CHAPTER 1

76 4 2
                                    

Ako si Alexis Gwendolyn Pamplona. Lexi for Short.

Isang ARMY!! And proud to be one!

Sobrang saya ko nang pinayagan ako ni Umma na pumunta sa Concert. At sa pinaka Biased Group ko pa ang first concert ko.

.

.

Bukas na ng Concert... dapat, aabangan ko din ang BTS sa airport kaso may pasok ako. So babawi ako bukas.

Ni-ready ko na ang mga dadalin at susuotin ko para sa concert.

BTS T’shirt at face mask

BTS Lightstick

Personally made na banner na may nakalagay na “Saranghae BTS from Philippines”

Dark and Wild Album [hoping na mapapa-sign mo sa kanila]

At ang pinagawa kong  tarpaulin na may Derp Faces ng Bangtan.

And i’m good to go!!! Pagtingin ko sa orasan, 10:30 pm na. Oops, i need to sleep. Maaga pa gising ko.

            Nagising ako ng 3:30 am. I need to get there early! Ika nga “Early Bird gets the Worm” so i ate my breakfast, took a bath at nagbihis. Hindi ko pa sinusuot ang BTS Tshirt ko. Mamaya sa Concert na lang.

Nagbihis ako ng white t’shirt and skinny jeans; high-cut converse na black. Sorry namjoon, wala akong red. Inipit ko ang buhok ko ng basta-basta na lang... mamaya ko na aayusin.. so nakamessy-bun lang. Hahaha

Dinoble check ko ang gamit ko at ang pocket money ko. Ang i’m good to go!!! Sa sobrang excited ko, hindi ko na nahugasan ang pinggang pinagkainan ko. Ginsing ko sina umma at appa at nagpaalam ako.

           

            Inabot din ng isa at kalahating oras ang byahe ko... 7 am, nasa tapat na ko ng MOA Arena. May mga nakita akong ibang ARMYs na nagaabang na din. Innapproach ko yung dalawang magkaibigan.

Mukha naman silang mabait, so hopefully, makasundo ko sila agad. Yung isang babae na medyo chubby pero cute, nakasuot siya ng BTS tshirt. Nakalagay sa likod, Jungkook 97. Yung isa naman, naka-dress siya na striped black and pink.

“Hello! Andito din kayo para sa Concert?” ako

“yup!!! Ikaw din?!” girl 1

“yeaaa!!!” ako

At nagtitili kami ng walang dahilan. Nagkakaintindihan naman kami kahit puro irit lang. Hahaha [A/N: normal lang yan. Ganyan kami sa classroom. Hahaha]

“Ako nga pala si Alexis. Ano pangalan niyo?” Tanong ko.

“Andrea. Jungkook Biased. Nice to meet you!!!”

“Ako naman si Hailey. Princess Jin Biased naman. Mannaseo bangapseumnida!!!”

[T/N: Mannaseo Bangapseumnida = Pleased to Meet you]

“So, saan ka nakapwesto? Kasama ka sa pulp royalty?” tanong ni Andrea

“Nope. Haha pero okay lang. Worth it naman yung pwesto ko. Nasa pinaka unahan.” Ako

“wow! Talaga? Kami rin!!! San ka nakaupo?” Andrea

Pinakita ko ticket ko sa kanila.

Napayakap ang dalawa sakin..

“waaaah!! Magkakatabi tayo!!” sigaw ni Hailey.

You're My Miss Right (Bangtan Sonyeondan - BTS Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon