Hello, so ito na po ang 1st Chapter ng story. Medyo maikli lang yan. Wala lang, basta. Hehe, I love you all!
-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
Andy's POV
"Ano na naman bang nangyayari sayo?" iritang tanong sakin ng aming guro sa Mathematics.
"Sorry po, ma'am."
"Akala ko ba maliwanag na sayo ang lahat ng inaral natin? Tingnan mo, ikaw na naman ang nakakuha ng lowest score sa buong klase niyo."
"Pasensya na po talaga, susubukan ko po ulit na bumawi sa susunod na exam." paghingi ko ng tawad.
"Aba, dapat lang. Hala sige, pumasok ka na sa next class niyo." medyo kalmado na nitong sambit ngunit bakas parin ang pagkairita nito.
"Sige po, ma'am. Salamat po." sambit ko bago tuluyang lumisan sa faculty room.
Hi, ako nga pala si Andy Imperial. 16 years old na pero mukhang grade 6. Hindi kasi tama ang height ko para sa edad ko. At kung gusto niyo pa akong makilala nang lubusan, dapat basahin niyo yung buong story. Joke.
Galing ako sa faculty room para kausapin ang aming guro sa Mathematics na si Mrs. Liwanag.
As usual, pinagsabihan na naman niya ako dahil ako na naman ang nakakuha ng lowest score sa exam namin kanina.
Ewan ko ba, okay naman ako sa ibang subjects. Pero kapag numbers na ang pag-uusapan, nawawala ako sa sarili ko. Alam ko naman yung mga formula pero bakit hindi ko masagot yung mga questions ng maayos. Hay nako.
"Huy, Andy! Anong sabi ni Ma'am?" tanong sa akin ni Rey nang makapasok ako sa aming room.
"Hindi ko na kailangang sabihin dahil alam kong alam mo na ang sagot diyan sa tanong mo." pagtataray ko sa kanya.
"Grabe ka naman sakin, Andy. Ako kaya ang bestfriend mo!" pagdadrama niya.
Tama, si Rey ang bestfriend ko mula nung naghighschool kami. Siya yung una kong naging kaibigan nung first year ako. Mas matanda lang siya sakin ng isang taon kaya parang kuya ko na siya.
"Hay nako. Ano pa ba? Edi pinagsabihan na naman ako ni Mrs. Liwanag dahil ako na naman ang nakakuha ng lowest score kanina sa exam." sagot ko.
"Bakit ba kasi ang hina mo sa Math, Andy? Eh ikaw naman lagi ang highest sa ibang mga subjects natin kapag may quiz." sabi niya sakin.
"Aba, hindi ko na kasalanan yun noh!" buska ko sa kanya.
"President, pinapatawag ka ni Mrs. Liwanag." pagtawag sa akin ni Mae.
Yes, tama kayo ng basa niyo. Ako ang president sa room namin. Active naman kasi talaga ako. Magaganda naman ang mga grades ko, pero ang Math lang talaga ang problema.
"Nanaman?!" impit kong sigaw. "Bakit daw?" pag-uusisa ko.
"Walang sinabi eh."
"Ahh sige, thank you." sambit ko.
"Uy, Rey. Samahan mo ako." tawag ko kay Rey.
"Kaya mo na yan. Shoo! Alis na! Babye!" pagpapaalis nito sa akin habang tinutulak-tulak pa ako.
Aba, eh kung hambalusin ko kaya ito ng mga libro ko. Kung makatulak, parang hindi ako kaibigan.
Agad naman akong nagtungo sa Faculty Room para puntahan ang aming guro.
Nang makapasok ako sa Faculty Room ay bumungad ulit sa akin si Mrs. Liwanag.
"Ma'am, pinapatawag niyo daw po ulit ako?" tanong ko.
YOU ARE READING
Katanungan [boyxboy]
RomanceSa buhay natin, marami tayong mga katanungan. Ano? Kailan? Saan? Sino? Bakit? Paano? Ano kaya ang magagawa sa buhay natin ng pag-ibig? Kailan kaya natin matatagpuan ang tunay na pag-ibig? Saan kaya natin matatagpuan ang tunay na pag-ibig? Sino kaya...