Prologo

15 1 0
                                    

Prologo

“One, two, one, two, ikot.”

Pawis na pawis ako habang nagtuturo ng sayaw sa kanila para sa nalalapit na Dance Festival sa buong campus. Ang alam ko ay may makakalaban kami na galing pa sa iba't-ibang sikat na campus.

“Leanne, mali ang ikot mo!” pagpuna ko dito.

Agad naman itong humingi ng sorry sa akin na tinanguan ko lang.

“One more time, guys!” sigaw ko at muli silang sinabayan sa pag sayaw. Goodness! Ang daming nagkakamali sa kanila kahit na basic steps pa lang 'to.

Bago ako makapagsalita ay nakarinig kami ng sunod-sunod na pagkatok. Inutusan ko si Ryan na buksan ang pinto dahil siya ang pinakamalapit dito.

“Fairah? Si Eleazar ang magiging partner mo. Ito na lang ang ibinigay kong task sa kaniya para hindi siya bumagsak,” Prof. Sheena said that makes me frown.

Why him? Eleazar Chua!? Bakit sa dinami-dami na pwede kong makapareha ay ang kababata ko pang walang ginawa kundi mambwisit.

“Why him? He doesn't know how to dance. Parehas kaliwa ang paa n'yan,” reklamo ko na ikinangisi ni Eleaz.

“At bakit hindi ako? By the way, you look so hot in that shirt,” he said then looked at me while biting his sinful lips.

Damn, pervert jerk!

Umismid lang ako sa kaniya at inirapan siya, “Hindi ka marunong sumayaw, Chua!” sagot ko.

Nagkibit-balikat siya sa sinabi ko bago naglakad palapit sa akin.

“Is that so? Then teach me how to dance instead,” he winked at me.

I know that I am red as an apple, gosh!

By the way, I am Fairah Montana and I am assigned to teach him how to dance.

Teach Me How To DanceWhere stories live. Discover now