Entry #18

58 13 21
                                    

Dear J,



Gusto ko lang sabihin na ito na marahil ang magiging huling sulat ko sa 'yo, dahil tinanggap na ni sir ang resignation ko. At kanina nga ang huling araw ko sa trabaho.


Pasensya kana kung hindi ko nasabi sa inyo ang tungkol dito ah. Ang tagal ko na rin kasing pinag-iisipan ang bagay na ito eh. At no'ng nakaraang linggo nga ay nakapag-desisyon na ako.


Tatanggapin ko na 'yong offer sa akin doon sa Canada. Tingin ko kasi, isa 'yong magandang opportunity para mas mag-grow pa ako at makamit ang isa sa mga goal ko sa buhay. Ang makapaglakbay at malibot ang buong mundo. Sayang naman kasi kung papakawalan ko pa hindi ba? At dahil pumayag ako sa offer nila ay binigyan lamang nila ako ng dalawang buwan para maayos ang mga papeles ko.


Nakakalungkot lang talaga dahil hindi man lang ako nakapagpaalam sa 'yo ng personal at maging sa mga kasamahan natin.

Mami-miss ko talaga kayo lalo kana. Mami-miss ko ang mga advices mo, 'yong ngiti mo, 'yong boses mo, 'yong guwapo mong mukha, 'yong mga seryoso mong tingin at 'yong pagiging mabuti mong kaibigan sa akin at sa mga katrabaho natin. Lahat ng iyon ay mami-miss ko ng sobra.


Hindi bale, uso naman ang internet kaya kahit papaano ay may communication pa rin tayo. Iyon ay kung papansin mo pa ako? Baka kasi kasabay ng pag-alis ko ay ang paglimot mo na rin sa mga pinagsamahan at pagkakaibigan natin. Sana naman hindi gano'n. Sana naman maalala mo pa rin ako. Ako kasi hinding-hindi kita makakalimutan.


Oo nga pala.. inipit ko sa huling page 'yong kaisa-isang picture na meron tayo, 'yong kuha ni Billy no'ng minsang gumala tayo sa mall. Remembrance ko sa 'yo para naman hindi mo agad ako makalimutan. Alam mo ang saya natin d'yan sa picture. Nakangiti tayo at tila ba walang problema.

Tinukso pa nga niya tayo na may chemistry daw tayong dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinukso pa nga niya tayo na may chemistry daw tayong dalawa. Kaya napailing kana lamang no'n habang ako nama'y lihim na napangiti. Eh pa'no kinilig kasi ako nang mga oras na 'yon. Atsaka para sa akin hindi lang chemistry ang meron tayo dahil meron din tayong Physics, Biology at lahat ng branches ng Science. Hahaha.. Call me ambitious J, pero 'yon talaga ang pakiramdam ko. Iyon nga lang ako lang ang nakakaramdam no'n kasi ako lang ang may gusto sa 'yo.


Ang unfair din ng life no? Kasi 'yong gusto natin hindi tayo gusto. Pero 'yon ata kasi ang nakatadhana J. Sabi nga ng iba.. Hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin. At hindi sa lahat ng pagkakataon umaayon sa atin ang tadhana. Minsan kailangan nating makisama at sumunod na lang sa agos para hindi tayo masaktan at hindi tayo mapag-iwanan. Cause we never know, sa dulo pala ng lahat ito eh may mas maganda pang bagay ang puwedeng mangyari hindi ba?



Kaya sa ngayon, susunod a muna ako sa kagustuhan ng tadhana. Baka kasi ito talaga ang plano ng diyos para sa akin---sa atin. Naniniwala din kasi ako sa kasabihan na.. If it's meant to be, it will be.


Hayyy! Sa totoo lang nalulungkot talaga ako ngayon. Sa katunayan nga umiiyak ako habang isinusulat itong pang-huling sulat ko eh. Simula kasi bukas at sa mga susunod na araw ay hindi na kita makikita at hindi na rin kita makakasama. At sa tuwing maiisip ko 'yon, nasasaktan ako kasi ikaw ang isa sa motivation ko eh. Ikaw ang inspiration ko sa lahat ng mga ginagawa ko. Kaya nasasaktan ako sa katotohanang hindi na talaga kita makikita at makakasama.



Ang tagal din kasi ng pinagsamahan natin. Biruin mo, 18 months din akong nagtrabaho sa kompanya. Hindi ko nga akalain na makakaabot ako nang ganoon katagal eh. Salamat sa 'yo J. Salamat sa lahat ng pag-agapay sa akin no'ng mga panahon na naninibago pa ako sa trabaho natin. Salamat sa mga payo at tulong na naibigay mo. Salamat dahil nakilala kita. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Hinding-hindi kita makakalimutan J.


Paalam J, sana'y magkita pa tayo.. Sana'y magtagpo pa rin ang mga landas natin sa iba pang pagkakataon. Mag-iingat ka palagi at alagaan mo rin ang iyong sarili. Mahal na mahal kita. Lagi mong pakatatandaan na kapag gusto mo nang makakausap, I'm just one call away at sinusigurado kong papakinggan ko lahat ng mga hinanakit at hinaing mo.


I love you to the moon and back.
I love you to the universe and galaxy.
I love you to infinity and beyond.




Maraming salamat sa lahat Mr Jimmy Nixon!



Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana.
Na minsan siya'y para sa iyo.
Pero minsan siya'y paasa.
Tatakbo papayo
Kakalimutan ang lahat..

Ohhhhhhhhhh

Pero kahit sa'n man lumingon
Nasusulyapan ang kahapon
At sa aking bawat paghinga
Ikaw ang nasa isip ko sinta

Kaya't pasensiya kana sa mga kathang-isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo.
Ako'y gigising na mula sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo.
Lalayo sa..

'Di ba nga ito ang 'yong gusto
Kung ito'y lilisan na ako.









Love,
Ara












Author's Note: Hello sa inyong lahat! Finally at nai-post ko na rin tong pang huling entry but wait there's more, may epilogue pa po ito. Anyway, gusto ko lang pong pasalamatan ang supporters ng story na 'to kung meron man. 😂😂😂 Kayo po talaga ang inspiration ko. Pero sana po, 'wag po kayong ma-disappoint sa magiging ending nito. Ginawa ko lang po talaga ang best ko. And sorry dahil 'yon lang ang nakayanan ng utak ko. 😔😔😔 Happy 1.1K reads nga pala. That's all. God bless and thank you! 😘😘😘

Dear J, [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon