Thirty-One

10.3K 249 19
                                    

Author's Note:

Hi! Sa mga hindi pa po nakakaalam, The Unlucky Heiress won at The Wattys 2019 under Romance category. Gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat ng nagbabasa at patuloy na sumusuporta sa aking mga gawa. Alam ko pong marami pa akong kailangang matutunan kaya ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat para mas ma-improve pa ang mga gawa ko. Maraming salamat po!

P.S. - May idinagdag po ako sa first part ng Chapter 30. You can read it again if you want. Thanks!

**

Chapter 31
Desiree

**

Nang araw na iyon ay inilibot ni Jasper si Natalie sa bahay na binili nito. Wala pang lamang kahit ano ang loob ng bahay at mukhang kailangan pa iyong ayusin. Jasper told Natalie that he'll hire an interior designer for the house. They can talk to him or her about what they want for the house. Bigla namang na-excite si Natalie nang marinig iyon.

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang bisitahin nila ang bahay na iyon. Sa ngayon, hiniling ni Natalie na huwag muna nilang asikasuhin ang bahay dahil may mga mas importante pa silang kailangang gawin. They should focus on Jewel's upcoming christening first and Jasper should focus on finding Jewel's mother, too. Once everything is settled, they can do whatever they want without worrying about other things.

Kaya naman ni Jasper na pagsabayin ang lahat ng iyon pero sa huli ay pumayag na lang siya sa gusto ni Natalie. Kahit papaano ay alam niyang tama ito. They need to settle everything first before they can focus on their relationship and their future.

"Jasper," tawag ni Natalie kay Jasper.

Kasalukuyan siyang nasa kwarto nito ngayon at binibihisan si Jewel matapos itong mapaliguan. Nakahiga naman si Jasper sa tabi ni Jewel habang tutok sa cellphone nito.

"Hmm?"

"Nakausap mo na si Ate Zoey tungkol sa trabaho mo, 'di ba? Ano ang desisyon mo?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang pagiging temporary CEO ni Zoey habang naka-vacation leave si Jasper.

Ngayong alam na ng pamilya ni Jasper ang tungkol kay Jewel, hindi na rin nito itinago na ang dahilan ng pagbabakasyon nito ay para maalagaan ito. At dahil alam na rin nila ang tungkol kay Jewel, tinanong ng ina ni Jasper kung balak pa rin ba nitong ipagpatuloy ang pagbabakasyon o babalik na ito sa trabaho. Ayos lang naman sa kanila kung gusto na niyang bumalik dahil pwede namang iwan ni Jasper si Jewel sa kanila pero ayos lang din naman sa kanila kung pahahabain pa nito ang pagbabakasyon.

Natalie knows he already talked to Zoey about it but she doesn't know his decision that's why she's asking him now.

"I told her it's okay for me to go back to work but she told me I should focus on finding Jewel's mother first. After that, I can go back to work. Sa ngayon, susulitin ko na muna ang oras na nakakasama ko si Jewel dahil baka pagbalik ko sa trabaho, tuwing weekends ko na lang siya makakalaro," sagot nito bago tumingin sa kanya. "But I'll probably tell my secretary to fix all my schedules so that I can still play with her after work. Ayoko namang mapabayaan siya dahil sa trabaho."

Napangiti si Natalie nang marinig ang sinabi nito. Matagal na niyang alam na responsable talaga si Jasper pagdating sa pagtatrabaho. But seeing and hearing him being a responsible father for Jewel makes her fall for him even more.

Ngayong iniisip niya iyon, naisip din niyang maaaring isa iyon sa dahilan kung bakit siya nahulog kay Jasper. Nakita niya ang unti-unting pagbabago ni Jasper para kay Jewel. Nakita niya kung paano ito naging responsableng ama kahit na noong mga panahong hindi pa nila alam na anak nga nito si Jewel.

Or maybe she's already in love with him for so long. Tanggap pa rin naman niya ito kahit noong mga panahong nambababae pa ito at wala pa si Jewel sa buhay nila. Mas na-realize lang niya na iba na ang tingin niya kay Jasper nang unti-unti pa niyang makita kung anong klaseng tao ito. Matagal na silang magkaibigan pero hindi niya akalaing may mga katangian pa rin pala ito na hindi niya nakikita. And because of that, she fell in love with him even more.

The Hidden Gem (Silent Lips Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon