1

14.9K 264 185
                                    


CHAPTER 1

"Kimberly, tara na, anak! Kailaingan na nating tumulak at baka tayo na lang ang hinihintay doon. Nakakahiya!" narinig kong tawag sa akin ni mama mula sa ibaba.

"Opo, ma! Malapit na!" sagot ko pabalik habang hindi pa rin tumatayo mula sa pagkakahiga. Nakita kong alas otso pa lamang ng umaga. Kailangan ba talaga naming pumunta roon ng ganito kaaga? Hindi naman kami event organizers!

Ninamnam ko pa ng ilang sandali ang lambot ng kama ko. It's Saturday! Dapat ay pahinga ko itong araw na ito. We normally have Saturday as our rest day from everything. Halos bihira lang naman talaga na lumabas kami ng bahay ng ganitong araw lalo na kung kinakailangan talaga.

Ipinasiya kong magpatuloy na lang muna sa paglaro sa cellphone ko. A few minutes won't hurt, I thought. Binisita ko panandalian ang Facebook ko. Nakita ko ang iilang mga post doon ng mga kaklase ko. I pouted. We're only fourteen pero bakit kung tignan ko sila ay para bang college students na sila? I also saw some tagged photos from Marcus' friends. Nakauwi na pala siya? Akala ko ay mamayang gabi pa ang dating niya.

I was about to lock my phone when I received a text message from Theodore. I rolled my eyes. Mambubwisit na naman ito!

From: Theodore LeFevre

Hoy. I saw you are online on Facebook! Akala ko ba ay pupunta kayo rito ng maaga?

I wanted to ignore his text ngunit ay nasundan pa iyon ng isa pa.

From: Theodore LeFevre

At tsaka in-add ka nga pala ng kaklase ko sa peysbuk, ha! I-accept mo! Ayokong mapahiya ako doon!!!

I immediately rolled my eyes. Sinasabi ko na nga ba at mabubwisit lang ako kay Theo! Sa sobrang irita ko sa kanya, I decided to annoy him.

To: Theodore LeFevre

Hu u?

Mahinang tawa ang pinakawalan ko nang nakitang nai-send na iyon sa kanya. Hindi naman ako nabigo sa paghihintay ng reply dahil agad agad ko rin iyon natanggap.

From: Theodore LeFevre

Pinakaguwapo mong kaibigan.

Halos humagalpak ako sa kakatawa dahil sa reply nito. Ang joker talaga ni Theo! Bwisit!

"Kimberly!" si manang Dory sabay bukas ng pintuan ko. "Halika na sa baba! Kanina pa naghihintay ang mama mo," aniya.

"Manang, ang aga aga pa!" pagmamaktol ko rito.

Aba, eh, sinabi ng mama mo na maaga raw tayong inaasahan doon!" dagdag pa nito bago niya kinuha ang bag kong nakapatong sa may upuan. "Ano ito, handa na ba ito?" tanong niya.

"Eh, si papa, ba nasa baba na rin?" nakangisi kong tanong dahil panigurado akong hindi pa siya tapos.

"Ay, ewan ko sa iyong bata ka! Ano nga itong bag mo? Ano pa ang ilalagay?" pag-uulit nito.

"Wala na po, manang. Ready na 'yan," sagot ko sabay pikit ng mga mata ko.

"Naku, wag ka na matulog! Bumaba ka na at kanina pa naghihintay ang mama mo doon!" utos niya sa akin bago tuluyang lumabas ng kuwarto ko.

Narinig ko naman ang iilang reklamo ni mamang Doris. Si manang talaga, parang hindi na nasanay!

Mas kaugali ko si papa. May mga iilan din akong namana kay mama pero mas lamang talaga ang genes ng tatay ko. Half-American si papa kaya naman tunog banyaga ang apelyido naming Rutherford. While my mom is a pure Filipina. Nag-iisa nila akong anak. Matagal na akong humihiling ng isa pang kapatid pero hindi ako napagbibigyan. Tumigil na lang ako sa kakaasa ngayon. I am already fourteen years old, hindi ko na ata makakayanan pa na magkapatid! Lalo pa at nadiskubre kong saksakan rin ako ng katamaram paminsan minsan.

"Kimberly!" narinig ko ang malakas na boses ni mama. Patay! Sigurado akong nasa labas na lang siya ng kuwarto ko. "Bakit nakahilata ka pa diyan?! Sinabi ko naman sa iyo na maaga tayo ngayon!" agad na bungad nito matapos siyang iniluwa ng pintuan ko.

"Eh, mama, bakit kasi kailangan nating pumunta doon ng maaga?" rekalmo ko rito habang unti-unting bumabangon.

"Si Imelda na ang nag-aya sa atin na doon pumalagi ngayong weekend. Nakakahiya naman tanggihan," aniya.

"Bakit naman? I'm sure tita Imelda will understand if we say na bukas na lang tayo pupunta doon," subok kong pangungumbinsi habang sinusuklay sa kamay ang mahaba kong buhok.

"Nakakahiyang tumanggi ngayon, lalo pa't siguradong pinaghandaan nila ang lahat," sagot niya pabalik.

"Oh, andito lang pala kayong dalawa. Handa na ba kayo? Tara na't lumakad na tayo," ani papa na kakatapos lang din mag-ready para sa araw na ito.

"Sige na nga," labag sa loob kong umayos. Tinatamad lang talaga akong umalis ngayon. Buti sana kung training ang gagawin, hindi naman! We are going to attend a party, which means I have to socialize with people.

Sumakay na kami sa aming sasakyan kasama ng iilang tauhan ng mga LeFevre. Bata pa lamang ako ay namulat na ako sa mundong ginagalawan namin. My dad's family has long been loyal to the LeFevre. Masasabi kong sila ang pinakapinagkakatiwalaan ng mga LeFevre at kapatid na rin ang turing ni Don Antonio kay papa. My parents met because of Doña Imelda. They were bestfriends kaya hindi maiiwasang makilala ni mama si papa.

Hindi naman lingid sa kaalalam ko ang business na meron sa mga LeFevre. I grew up knowing what their operations are. At first, talagang madaming katanungan sa isip ko pero nang nagkaisip ako, doon ko napagtanto lahat lahat. Siguro iyon na rin ang dahilan kung bakit hindi ako kagaya ng mga kaklase at kaedad ko na ang tanging pinoproblema ay kung anong kulay ng eyeshadow ang gagamitin.

I grew up seeing men with guns. I am fascinated with guns more than make-ups. My mom tried to stir me away from the LeFevre business.

"You're free to choose your career and path, anak. Not because we are involved with the LeFevre means you're bound to be a part of it, too. You know you have your freedom," my mom once told me. My dad agreed with her. I always knew that I could be whatever I want to be pero ewan ko ba... I feel like it's already in my veins. Mula pa noon, alam kong ito na rin ang pipiliin ko.

"I think Theo will be there, siguro naman hindi ka magiging bored doon," komento ni mama nang mapansin naming malapit-lapit na kami.

I pouted. It's not like Theo and I are close. I mean we are friends but not really that close. Theo and I are on the same age. Ilang buwan lang ang tanda nito sa akin. We also go in the same school, sa LeFevre International, which is obviously theirs. Hindi nga lang kami parehas ng section. At dahil alam ng lahat na pag mamay-ari nila ang paaralan na iyon, he acts like a freaking royalty!

Pero ang pinaka-kinaiiritahan ko talaga ay iyong lagi lagi na lang niya akong kinukulit na makipag-usap sa mga kaibigan niyang lalaki! Tapos kapag inaayawan ko, tinatawag niya akong suplada. I don't understand why he keeps on trying to pair up his friends with me.

"Oh, andito na tayo," ani papa na naka-agaw ng atensiyon ko.

I sighed as I looked up the high gates of the LeFevre estate slowly opening. Here we go...

The LeFevre Mafia: Stolen by the Rival's BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon