THE EXCHANGE STUDENT

28 1 2
                                    

THAILAND

12:30 ng lumapag ang eroplanong aming sinasakyan sa Thailand

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

12:30 ng lumapag ang eroplanong aming sinasakyan sa Thailand. Mahaba-habang biyahe din ang ginugol namin bago makarating, hindi ko na nga naramdaman ang biyahe dahil tulog ako magdamag sa loob ng eroplano tanging si manang corazon lang ang gising sa buong biyahe dahil siya ang kumukuha ng mga items na binibigay ng mga FA sa amin na nasa business class. Ginising na lang ako ni manang corazon nung pa landing na kami dahil kailangan ko umayos ng pagkakaupo para safe na pag landing. Ibig sabihin lang din nito after makalapag ng eroplano namin ay uuwi na din agad si manang corazon pabalik ng Pinas at ang ending ako na lang talaga mag isa dito sa Thailand. Pagalapag na pagkalapag ng airbus na sinasakyan namin ay agad na tinanggal ang seat belt sign meaning ay pwede ng tumayo at kuhanin ang mga gamit ng pasahero para sa pag baba. Agad na nag si pag tayuan ang mga pasahero upang kunin at ayusin ang kanilang mga gamit para sa kanilang pagbaba.

Tinitignan ko si manang corazon habang inaayos niya ang mga bagaheng naka hand carry sa amin, napapaisip ako na grabe ang sakripisyo niya para sa akin, na halos hindi na siya nakakauwe sa kanila upang makita ang kanyang pamilya, na halos palagi siyang nakaalalay sa akin, lagi siyang nasa tabi ko tuwing nasa ospital ako dahil sa sakitin ako at mahina ang resistensya siya ang taong palaging nasa tabi ko. Napaka blessed ko na kasama ko siya sa buong buhay ko at palagi kong ipagpapasalamat iyon.

Sir Dom? Sir Dom? Tayo na po! Bababa na po tayo...

(kanina pa pala ako tinatawag ni manang corazon ayos na pala ang mga gamit namin at ready na kami bumaba. Sa sobrang pag iisip ko lumutang na masyado ang utak ko at hindi na ako naging conscious sa kapaligiran ko)

Ay sorry manang corazon may mga iniisip lang po ako kaya hindi ko po kayo narinig. Pano tara na po manang?

(siyang sagot ko naman kay manang corazon at agad na inaya upang makababa ng kami ng eroplano)

Habang hinahakbang ko ang aking mga paanan pababa sa eroplano muli na naman ako napaisip sa mga mangyayari, kung kaya ko ba ang mabuhay ng apat na taon na mag isa na malayo sa tinuturing kong ina? Paano na kapag may sakit ako sino ang mag aalaga sa akin? Sino ang tutulong sa akin tuwng iiyak ako dahil may nambubully sa akin? Bigla ako natakot sa katotohanan na ako na lang talaga ang mag-isa dito sa Thailand.

Sir Dom? Sir Dom anak? Tulala ka na naman anak... Nandito na tayo sa may harap ng immigration officer at ikaw na ang susunod. Bakit ba hindi na naman mawari ang iyong isipan?

Sorry manang, napaisip lang po ako paano na ako kapag wala na kayo? Paano na po ako mag isa dito sa loob ng apat na taon. Sino ang tutulong sa akin? Sino mag aalaga sa akin tuwing may sakit ako?...

(Medyo nauluha na ako habang sinasabi ko kay manang corazon ang mga bagay na ito, masyado na akong nasanay na sa kanya lang ako naka depende kaya napakahirap sa akin ito, at im sure mahirap din kay manang corazon ito pero ayaw niya lang ipahalata. Nagulat na lang ako ng bigla akong niyakap ni manag at doon na lamang bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilang tumulo)

THE EXCHANGE STUDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon