Kabanata 1
Lutang akong pumasok sa loob ng classroom. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang ulo ko. Bakit nga ba kasi ako hindi natulog? Argh dapat talaga hindi na ako sumama sa party.
“Fairah, what happened to you? You look so stressed,” kunot-noong bungad sa'kin ni Cathia.
Pinasadahan ko lang siya ng tingin at hindi pinansin. I am sleepy and I don't want to talk to them. Tumungo ako sa aking upuan para sana ay umidlip pero bago pa mangyari 'yun ay dumating na ang pinakaiinisan kong tao, the perverted jerk Eleazar Chua.
Agad itong ngumisi nang makita akong nakatingin sa kaniya na ikinairap ko.
“I know that I'm handsome but staring too much is bad,” may pailing-iling pa na sabi nito.
Sarkastiko akong tumawa, “Ha? Hakdog,” tanging sagot ko.
I saw how he frowned at my answer, pikon.
“Tsk,” umupo na siya sa kaniyang upuan at nagpangalumbaba habang nakatingin sa akin.
Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. He looks like he's daydreaming about me.
“What are you doing?” tanong ko sa kaniya.
Para naman s'yang natauhan at bigla na lang ito umayos ng pagkakaupo. His ears are now red. I secretly smirked, kinikilig ba ang gago?
“Daydreaming in front of your crush is bad,” I said, mimicking him to be exact.
Lalong namula ang tainga niya at masama akong tinitigan, “You're not my crush! You're not that pretty, Hazel is more prettier than you,” naiiritang sabi niya.
Natahimik naman ako dahil dun. I hate being compared with my enemy.
“Oh? Okay,”
Hindi na ako humarap sa kaniya at mas lalong hindi na ako nakipag usap sa kaniya. Sino siya para ikumpara ako sa Hazel na 'yun? He's really a jerk.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang Prof namin sa math and drafting.
“Goodmorning class!” malakas na pagbati nito habang hawak-hawak ang laptop niya.
Sabay-sabay naman kaming tumayo at binati rin siya, “Goodmorning Prof. Araceli!” umupo na kami sa kan'ya-kan'yang upuan.
“Class today we will having a group activity. Each group is assigned to draw a designs of houses,” anuns'yo nito.
Marami ang nag reklamo pero hindi ako isa dun. Designing is one of my passion.
“Prof naman!”
“Ma'am sa susunod na lang 'yan”
“Quiz na lang Prof!”
“I will announce your groups. Mahahati kayo sa limang grupo at ang may pinakamagandang gawa ay excepted sa projects and quizzes.”
Tahimik lamang akong nakikinig at ramdam kong may nakatingin sa akin, pinagmamasdan ang bawat galaw ko.
Tangina ka, manigas ka d'yan.
“Group one, Lyra, Cyrus, James, Arra and Mika.”
Sunod-sunod na tinawag ang mga grupo habang ako ay naghihintay pa na mabanggit pangalan ko.
“Group five will be Hazel, Aciandra, Caelus, Eleazar and Fairah.”
Wala sa sariling napairap ako sa hangin, why them? Kung minamalas ka nga naman talaga.
“Pumunta na kayo sa mga grupo niyo at pag usapan kung anong gagawin n'yo. I will be giving you three days to finished this task,” ani ni Prof. Araceli.
YOU ARE READING
Teach Me How To Dance
RomanceThey always tell me that I was born to teach him how to dance.