Chapter 2

7 2 0
                                    


Carmela's POV

I passed my initial interview, and today ang final interview ko with the CEO of Felicity Properties. Medyo kinakabahan pa rin ako kahit sanay na ako sa mga ganito. Kaka resign ko lang as secretary dun sa Aaron na yon, paano ba naman napaka manyakis, day 1 pa lang pinagnanasaan na ako, kaya nung tumagal at hindi nakatiis hinawakan ba naman ako sa pwet at kinulong sa office niya. Lucky me, nasipa ko siya sa harapan niya, nang may pagkakataon ay agad akong nakawala at nakatakas.

Pagkatapos ng eksenang yon ay hindi na talaga ako bumalik pa don. 5 years din akong nagtiis sa mga mapanuring mata ni sir Aaron.

After few weeks of resigning may nakita akong hiring sa internet at agad akong nag pasa ng CV. At sinuwerte naman dahil napili ako at nakapasa sa initial interview.

Ngayong araw nagreready na ako ng susuotin at mga dadalhin papunta sa Felicity Properties.

After kong maiready ang lahat, tinignan ko ang sarili sa salamin, "Kaya mo to Carmi" I said to myself, pampalakas ng loob.

Paglabas ko ng kwarto ay nasilayan ko si Xandra, nakaupo lang siya sa sala at nanunuod ng tv.

"Hi Xandra! Kumain ka na ba ng agahan?" tanong ko ng makalapit na ako sa kaniya.

"Hindi pa po ate." Agad na sagot ng nakababata kong kapatid.

"Sige magluluto na si ate ng breakfast at sabay na tayo mag almusal. Okay?" hinaplos ko ang mukha niya at gayun din ang kaniyang buhok.

She smiled at me. "Opo ate." I smiled back.

She's very charming. I pinched her nose.

Agad akong pumunta sa kusina upang makapag handa na ng almusal.

After few minutes ay natapos din ako, kailangan ko ding bilisan, nakakahiya naman kase na ma-late ako sa final interview. This is my chance para makabayad pa sa mga natirang bill sa hospital. At para na din matustusan ko ang mga gamot ni Xandra.

"Xandra ready na ang almusal." I called her, habang nilalapag ko na ang mga pinggan sa lamesa bigla na lang may yumakap sa akin mula sa likod.

"Thank you ate! You're the best!" ngiting ngiti si Xandra at naka thumbs up pa.

I smiled at her. "Yes for you, I will always give my best!" nag thumbs up din ako at pinagdikit yon sa naka thumbs up din na kamay niya.

"Sige umupo ka na."

"Okay po ate" She nodded at tuluyan ng umupo sa harapan ng lamesa.

"Sasabay na din ako sa inyo kumain at maaga akong mamamasada." Biglang salita ni Papa, kapagkuwan ay kumuha siya ng upuan sa harap ng lamesa at nag umpisa ng mag hain.

Umupo na din ako at hinawakan ko si papa sa kamay at mahinang pinisil yon, "Pa, makakayanan natin to. Okay? Final interview ko na ngayon sa inaapplyan ko sana makapasok agad ako at para makabayad na tayo sa ibang bill sa hospital."

"Pasensya na talaga anak, alam kong nahihirapan ka din. Salamat ng marami sa lahat anak." He smiled at me.

Halata ang stress sa mukha ni Papa, alam kong mahal na mahal niya si Mama, kaya ang pinaka nahihirapan dito sa amin ay walang iba kundi si Papa. Halos hindi na siya natutulog para lang makapasada at makaipon ng pera. sobra akong naaawa kay Papa maging kay Mama.

Si Xandra din, nahihirapan lalo ngayon wala si Mama, lagi na lang namin siya hinahabilin kayla Tita Belle, hindi kase pwedeng andito lang ako sa bahay kailangan kong makatulong sa mga gastusin lalot ang laking halaga ng binabayaran sa Hospital.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trapped with Mr. RicafortTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon