Prologue - Katanungan

7 0 0
                                    

Abala ako sa pagtingin sa mga libro dito sa store, ang dami naman kasing pinapabili s'aking libro ni Mrs. Liwanag.

Halos mag-iisang oras na ako dito, hindi padin ako nangangalahati.

Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap nang may marinig akong yabag ng paa na tila tumatakbo.

"TABI!" sigaw ng lalaki.

Paglingon ko sa pinanggagalingan ng sigaw ay siyang pagbunggo ng isang lalaki sa akin.

Tumilapon ang mga hawak kong libro at sa lakas ng pagkakabunggo nito sa akin ay natumba kaming dalawa.

Nakahiga ako sa sahig at nakadagan naman ito sa aking ibabaw. Magkapatong ang aming mga katawan, magkalapit ang aming mga mukha at...

teka,

magkalapat ang aming mga labi?

Dali-dali ko siyang tinulak at tsaka siya'y sinigawan.

"BASTOS!" sigaw ko sabay bato sa kanya ng libro.

"MANYAK!" sigaw ko ulit sabay bato sa kanya ng isa pang libro.

"BASTOS, MANYAK KA!" sigaw ko bago tumayo at tumakbo palabas ng store.

Tae, first kiss ko yun. First kiss na nakuha ng isang taong hindi ko naman kilala, at sa lalaki pa.

Tae talaga!

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

"Mr. Imperial," pagtawag ni Mrs. Liwanag sa akin. "I just want you to meet Mr. Castillo,
-
-
-
your new tutor in Math."

Siya?! Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit siya pa?! Ang taong unang kumuha ng first kiss ko, at sa lalaki pa.

"Seryoso po ba kayo?" gulat kong tanong.

"Oo, Mr. Imperial. Seryoso ako." sagot niya. "Bakit? may problema ba?" tanong nito.

"W-wala po." sagot ko bago tiningnan ng matalim ang lalaki.

Walang-hiya! Ano kayang mangyayari s'akin nito? Mukhang mas lalo akong hihina sa Math kung ito ang magiging tutor ko.

Argh, bahala na nga!

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

"Ang pag-ibig, para lang yang pagsagot sa Math. Maraming tanong, nakakalito, nakakabaliw." sabi ko. "Kailangan mong magderive ng iba't-ibang formula para makuha ang sagot. Pero siyempre, kailangang tama ang formula mo para makuha din ang tamang sagot sa tanong."

"Naks naman," sabi niya. "Gumagaling ka na sa Math ah!"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Maraming pwedeng isagot sa equations, maraming pagpipilian. Mas maraming pagpipilian, mas nakakalito. Hindi mo na alam kung alin d'on ang tama at mali." sagot ko.

"Ang weird mo na naman..."

"Gan'on ba?" tanong ko. "Nagiging weird ba talaga tayo kapag inlove?" dugtong ko.

Katanungan [boyxboy]Where stories live. Discover now