Chapter 1

7 12 0
                                    

"Ethanginaaaaaaaaaaaa........"

Oh no. Not again

Sa hallway pa lang ng eskwelahan narinig ko na ang boses na ayaw ko nang marinig pa kahit kelan. Agad akong kumaripas ng takbo patungo sa classroom namin.

Umagang umaga palang nasira agad ang araw ko.

Hindi pala umagang umaga.

Araw araw..

Kahit saan ako dumaan kada umaga mapalikod ng paaralan, harap minsan nga nagoover the bakod ako para lang makaiwas pero ang langya. Kitang kita at rinig na rinig ko pa din ang boses niya.

Hindi ata siya nagsasawang tawagin ako sa pangalan na yan simula 1st year highschool at ngayon Fourth year highschool na kami.

Minsan iniisip kong lumipat ng paaralan ngunit hindi ko alam kung ano nangyayari. Kaibigan kasi ng mga magulang niya ang mga magulang namin kaya nakakagawa ng paraan para hindi ako makatransfer.

Sinubukan ko na din ang lumipat ng section. Nagtagumpay nga ko. Ngunit hindi pa naman ako nakakatuntong sa loob ng room ay naroon na agad siya. Para siyang kabute kung saan saan lumalabas.

Apat na taon na niya itong ginagawa sa akin.

Nahihiya ako. No! Sobrang hiya ang nararamdaman ko sa tuwing binabanggit nito ang pangalan ko.

Ethan Dela Cruz ang pangalan ko. Hindi Ethangina.

Tang ina talaga.

Nang makarating ako sa loob ng room ay doon lang ako nakahinga ng maluwag.

"Ano Ethan? Nakarinig ka na naman ba?" Si Grace na simula first year hanggang ngayon ay kaklase namin at isa sa mga nakakasaksi ng aking magulong buhay.

"Hindi ka na ba nasanay doon?" Sabi naman ni Paul sabay akbay kay Grace na isa din sa mga kaibigan namin at kaklase.

Napapailing na lamang ako na umupo sa aking silya.

Bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa na naman doon ang kanyang kinaiinisan o kinasusuklaman.

Pumasok ito sa loob at tumingin sa katabi ko. Tiningnan niya ito, nanginginig na umalis at lumipat ng ibang upuan.

Ito naman ay umupo sa tabi ko.

"Ano na naman ba Jayden? Pati ba naman katabi ko eh paaalisin mo? " naiinis na sabi ko

"What? Wala akong ginagawa as far as i remember" nang uuyam na sabi nito

"Katawan mo wala, pero yang mga mata mo parang papatay" sabi ko pa

"Oh come on Ethanginaaaaa...----"

"Its Ethan. Ethan not Ethangina" pagtatama ko na nakakuyom ang mga palad ko.

"Whatever Ethanginaaa, kasalanan ko ba na tingin pa lang papatay na?" Pagtataray nito.

Sasagot pa sana ako kaso dumating na ang guro namin at nagdiscuss..

Discuss... Lecture... Discuss...

LUNCH BREAK...

Nagmamadali sana akong umalis patungong cafeteria ngunit naiharang na naman nito ang katawan sa pintuan.

"Ethanginaaa. Sabay na tayo maglunch 😇 " parang tangang tinitigan niya ngunit hindi pinansin.

"A.YO.KO" matigas kung sabi at iniwan siya sa pintuan.

CANTEEN

NANG makaorder ako ay naupo ako sa isang bakanteng upuan. Habang kumakain ako ay may isang babae na umupo sa tabi ko at nakangiti pa.

That GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon