INTRODUCTION

31 2 0
                                    

Ilang oras na lamang ay flight ko na papuntang Thailand kung saan gugugulin ko ang apat na taon sa kolehiyo bilang isang Exchange Student sa isang kilalang unibersidad doon. Apat na taon na malayo sa pamilya, sa mga kaibigan at sa Pilipinas. Sa totoo lang mas gusto ko nga yung malayo sa pamilya ko. Lumaki kasi akong mag isa na sarili ko lang ang iniintindi ko, lumaki ako na isang independent na tao, hindi humihingi ng anumang tulong sa pamilya ko. Unang-una hindi rin naman nila ako mabibigyan ng atensyon dahil s sobrang busy nila sa mga businesses ng pamilya namin. Mas importante sa kanila ang wealth ng pamilya kaysa miyembro ng pamilya. Katulad ngayon ang kasama ko sa waiting area dito sa airport ay si manang corazon na nagpalaki sa akin, ang siyang kasama ko araw-araw, ang nagpapakain sa akin, nagpapatulog, ang nag aalaga sa akin tuwing may sakit ako, ang siyang umaattend ng PTA meeting sa school at ang siyang tumayong magulang ko sa tuwing may mang bubully sa akin sa school at kailangan ko ng magulang. Si manang corazon ang lahat ang naging tunay kong magulang kahit parehas pang buhay ang mga magulang ko. Kasama ko siya ngayon dahil siya lang din naman ang maghahatid sa akin sa Thailand kung saan ako titira ng apat na taon. Sanay na ako sa buhay ko na ganito dahil alam ko na kasama ko ang tumayong magulang ko at masaya ako doon.


By the way hindi pa pala ako nakakapag pakilala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

By the way hindi pa pala ako nakakapag pakilala. Ako nga pala si Dominique Saavedra 16 years old nag iisang anak ng kilalang mga business tycoon sa larangan ng Real Estate dito sa Pilipinas maging sa ibat-ibang panig ng mundo ang SAAVEDRA CORP. Ako rin ang nakatakdang mag mana at mag manage ng 75% ng mga businesses ng pamilya dahil sa ako lang ang nag iisang anak at apong lalaki ng pamilya namin. Sa ngayon ayoko munang isipin ang katotohanan na ako ang mag mamanage ng mga ito iniisip ko palang sumasakit na ang ulo ko, iniisip ko palang ayoko ng mangyari.


Lumipas ang mga oras at tinawag na ang mga pasahero ng airbus na aming sasakyang papuntang Thailand, pasado alas otso na ng gabi at mga bandang alas dose na kami makakarating doon. Ilan beses naman na din ako nag pabalik-balik sa Thailand na mag isa buti nga ay nakakalusot ako sa immigration dahil wala akong kasama na guardian tuwing lalabas ng bansa. Hindi ko alam kung sadyang hindi nila alam o umpisa palang alam na nila at dahil sa impluwensya ng aking mga magulang ay nagagawan nila ng paraan. Thailand ang isa sa pinaka paborito kong destinasyon tuwing magbabakasyon, ibang relaxation ang dala ng Thailand sa akin, kahi parang pinas lang din sa klima mas gusto ko sa Thailand kaysa pinas. Madalas ay 4 na araw ako namamalagi doon, pero ngayon ibang usapan na dahil ilang taon na ako dun mananatili. Kinakabahan na excited ako sa mga pwdeng mangyari, lalong-lalo na sa mga new learnings, new athmosphere, new society, new experience, new people, new faces and especially new memories. Kaya kahit nakakatakot ay mas lamang ang excitment sa akin. Sana maging maayos ang pag stay ko doon, sana maging masaya at walang aberya. Sana maging mababait ang mga makakasalamuha ko doon...


So paano magpapahinga na muna ako, at paggising ko ay nasa Thailand na ako. See you in a bit Thailand be Good to me..

THE EXCHANGE STUDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon