P.O.V Tanya
Madalim ang kalangitan. Nagngangalit ito at walang humpay ang pagkulog at pagkidlat. Sinabayan pa ito ng napakalakas na hangin at walang tigil na pagbuhos ng ulan. Nagliliparan ang mga yero, plywood at iba pang mga bagay na maaring tangayin ng napalakas na hangin. dinig na dinig mo ang paghuni ng malakas na hangin kasabay ng malakas na pag ugong ng langit.
Sa isang masikip na eskinita ay abala ang mga tao sa pagsasalba ng kanilang mga gamit. Bumabaha na kasi sa labas. Lagpas bewang na ang tubig baha. Pinasok na nito ang mga tahanan ng mga residente. Mataas man ang tubig ay may makikitang may mga ilang tao na ini-enjoy ang tubig baha at ginawang parang Splash Island ang eskinita habang naglalangoy sa maduming tubig.
Ang iba naman ay nakikisilong na sa mga kapit bahay sapagkat lubog na ang kanilang bahay sa baha. Maswerte ang iba dahil may mga ikalawang palapag ang mga ito na hindi inaabot ng mga baha. May mga minalas din dahil ang ibang bahay kung hindi nakalubog ay wasak na dahil mahuna ang mga ito sapagkat yari lamang sa mga pinagtagpi tagping mga kahoy.
Ito ang eksena sa isang eskinita sa Sampaloc, Maynila. Dito rin nakatira ang isang malditang at ambisyosang babae na si Tanya. Iba ang ugali ng babaeng ito lalo na sa kaniyang mga kapitbahay. Mataray at mahigpit sa mga bagay bagay. Akala mo ay kung sinong senyorita ng lugar. Kung makaasta ay nagmamayaman yamanan. Maarte. Nagseselan selanan kahit laki din naman sa iskwaters area. Kung titignan mo ay akala mo kung sinong sosyal pero baon din naman sa utang.
Sikat si Tanya sa kanilang lugar dahil siya ang nanalong Ms. Talipapa 2013. Sa madaling salita may angkin siyang ganda. At ito ang pinagmamalaki at iniingat ingatan niya. Iisa lang din ang kaniyang pinaniniwalaang motto, "Ang gandang ito ay hindi pang iskwater, dahil sa beauty ko nagkakagulo ang mga prime minister."
Si Tanya ang nagmamay-ari ng isang bahay sa masasabing matibay tibay din naman kung kaya't sa kanya nakisilong ang ibang mga kapitbahay. Sa bahay na ito ay mayroon maliliit na 4 na kwarto na hinati hati niya upang mapaupahan. Bagama't mataray marunong din naman siyang makisama sa ibang kapitbahay.
"Oy, punyeta kayo ha, yung mga tasa ng pinaginuman niyo ng kape hugasan niyo ah, nakikisilong na nakikape pa, palitan niyo yan ha. tuwing bumabagyo na lang andito kayo. Bakit di kasi kayo magpagawa ng matibay na bahay!" Mataray na talak nito sa mga kaibigang kapitbahay na nakikisilong sa kanya.
Sanay na ang mga tao sa palingkera niyang ugali. Hindi na nila ito pinapansin dahil kapag sinumpong naman ng kabaitan itong si Tanya ay lahat naman sila nakikinabang. Sala sa init sala sa lamig ang ugali niya. Minsan maldita, minsan tila anghel, lalo na pag may kailangan o magpapatulong sa mga kapitbahay. Kaliwa't kanan din ang mga manliligaw niya sa lugar nila. Ngunit kahit isa ay wala siyang pinatos.
"Mahirap na ako, mahirap ka din! Anong mangyayari sa atin! Magbanat ka ng buto pag milyonaryo ka na saka mo ako ligawan, leche!" Ito ang linyang naririnig ng mga sumubok na ligawan siya.
Isa lang naman ang pangarap ni Tanya. Ang yumaman o di kaya ay makapag asawa ng mayaman. Yun lang naman ang tangi niyang hiling.
BINABASA MO ANG
No Money, No Honey
General FictionIto ang istorya ng isang babaeng ambisyosa. Isang babae na gustong yumaman sa pamamagitan ng pag aasawa ng mayaman. Ngunit matatagpuan niya ba talaga ang tunay na pag ibig sa kanyang pangarap na ito. mahalaga pa ba sa kanya ang puso o pera na lang a...