2

0 0 0
                                    

"Good Morning Love, I know it's still early but I want you now, habang tulog pa ang mga bata."

What! si Drew tinawag akong love at anong want you now at mas lalong anong mga Bata!?

Dahil nga sa gulat ay dali-dali akong kumalas sa yakap nya at mabilis na kinusot ang mga mata di mapakali at pilit iniisip na di totoo at panaginip lang ang nasa harap.

Pero ilang minuto  na ang nakakalipas ay wala paring pagbabagong nagaganap. Nakahiga parin sya sa kama at nagtataka ang mga matang nakatingin sakin.

"Love, anong nangyari sayo bat parang natataranta ka?" nagtataka nyang tanong.

"Hoy Andrew Villarreal the second, anong Love ang pinagsasabi mo dyan at bakit ka andito sa kwarto ko- teka kaninong kwarto nga ba ito? Kinidnap mo ba ako? Sabi ko na nga ba at di ka talaga makaget over sa kagandahan ko at Kinidnap mo pa ako!."dire-diretso Kong pahayag na may kasamang takot.

"Mommy-"

"At  mommy naman ang tawag mo sakin ngayon, sinasabi ko talaga sayo Andrew wag mokong pinaglololoko loko ginagawa mo pakong sira ulo katulad mo."

"Hep! Teka wag kang lalapit" awat ko sa kanya nang makita ko ang pagtayo nya sa kama at paghakbang palapit  sakin nang tanging brief na white lang ang suot.

Hanep laki ng katawan ng lalaki nato ah at proud pang ibuyangyang ang katawan.

"Love, alam ko buntis ka di naman kita pipilitan Kung ayaw mo, halikana dito maaga pa matulog nalang tayo." tila nagtataka nyang sagot at  humiga patalikod at nagtakip ng kumot.

Sinabi niya bang buntis ako?

Halos dinig ko ang malakas na kabog nang aking dibdib at ramdam ang Matinding kaba habang nakatingin sa sariling tiyan.

Seriously?! buntis talaga ako, parang kahapon lang ay halos magkasakitan kaming dalawa sa anghang ng mga Salita.

Takot at labis na kaba ang naramdaman ko nang makita ang malaking umbok sa akong tiyan.

I'm really really scared. I don't know what to do.

.................
"Good Afternoon Mrs. Villareal, I'm glad you're Finally awake" the nurse beside me said while smiling.

"Huh" nakatanga kong sagot.

"sinugod po kayo ni Sir, your husband obviously kase bigla daw kayong nag passed out kaninang madaling Araw." pag papaliwanag nya Tila na basang wala akong ka ide-ideya sa nang yari.

"Eh nasaan na pala yung sinasabi mong husband ko?" seryosong tanong. Hinahanap siya.

"Ayy cous, Alam mo parang ang weird mo nga talaga ngayon, tama nga sinabi ni kuya Drew parang bigla kang nawala sa sarili mo. Kita mo ako nga parang di mo makilala. Ako lang to si Camia." halata sa bosses ang Pagiging sarcastic.

"Kingina Camia ikaw nayan? Parang nung isang araw lang para kang sinaing na sunog tapos ngayon nasobrahan ka naman sa kaputian, para kang bigas na pinudpud!" mangha kong nasabi sa kanya di pinansin ang nangangasim nyang mukha.

"Gagang to nanlait pa. Wag mo na ngang ibalik ang nakaraan nagki cringe lang ako. Tsaka anong kahapon, nag aadik Kaba? Duhh kundi mo matandaan 3 yrs nakong naggu gluta at diyosa nako ngayon na laitera ka!" halatang gigil na sa sagot.

Di nako umimik halatang gigil na sya ee baka masapak pako, Lalo na di naniniwala sakin.

"Pinapasabi ng asawa mo umuwi lang sya saglit dahil nagwawala na yung dalawa niyong anak babalik din daw siya agad, so ngayon ako muna pinapabantay nya sayo" pagpapaliwanag nya nung napansin nyang di nako naimik at nakakunot nalang ang noo sa kisame.


"Alam mo parang wala ka sarili mo today, nagugutom kana Ata kumain kana, ito oh ang daming biniling Foods ng Hubby mo. kinain ko na nga yung iba sa e" pukaw pansin nya.

"Ah, Camia pwede bang mag tanong? Anong year naba tsaka panong naging asawa ko si Andrew eh Alam mo namang sukdulan at abot hanggang langit ang galit ko sa kanya Diba?" alangan at medyo seryoso kong tanong sa kanya.

"Seryoso ka ba dyan sa tanong mo oh nantitrip kalang?"

"Oo seryoso ako" sabay taas ng kamay na parang nanunumpa.

"Well wala namang masama kung sagutin kita diba?, sasakyan ko nalang ang trip mong maldita ka. Bale 2019 na at may 3 kang anak kasama na yung pinagbubuntis mo sa asawa mong si Andre Villareal the II, tapos kakakasal nyo lang last 2 years ago nung saktong mag legal age ka dahil sa kalandian mong taglay. nagpabuntis kalang naman sa edad na 16 at wag ka dun pa sa Kuya nang Jowa jowaan mong pogi. ano magtatanong kapa? at baka tanungin mo rin ako kung pano ka nabuntis ng Asawa mo? Aba sumusobra kana ikaw lang ang makakasagot sa katanungan mo. " medyo d naman detalyado niyang paliwanag dahil wala siyang gana magkwento.

pero at least nagkaroon ako ng clue. So ibig sabihin yung one time na di sinasadyang may mangyari sa amin ay nabuntis na nya ako. Lakas naman po pala at pinanagutan ako kaso nakukulangan ako sa sagot ni Camia ang cousin kong negrita.

Magtatanong pa Sana ako nang bigla namang bumukas ang pinto at iluwa ang pinakagwapo at machong lalaking nakita ko na nakangiting Lumapit sa pinsan kong parang tanga Kung makangiti halatang kinikilig.

Grabe swerte ni Cous, Hawig ni Shawn Mendez ang Pez ni Guy este ng Doctor pala at si ateng lakas maka Camila nang datingan. Sila na bagay ako na dito ang pasyenteng balyena. Kakahiya naman.

Magsasalita na nga Sana ulit ako kaso may kasunod pala na isa pang guy  na mala Ji Chang Wook- ay Mali asawa ko na pala at Yun na nga si Drew na halatang fresh from the shower at amoy aftershave pa hanep lakas maka hunk na model ang datingan. In fairness ang gwapo kundi lang suplado ito sakin at baka nagustuhan ko na sana kaso naalala ko nasa future pala ako today o baka panaginip nalilito kase ako ee. Hindi ko mahimay kung ano ang totoo sa hindi.

  "Hi Mommy Love ko, mabuti naba ang pakiramdam mo?" malambing at nag aalala niyang tanong pagkatapos makalapit at makahalik sa aking noo at muntikan pa Sana sa labi buti nag ubo-ubuhan ako mahirap na baka mafall ako chos!

"Oo Daddy Love ko, iuwi mo nako at gusto ko nang makita ang mga junakis ko" pabebe kong sagot.

Medyo curious din kase ako sa itsura ng mga future babies ko. Baka mamaya kase magising nako. masilayan ko manlang sana sila bago ako magising sa panaginip na ito. Yun kung panaginip nga ito at hindi sa future mismo.

"WHAT?" nalilito kong sagot nang mapansing napamaang silang nakatingin sakin.

"Tula laway mo Cous, Kyawti" lakas loob na Salita ni Camia.

Ayy shet akala ko nalunok ko na Yung laway ko kanina tumagas pala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Most Hated Guy Is My Husband!? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon