Kabanata 1

7 0 0
                                    

Kabanata 1"Tita Melba, ito po yung sa isang kanin, menudo,at kaldereta. "Tumingkayad ako para maabot ang isang daang bayad ng customer kay Tita na nakaupo sa counter."Nga pala , Kiela. Yung mga karton na hinihingi mo, nandun sa gilid ng cabinet sa kusina. Kunin mo na mamaya."Inayos niya ang nalaglag na salamin sa kanyang ilong at iniabot sa akin ang sukli."Sige po.Salamat po ulit Tita Melba."Dali-dali akong bumalik sa customer na naghihintay ng sukli at nagpasalamat sa pag kain niya sa karinderya. Maya-maya'y bumukas ang pinto at pumasok ang ilang mga trabahante sa rinerenovate na bahay sa kabilang kalye, di kalayuan sa kinatatayuan ng karinderya."Kuya Eman! Dito na lang kayo!"Suki na namin si Kuya Eman mula pa noon. Bukod sa kabaranggay namin siya, eh halos lahat ng katrabaho niya ay dinadala niya sa karinderya.Tumango siya at inaya ang mga kasama sa direksyon ko kaya't kinuha ko ang basahan at madaliang pinunasan ang mesa at inayos ang tray na may lamang iba't ibang condiments."Yung dating order, Kiela.."Saglit niyang binilang ang mga kasama na nagkukuwentuhan."Sampu lahat.""Sige po. Pakihintay lang." Kinuha ko ang tray na may lamang mga plato na pinagkainan ng naunang customer at tinahak ang daan patungong kusina. Bago pa ako makapasok ay narinig ko ang pahabol na sigaw na paniguradong isa sa mga trabahante."Tsaka,pakidagdagan ang sabaw, Kiela!"Nagthumbs-up ako sa kanila at natawa ng marinig ko silang humalakhak dahil sa request ng kasamahan.Mag-aalas dies na ng gabi nang magsara kami ng karinderya.Humikab ako at kinusot ang mga mata ng makaramdam ng antok dahil sa ilang oras na pagtulong tulong sa karinderya .Dala ang mga hininging karton at ilang tirang ulam sa karinderya na bigay ni Tita Melba, tumawid ako sa kalsada at pumasok sa isang eskinita, sa harap ng karinderya.Kinuha ko sa bulsa ang selpong pinahiram ng pinsan kong si Shaina at ginawang pang flashlight dahil madilim ang daan. Nadaanan ko pa ang kapitbahay naming nagbivideoke dahil birthday ng anak nito at ang mga pusang maiingay na naghahabulan patungo sa taas ng bubong ng kapitbahay.Pagdating sa bahay , naabutan ko ang nakakatanda kong kapatid na nakayuko sa maliit naming mesa at mukhang nakatulog na sa paggawa ng visual aids, dahil sa nagkalat na manila paper. Bago ko pa maipatong ang dalang karton sa mesa, ay nakita ko ang papel na nakatupi sa kamay niya.Nakita kong nakalista ang mga bayarin sa bahay kagaya ng renta, kuryente at mga utang namin sa ilang kakilala. Kinagat ko ang labi para pigilan ang pagtulo ng nagbabadyang luha. Suminghot ako at sinimulan na lang na ayusin ang nagkalat na gamit at ginising si Ate para makalipat ng pwesto ng pagtulog." Kiela!"Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at agad nahanap sa dami ng tao ang tumawag sa akin. Awtomatikong lumaki ang ngiti ko at kinawayan siya. Tinakbo niya ang distansya sa pagitan naming dalawa at magaan akong niyakap.*Lub Dub Lub Dub Lub Dub *Just like the first time that we met, he's the only person who can make my heart beat this loud. He's the only person who can keep a smile on my face no matter what happens."Naghintay ka ba ng matagal?"Humihiningal na humiwalay siya mula sa pagkakayakap sa akin.Namaywang siya at tiningnan ang reaksyon ko. Kumunot ang noo niya ng makitang nakatitig lang ako sakanya.Sumabay sa ihip ng hangin ang pagkagulo ng buhok niya na mabilis niya namang inayos. Napangiti ako. Ayaw niya talagang nagugulo ang buhok niya."Gwapo ko nuh?" Ngumisi siya at bahagyang kinurot ang pisnge ko."Tse. Tayo na nga! Kanina pa silang nagsimulang kumain. "Nilagpasan ko siya ngunit agad niyang kinuha ang kanang kamay ko at hinawakan. Lihim akong napangiti at sabay kaming pumasok sa loob ng hapag-kainan.Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ulit ang alarm ng cellphone na ilang ulit nasnooze na si-net ko kagabi .4:31 AMNabaling ang atensyon ko sa tunog na nanggagaling siguro sa kusina. Malamang ay nagluluto na si Ate Viera ng magiging almusal at baon namin ngayong araw. Nang masigurong hindi pa papasok si Ate sa kwarto ay kinuha ko sa ilalim ng maliit naming kama ang dati na naming karton ng sapatos at kinuha mula rito ang nag-iisang notebook at ball pen .November 16,20184:31 AM- I dreamed of him again for the 188th time.Signed by:Ezekiela A. Castillo*Lub Dub Lub Dub Lub Dub*Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib .Isang hindi maipaliwanag na damdamin ang palagi kong nararamdaman sa tuwing gigising ako sa umaga at mapagtatantong siya ulit ang laman ng panaginip ko.Siya na hindi ko kilala.Siya na nakilala ko lang sa panaginip.Hindi ko alam ang pangalan niya o kahit kung saan man siya nakatira.Hindi ko alam kung totoo ba siyang tao o sadyang gawa-gawa lang ng imahinasyon ko. Ang tanging alam at kabisado ko lang ay ang itim niyang buhok na ayaw niyang nagugulo, ang singkit niyang mga mata na wari mo'y hindi na nakakakita kapag tumatawa , ang matangos niyang ilong, ang mapupula niyang labi at ang dimple na nasa kanang pisngi niya. Halos kabisado ko na rin kung paano kumunot ang noo niya , ang tuwing paglunok niya, ang pagkagat niya sa kanyang labi at pati ang pag-igting ng kanyang panga.Ngunit ang hindi ko maintindihan, ay kung bakit sa lahat ng taong pwede kong mahalin, sa lahat ng taong pwedeng mahulog ang loob ko, sa lahat ng taong kayang magpatibok ng mabilis sa puso ko.Bakit sa taong wala pa akong kasiguraduhan?Bakit sa taong sa panaginip ko lang natagpuan?

Loving RemusWhere stories live. Discover now