Chapter 2

39 2 1
                                    

Promises

I went to the hospital and I saw my aunts and uncles. Nakita ko si tita Liela, pumunta ako sa kaniya at niyakap siya.

"Tita"

She hugged me and cried. I almost cried too pero pinigilan ko. Dapat maging matatag ako dahil ako na lang ang natitira samin. Mom and Dad fulfilled their promises to each other. They were always there for each other, even in death. Tinotoo nila ang "till death do us part", leaving me all alone.

"Tita, anong nangyari sa kanila?" paos kong tanong.

"They died in a car accident, wasak ang inyong sasakyan and they were dead before they were brought to the hospital. Nangyari iyon noong sinundo ni papa mo si mama mo at pauwi na sila nang bumangga ang kanilang sasakyan sa malaking puno. May mga pasaway na nagmomotorsiklo na nagovertake sa sasakyan ni papa mo kahit hindi pwede dahil makitid lang ang daan. "
sagot ni tita.

I got angry at whoever was driving the motorcycles pero isinantabi ko lang iyon dahil hindi naman babalik si mama at papa pag wawasakin ko ang mukha ng mga gagong yon. I got mad. I don't know what I'll do if makilala ko ang driver ng motorsiklong 'yon.

"Stellan, kahit anong mangyari magpakatatag ka at nandito lang kami ng mga tito at tita mo" sabi ni tita dahil nakita niyang parang galit ako.

"Fuck those drivers. They shouldn't be allowed to drive if they are mischievous at sila pa ang dahilan kung bakit nawala si mama at papa" galit kong sagot.

"Alam kong galit ka iho, galit din kami pero dapat unahin muna natin si mama at papa mo" saad ni tito Timothy, asawa ni Tita Liela.

Napagisipan nila na ilalagay nila si mama at papa sa bahay nila ni Tita Liela dahil mas malaki ang bahay nila at ayoko sa tuwing pag-uwi at paggising ko nakikita ko sila sa kabaong. Pinigilan ko ang aking paghikbi habang iniisip ito. Kung mayaman lang sana kami gaya ng mga nababasa ko sa mga libro o napapanood ko sa mga pelikula, pwede ko sanang patayin o ipapatay ang mga gagong 'yon. But, mom wouldn't want me to have revenge, it's... cruel.

Umuwi ako sa bahay at natulog. Mag-isa nalang ako ngayon at umaasa ako na sana magpakita man lang sila kahit saglit pero wala. I cried myself to sleep. I only cry when I'm alone.

Days passed, we're here in the cemetery. It's the burial of mom and dad. Many people came, families, relative and family friends. Mom and Dad are close to many people, mabait sila at mapagkaibigan pero ako ang iba saming tatlo dahil medyo ayaw ko sa maraming kakilala o kaibigan. I hate people.

"Condolence po sa inyo"
"Sorry to hear about what happened to his father and mother"
"Nakikiramay po kami"

Ilan sa mga narinig ko habang kasama ko sina tita at wala akong sinasabi o reaction man lang, Nakayuko lang ako with my mind full of thoughts.

Nilibing na sina mama at papa and here I am, crying silently.

Maximius Frederik Santiago, my dad and bestfriend at the same time.
Calista Stella Santiago, my mom and teacher.

Hindi niyo man lang ako makikita na gagraduate. Hindi niyo ako hinintay, bibigyan ko pa kayo ng mga apo. I smirked. Andito ako sa bakuran namin sa bahay. Si tita nasa loob kasama ang kanyang mga housekeepers dahil gusto niya daw linisin ang aming bahay. My two favorite people left me and now here I am, reminiscing the memories we spent together. Starting from my grade school, they'll always fetch me and then we'll eat together kahit saan basta kasami kami. It's not in the food we eat, it's in the people we eat with. At noong highschool na ako, palagi nila tinatanong kung sino girlfriend ko kahit wala. Meroon lang nililigawan pero wala, hindi ako mahilig sa babae noong highschool kahit may mga nililink sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Perfect ChemistryWhere stories live. Discover now