1

0 0 0
                                    

"Hoy Beks, happy ka?" pukaw atensyon ko sa kanya habang nakatanaw sa malayo at pangiti ngiti.

"Oo kanina nung bago ka dumating. Panira ka naman ng mood teh." nakasimangot niyang sagot.

"Para ka kaseng tanga dyan Beks. Buti nga at ako lang mag Isa nakakita sayo eh pano kung yung kuya mo? Edi napagalitan ka nanaman nun at ipagpipilitang bakla ka edi mas lalong masisira ang mood mo nyan. Knowing you pa naman malditang gwapong bakla." pang aasar ko sa kanya.

"Tse, manahimik ka na nga Lang. At anu bang ipinunta mo dito, ano makikikain ka nanaman na hampaslupa ka? O baka naman nagpapaduding ka kay kuya?." mapang asar niyang balik.

"Duh! Alam mo naman kung gaano ko ka hate yang supladito mong kuya noh. Tsaka never in my whole life na magpapaduding ako sa kanya. eeew! Baka ikaw yung may gusto sa sarili mong kapatid na baklang bagra ka at ako lang ang pinagbibintangan mo." hindi ako nagpaawat sa asar.

"Halika na ngang gaga ka baka marinig ka pa dyan ng mga kasambahay namin o Di kaya ni kuya, malalagot na naman tayo at baka gusto mo na yatang tuluyang ma ban dito sa bahay? Kaya pasok na. hanggang sala nalang tayo dahil bawal na tayo sa kwarto remember." putol nya sa usapan.

Hindi nako umimik at sumunod nalang sa kanya papasok sa magarbo nilang pamamahay.

Habang naglalakad ay bigla na namang pumasok sa isipan ko ang medyo di magandang nangyaring tagpo sa kwarto ni Brooke (insert: Bff kong bakla a. k. a. Fake boyfriend) na naabutan nang kanyang one and only older brother na palaging mainit ang dugo sakin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya at kahit wala namang dahilan. Ewan ko ba dun hindi ko naman sya inaano piling nya Ata aagawin ko sa kanya tong pinakamamahal nyang kapatid na pilit tinatago ang totoong kasarian sa kanya. Porke't dalawa nalang silang naiwan sa mundong magkapamilya piling nya rin siguro makikihati pa ako sa kayaman nilang dalawa kahit medyo totoo naman kase inaakit ku din talaga tong baklita niyang kapatid na fall na kase ako ang sweet sweet kase pag maraming tao at halos ipagtulakan naman ako pag wala. Ang weird noh? Pero what can I do nafall Nako nang tuluyan at hindi ko Alam Kung pano makabangon dahil iniisip ko palang na hindi na nya ako malilibre nang Baon pag recess at mabibili ng mga gusto kong gamit ay nasasaktan Nako. Charr pero sa totoo Lang mahirap lang kame at may pagka ambisyosa talaga ako.

So ayun na nga naabutan nya kaseng nakataklob kame ng kamot ni Brooke akala nya siguro may ginagawa kaming kababalaghan pero and di nya alam nang iistalk Lang kame nang mga gwapong gigolo dun sa isang website Kung saan pwede kang mag book ng macho man na mapipili mo. At nung maabutan nya kameng ganun dahil narin siguro sa ayos nang kapatid nyang nakahubad Baro at boxer Lang at ako naman ay Naka dress Lang ay walang ano ano nya akong pinaalis sa mansion nila ay tuluyan na nga akong na ban sa kwarto ni brooke. At kung mamalasin ulit ay baka sa bahay nila at ang pinakamalala ay sa buong neighborhood village nila.

"Hi kuya, andito ka pala" bati ni Brooke sa kapatid nung naabutan namin siya sa salang nanunuod.

"Yes, and why she's here again?" seryoso niyang tanong sa kapatid kahit sakin nakatingin.

Pa english english pa tong hinayupak na supladong lalaki ng to nakuu... pag kami talaga nagkatuluyan ni Brooke ay lalasunin ko nato.

"What kind of Question is that kuya. Of course she's here cause she's my girlfriend" paseryoso din na sagot ni brooke.

Wow hanep sa confidence si bakla confident na confident sumagot akala mo Kaya nakong ipaglaban.

"Suit yourselves then, just don't cross the limits. Mga bata pa kayo Alam nyo na siguro kung ano ang tama at mali pwera nalang kung kating Kati na kayo."

At sakin na naman nga siya nakatingin. Grabe ang sama ng ugali masyadong Judgemental! nakuu ang sarap sarap sakalin at dahil hindi nako nakatiis ay nasagot ko na.

"akala mo naman samin desperado katulad m-"
at hindi ko nga natapos dahil hinila Nako ni Brooke papasok sa kitchen area pero nakita ko naman ang pag igting ng panga nya. hindi siguro matanggap ng kanyang ego na nasagot ako sa kanya.

"Ano nanaman ba yon Lalisa? Gusto mo naba talagang tuluyang ma ban dito sa bahay, Dapat hinayaan mo nalang. Diba ikaw na nga nagsabing sanay kana sa kanya"
Pagalit na sita ni bakla.

"Oo nga nasabi ko yon pero tao din naman ako nasasaktan lalo kung
palagi nalang akong sinasabihan ng masasakit na salita. Nanay ko nga nasasagot ko siya pa Kaya?"

"eh wala naman syang sinabing sayo Lang yon. Para sating dalawa yon, pinapaalalahan lang nya tayo lalo pa nung nakita nya tayo dun sa kwarto"
Paalala nya.

"Kahit na sa nasaktan ako eh! Anong magagawa ko? Tsaka tapos na nasagot ko na sya. Makauwi na nga!" sabay walk out pero pinigilan nya ako.

"Hayaan na nga naten yun. Halikana, kumain kana ng paborito mong cheese cake na ewan ko ba kung bakit palaging meron dito sa ref eh ikaw lang naman nakakaubos" pampalubag loob nya saken pero may halong pagtataka.

"Kunwari kapa e alam ko namang ikaw lang nabili nyan. May gusto ka na ata sakin nahihiya ka Lang umamin." asar ko pero pasimpleng umaasa.

"Wala noh! Bilisan mo na kumain at para mabigyan na kita ng 7k na hinihiram mo na alam kong di mo naman na mababayaran." pa sarcastic niyang sagot at tila asiwa pa.

At ayun nga ang nangyari. Inabutan nya ko ng 7200 kasama na pamasahe at hinatid na hanggang gate para sumakay sa Uber.

Pero bago pako makasakay ay nagulantang ako sa aking nakita. Drew and his new girlfriend are I don't know if it's still called kissing but almost eating each other's mouth on his car at nakabukas pa talaga ang pinto. Para ano? para makita ko eeeewwwww!

Dahil sa Inis ay binalibag ko ang pinto pagkapasok ng kotse na ikinagulat pa ng Uber driver.
Si manong naman uber magulat sa isip-isip ko.

Pagkauwi ko sa bahay ay nakatulog agad ako sa sobrang stress sa Drew na iyon.
.......................

Di ko alam kung naalimpungatan lang ako o sadyang ginigising talaga ng tao sa likuran ko na masyadong busy sa paghalik halik sa batok ko.

At pagharap ko nga ay tuluyan nakong nagulantang.

"Good Morning Love, I know it's still early but I want you now, habang tulog pa ang mga bata."

What! si Drew tinawag akong love at anong want you now at mas lalong anong mga Bata!?

My Most Hated Guy Is My Husband!? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon