Ilang ulit kong sinubukang titigan ang pangyayari sa harapan ko dahil hindi ako lubos na makapaniwala. It is him. Hindi ako makapaniwala. I stood there dumbfounded.
Pilit siyang ipinagtatanggol ng traydor kong puso pero iba ang sinisigaw ng isip ko. Ramdam ko ang unti-unting pagkabasag ng puso ko. Parang gusto ko itong hilain palabas sa dibdib ko. It hurts!
Hindi ko na namalayan kung kailan pa nagsimulang pumatak ang mga luha ko, o kung gaano ako katagal na nakatayo at nakatitig sa kanya, basta ang alam ko lang ay kailangan kong makaalis bago pa niya ako makita.
I should have stayed in my house when he said he just needs to fix some papers. I should have not planned a surprise for him. Hindi ko na dapat siya na-miss. Hindi ko na dapat nilagyan ng tracker ang sasakyan niya. Hindi ko na dapat siya sinundan. All because I am a fool in love.
How could he do that to me? Wala akong ginawang kasalanan sa kanya. I loved him to the greatest extent that I can. I trusted him. I gave him my all.
I wish love could be as easy as reciting the alphabet and counting one to ten. I wish I could make myself forget him and rip his head off, but I can't... all because of this stupid feeling called love.
AN: NEXT UPDATE AT 100 COMMENTS
BINABASA MO ANG
The LeFevre Mafia: Stolen by the Rival's Boss
General FictionThe LeFevre Mafia Series: Kim's story