Diyos ng araw, kidlat, at salamin, Diyos din siya ng arkitektura.

ILIAS DE IRAMA
     -Bathala Rama ang bathalang sinasamba ng mga Ira.
     -Diyos ng buwan at kadiliman, kamatayan, pighati at galit.
     -Nakatira siya sa Underworld kasama ang mga Demons at Soul Reapers, ang Soul Reapers ay mga demonyong sumasanib sa katawan ng isang Magi (Magi as you pronounce, Magica as in Majica), at unti-unti nitong kakainin ang kanilang kaluluwa, matagal na silang nakakulong at hindi na nakawala pa dahil malaking banta ito sa buong Magica.
     -Kung sa pagkakakala niyo'y pinalayas siya, nagkakamali kayo dahil kusa siyang umalis dito dahil sa napaka-ingay ng kapwa niya Diyos at Diyosa.

MAGICA [BxB: COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon