Buy me 1

15 0 0
                                    

Mahina ang kanyang pag hinga at ramdam niya ang panginginig ng kanyang maliit at payat na katawan. Malamig ang gabi ngunit mainit ang kanyang pakiramdam dahil sa kumakalam na sikmura.

Patuloy siya sa pag takbo, habol ang hininga at pa lingon lingon sa kanyang likuran. Nan laki ang kanyang mata nong na aninag niya ang grupo ng mga taong hinahabol siya. Mas binilisan niya ang pag takbo hawak ang isang supot ng pag kain, dalawang piraso ng tinapay at isang naliit na pitaka na sa pakiwari niyay may laman na mga barya.

"Ayon ang mag nanakaw!"

"Habulin niyo dali!"

tumulo ang kanyang luha at agaran siyang nag tago sa likuran ng isang basurahan isiniksik biya ang sarili sa likuran nito at pilit kinokontrol ang pag hikbi upang hondi lumakas.

Narinig niya ang malalakas na mga takbuha at ang sigawan ng mga taong siya ang hinahanap.

"Bilis!"

"Dali.an niyo baka makatakas pa ang batang 'yon!"

Halos pigil biya ang hininga habang pilit pinapatahan ang sarili. Umaagos ang kanyang nga luha mula sa gusgusin niyang nukha at agad hinati ang tinapay. Humihikbi siya habang kinakagat ito.

NAPABALIKWAS ako ng bangon at habol ang hiningang pinakalma ko ang sarili. Ilang beses akong kumurap tsaka ko pinunasan ang pawis ko gamit ang malaki kong t shirt.

"Manay!"

Napakamot ako sa ulo ko matapos kong tinawag si manay. Agad akong bumaba sa kama ko na gawa sa plywood at di uso ang foam dito.

Lumabas ako ng kwarto at agad akong napa hikab habang kinakamot ang ulo ko.

"Ano may kailangan ka ba Ikang?"

"Manay may kape ba diyan?"

Seryosong nag kikilay si manay habang may hinihithit na yosi sa bibig.

"Nandon sa lamesa. Tapos na akong mag kape sayo naiyong tira sa sachet"

Tinungo ko ang munti naming kusina at agad nag timpla ng kape. Agad akong umupo sa kawayan naming upuan na gawa lamang sa kahoy.

"Manay may raket ka ba diyan? E wala na tayong pera papalit na rin ang bayaran sa apartment"

"Abay tangna iyan o!"

Inilapag niya ang maliit na salamin at bumuga ng usok ng yosi

"Malapit nanga! Maririnig ko na naman ang talak ng bernang iyon"

"Kaya ng e may raket kaba? Kailangan kong dumiskarte ng doble doble"

"Meroon pero di mo gugustuhin"

"Manay naman kahit ano na papatulan ko na 'yan!"

Humigop ako sa kape ko.

"E di pumatol ka ng matandang foreigner na malapit ng mamatay"

Muntik ko ng ma ibuga ang kape kp sa sinabi niya.

'Manay naman e!"

"Ayaw mo ate? Edi ako na lang"

Maarteng sabi ng ni Shenelle na naka uniform na halos iligo na ang downy na ginagawa niyang perfume sa ktawan.

"Gusto ko ng yumaman, e yung yaman na mai rarampa sa boung kalsada ng tondo. Yung tipong maiingit yung anak ni aling maring sa kanto"

Hinubad ni manay ang tsinelas niya at akmang ihahampas iyon kay Shenelle nong naka layo ito.

'Mama naman! Nagiging practical lng naman ako e"

"Anong practical sa pagiging malanding bata ka ha?"

Inikot ni shen ang mata niya at inilipat sa kabilang balikat ang sira sira niyang shoulder bag na may ebedensya na ng mga tahi.

Buy MeWhere stories live. Discover now