Chapter 1

40 3 4
                                    

Lost

"Okay class, what is chemistry?"

Napabuntong hininga naman ako dahil napakaboring ng asignatura na ito. Naglelecture yung guro namin at unang araw ngayon ng pasokan, klase na agad. I thought this day would be stress-free or getting to know each other sa mga kaklase.

Sa sobrang boring, sinagot ko si Sir Asher, ang aming chemistry teacher. Hays buhay college nga naman. I'm taking medical school here in Xavier University sa Cagayan De Oro kung saan kami nakatira.

"Sir, Chemistry is the science that deals with the properties, composition and structure of substances, the transformations they undergo, and the energy that is released or absorbed during these processes. It studies matter and its properties."

"Very good, Mister?"

"Santiago, sir"

I never like any subject since grade school. Sumasagot lang ako pag gusto kong sumagot. Nakatingin ako sa labas nang may nakakuha ng atensyon ko. Isang babae, pumasok siya sa room namin. Tsk kaklase ko ba siya? Bakit siya late?

"Excuse me miss? Bakit ka late? At sa unang araw pa ng pasokan ah" saad ni sir.

"Sorry sir, I kinda lost my way twice and I got lost" sagot ng babae.

"Siguraduhin mo na hindi ka na mahuhuli, nasa kolehiyo na kayo dapat responsable na kayo. Find an empty chair and sit"

Humanap siya ng upuan at bakit sa tabi ko pa siya umupo? Baka maingay to ayoko ng maingay.

"Hi? Alam mo ba ang next subject natin? biglang tanong ng katabi ko.

"Hindi ko alam miss, makinig ka na sa kay sir baka mapagalitan ka naman" suplado kong sagot at nagfocus na sa kay sir sa unahan.

She rolled her eyes. I smirked. Tss. Suplada.

"Okay class, I want all of you to research about Antoine Lavoisier. Class dismissed"

Lumabas na ako at nagikot ikot. Pumunta na lang ako sa canteen para kumain. Habang papunta na ako sa aming susunod na klase.

"Sige na miss, bigay mo na number mo" sabi ng isang lalaki.

"Ayoko!" sagot ni miss suplada.

Napatingin ako sa may hallway. Teka lang si miss suplada ito ah? And who is this boy? Parang gusto ko siyang suntukin, pinipilit kahit ayaw ibigay yung number. Disrespect toward girls is dreadful sabi ni Lolo.

'Teka teka pre, sinabi na ng babae na ayaw niya ibigay number niya diba? biglang kong sagot.

"Sino ka ba? Boyfriend mo ba to Eve?" sabi ng lalaki.

Bago pa makasagot si miss suplada...

"Oo! Ano ngayon? Sino ka ba para bigyan ng number niya? Hindi ko basta basta binibigay ang number ng girlfriend ko" I replied with an emphasis sa salitang girlfriend.

Aamba pa sana siya ng suntok pero may pumigil sa kanya, isang lalaki kaibigan niya ata.

"Tama na yan, Ryder. Pasensya na sa kaibigan ko. Basagulero talaga siya at mapilit. Leo nga pala"

Mukhang mabait siya pero dahil nasira modo ko, tinanguan ko lang.

"Ilayo mo na yan dito" sabi ko.

Umalis na sila at tinarayan naman ako ni suplada. Tsk. Siya na nga ang niligtas.

"Welcome, miss suplada"

"Pwede ba? Hindi suplada pangalan ko" Nakabewang niyang sagot.

"Eh ano? Miss late na lang?"

"Excuse me, First time kong nalate, Mr Santiago."

Alam niya pala apelyido ko.

"You know my name, What's yours?"

"Bakit? Interesado ka ba?" She winked and damn, she's so cute.

"Ewan ko sa iyo, Punta na ako sa room" supladong kong sagot at umalis.

I'm on my way to our room when I realized she has blue eyes. The way she talked, how she winked. Simple things, yet these things can make someone fall.

"Hoy teka lang sasama ako sa iyo, hindi ko alam saan ang susunod na klase natin" sabi ni suplada.

Well, speak of the devil. Kung saan ko siya iniisip dun din siya magpapakita.

Hindi ako tumalikod. Patuloy ako sa paglalakad.

"Hoy suplado! Snobber!"

Patuloy ako sa paglalakad hanggang tumakbo siya para makalapit.

"Hindi mo ba ako naririnig?" she grabbed my arm and looked at me in the eyes. I swear the world almost stopped and my atoms had a reaction the moment her hands touched my skin. I looked at her in the eyes too. They are beautiful, like pure and shines like moonlight during the night. I got lost at her ocean eyes, I could stare at them all day and not get tired.

"Sige, sasamahan kita sa tuwing pagkatapos ng klase natin" seryoso kong sagot.

Pumasok na kami sa aming second subject at magkasama kami hanggang uwian maliban lang noong tanghalian kanina.

"Salamat, uuwi na ako. See you tomorrow?" sabi niya.

Hindi ko parin alam ang pangalan niya. Nasa labas na kami ng gate. Ang pagkakaalam ko, bago lang siya sa paaralang ito katulad ko. Pareho kaming 1st year college. Nakatira siya sa Opol, isang munisipalidad sa kanluran ng Cagayan De Oro.

"Hey! I still don't know your name"

"Cordelia Genevieve Rodriguez"
sabi niya "Yours?"dagdag pa niya.

"Ignatius Stellan Santiago"
sagot ko.

Her name is kinda classy and elegant.

"Ingat ka pauwi..." magiging aking ka pa. Hindi ko na dinagdag. Tumawa ako.

"Salamat, Stellan? Should I call you Ignatius? Stellan? Or Santiago?"

"Depende sa iyo, most people call me by my last name because I don't reveal my whole name that much"

"Okay, ingat"

At sumakay na siya sa kanilang sasakyan. May tagahatid at tagasundo pala sa kaniya, may sariling driver sila ata. Tinanaw ko ang kanilang sasakyan hanggang sa nawala na ito.

Suddenly, I received a call...

"Stellan? It's me your tita, wag kang mabigla pero your mother and father... They got into an accident. They are currently in the hospital but now the doctor recently declared them... dead"
Mangiyak-iyak na sabi ni tita lielafe, kapatid ni mama.

I almost dropped my phone... My parents... My chest suddenly felt pain. Mom. Dad.

I lost them.



Perfect ChemistryWhere stories live. Discover now