- FOUR -

1.7K 55 11
                                    

Alexis

We're on our way na to Brentwood International School. Yes, I said WE. I mean me and my cousin, James. My parents agreed lang sa pakiusap ko in a condition na James will attend school din with me. At syempre sa lakas ko sa kanya and I know naman na mahal na mahal nya talaga ako, he cannot say no to me kahit pa labag sa kalooban nya. Alam naman nya kase kung gaano 'to kaimportant saken. Kaya heto sya ngayon sa passenger seat ng car ko na nakabusangot! As in hindi maipinta ang pagmumukha nya. Hahaha.

"Come on couz, it won't be that bad naman! I know mag-eenjoy ka rin for sure. Remember, maraming hot chickababes sa high school." I said it with matching wiggling pa ng eyebrows. I just want na mawala ang pagkabadtrip nya kahit papano and be with his usual cheerful self.

Tiningnan lang nya ako na halata pa rin ang pagkairita sa gwapo nyang mukha. I admit na gwapo naman talaga sya. Pero hindi naman yun nakakapagtaka knowing na we are related. Nasa lahi na namin ang pagiging good looking. *chos! Haha

"Seriously AC??? Kahit pa gaano karaming chickababes dun, still it's highschool! It's a fuckin' highschool dude! It would look like child abuse for me!" Pagrereklamo pa nito with a matching puff of his cheeks pa while crossing his arms over his chest. Parang bakla talaga. Syempre, nasa isip ko na lang yun and hindi na vinoice out pa. Alam na alam ko namang kahapon pa sya badtrip sa condition na hiningi ng parents ko.

"Para namang napakatanda mo na couz? Let me remind you, I just turned 17 and you are just a year older than me. So basically, age natin eh for highschool lang talaga. Advanced lang masyado ang education natin because of our family." Napaparoll eyes na lang ako sa pinsan ko. Nagtitimpi akong wag patulan ang pagkachildish nya at this moment 'cause I really owe him big time!

"Fine fine fine. Whatever you say. Still, dapat I've got better things to do than attending this fuckin' highschool! Tapos na ko sa kaaaral!" Parang bata pa ring pag-aalburuto nito.

"Hindi mo naman kailangang mag-aral couz. I'm sure whatever ituturo dun, alam na alam na natin. Kahit nakapikit, we could answer all the tests. And hindi natin kailangang dibdibin ang pag-aaral. Whether we get a failing grade, walang issue kase it wont reflect sa academic record natin! So can you just please enjoy?" I ask him using my only weapon for him to succumb sa kung anong gusto ko. Ano pa nga ba? Eh di ang walang kamatayang puppy-look eyes! Hahahaha.

"Shut it! And stop that fuckin' antics of yours! It's disgusting at mas nakakabwisit!" Ganun ang sinasabi nya yet hindi naman sya makatingin sakin. He chose to look outside the window and stare at nothing in particular.

I continued doing what I am doing until tumingin sya sakin. I know na hindi naman nya ako matitiis eh.

"Shit couz! I said stop it! Okay fine! You won! Again and again and again. Lage naman eh. Kelan ba kita matitiis?" He said surrendering.

Hahaha. See? Sabi na nga bang hindi talaga ako matitiis ng mokong na to kaya naman super love ko sya eh. *devil laugh.

"Walk me through the plan again. Sa pagkabadtrip ko kahapon, walang pumasok sa kokote ko na kahit anong info." Seryoso ng sabi nito at finally tumingin na ng diretso sakin.

"First, thank you so much talaga couz for doing this for me. I know na hindi mo ako bibiguin kahit sobrang labag na sa kalooban mo. I owe you bigtime talaga. Dahil dyan, hindi lang yung phone and shoes na dinidemand mo ang ibibigay ko sayo. You could have my car na rin na gustong gusto mo."

Agad namang nagningning ang mga mata nito. Hindi sya makapaniwalang napatingin sakin with his jaw dropped wide open. Halos literal na bumagsak na 'to sa laki ng pagkakabuka. Haha. Sino ba naman kaseng hindi magugulat sa sinabi ko di ba? Binibigay ko lang sa kanya ang one of my collections na sports car.

Second Chance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon