- THREE -

1.8K 59 0
                                    

Alexis

Matagal ng nakaalis si uncle yet heto ako, nakatunganga pa rin sa picture ng only love ko. I knew na she's beautiful talaga, what I didn't expect is for her to be this drop dead gorgeous! Grabe, sobrang stunning ng beauty nya. Para syang anghel na bumaba sa lupa. Hindi ko maimagine kung paano ako makakalapit sa isang tulad niya. I am thinking of ways at ngayon pa lang namomoblema na ako on how to at least be acquainted with her.

"Ahemmmmmm" I heard the sound made by James clearly. Hindi ko lang talaga sya pinansin and continue staring sa picture na goddess na nasa harapan ko.

"Ahemmmmm ulit." Still, dedma pa rin ako.

"Ahemmmmmm! Ahemmmmmm! Ahemmmmmm!!!!!!!" Patuloy na pangbwibwisit nito sakin.

"Ano bang problema mo James??? Kanina ka pa sa pambwibwisit mo!" Inis na asik ko dito.

"Finally!!!!! Pinansin mo din ako couz. I thought namaligno ka na ng picture na yan eh. Kanina ka pa hindi makausap! So ano, tititigan mo na lang ba yan?" I simply gave him a bored look.

"Come on couz, I know naman na patay na patay ka talaga sa babaeng yan, pero pwede bang wag ka namang magpagutom? Pati ako nadadamay sayo, alam monyun? Hindi naman kita maiwan dito kase baka magkalindol ngayon or masunog na ang place na 'to, hindi mo man lang mamalayan o kaya eh dedma ka lang! Hindi na healthy yang inaakto mo, promise! Nakakatakot na para ka ng nasisiraan." Amaze na amaze na sabi nito while mataman akong tinitingnan.

I can't help but laugh a bit sa sinabi nya. Ganun na lang ba kalala ang pag-ispace out ko? Sa sobrang saya ko today, hindi ko na talaga namalayan ang oras at kung ano man ang nangyayari sa paligid ko. And I was so shocked seeing na it's past noon na pala! Ganun ako katagal tumunganga??? Naman. Mukhang may reason nga para kabahan ang pinsan ko ah.

After securing all the files with me, I started getting up na from my seat. Medyo nakaramdam na rin ako ng gutom considering na wala pa akong nakakain since morning.

"Let's find a restaurant to eat couz." Masayang pag-aaya ko dito. Mabilis naman itong tumalima sa anyaya ko at agad agad nakasabay sakin palabas ng coffee shop.

"Let's try the newly opened Italian Resto 15-20 minutes away from here couz. And since masayang masaya ka today, libre mo syempre!" Ngising ngising banat nito.

I looked at him na parang tinubuan ito ng dalawang ulo. "Pwede ba? Kahit naman hindi ako masaya, kelan ka ba naman talaga gumastos everytime na lumalabas tayo?" Bored na bored kong sagot sa kanya.

"Hahahaha. Grabe ka couz! Pero may point ka dyan! But believe me, iba ngayon kasi nga masaya ka! This calls for a celebration!" Parang baliw na naghahappy dance pa ang kumag. Naiiling na lang ako sa inaasal nya. Kung alam lang ng mga babae nya na he has this childish attitude, ewan lang kung hindi maturn off ang mga yun.

Hindi ko na lang sya pinansin pa. Hinayaan ko na lang sya sa whatever bet nya. Better go with the flow instead na kontrahin pa kung ano man ang trip nyang yun.

Hindi naman kami natagalan going sa restaurant na sinasabi nya. Mukhang ok naman nga at maganda ang ambiance. Pagpasok pa lang, very welcoming agad ang mga staff. Usual everyday clothes lang naman ang suot namin at hindi kami pormado so you will know na hindi sila nagdidiscriminate dito. Though mukang high-end restaurant na pangmayayaman, they are treating all their customers equally which is a plus factor na for me.

We seated sa medyo dulong part kasi ayoko talaga to be in the center of everything. I'd rather keep a low profile sa lahat ng bagay.

Hinayaan ko na lang si James na mag-order ng kahit ano for the both of us. Hindi na ako nagulat pa ng magtake advantage talaga sya at sandamakmak na pagkain ang inorder nya. Wala namang kaso sakin, as long as uubusin nya talaga lahat or else makakatikim talaga sya ng sipa from me.

Second Chance With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon