Chapter 2

3 11 0
                                    

This chapter is didicated to neriehzia . Paupdate na din po nung someday please? Hahaha.. Salamat!

............

.Kinabukasan...

Pagtuntong ko ng gate.

Lingon dito sa kanan..

Wala

Lingon sa kaliwa

Wala

Lingon sa likod...

Wala

Nakahinga ako ng maluwag na wa-----...

"Ethanginaaaaaa....."

Oh no!

Shit!

Bakit ba ako hindi nakapag isip malamang kung wala siya sa kanan, kaliwa at likod eh di nasa harapan siya..

Tengene naman!

Dali dali akong naglakad at iniwasan siya patungo sa silid namin..

Pagkapasok na pagkapasok ko ay napaupo agad ako sa upuan ko. Syempre sabay kami at nagmamadaling mahabol ako.

"Grabe ka naman Ethanginaa...ang bilis mo namang maglakad" sita nito

"Pwede ba Jaydeen? Wag mo akong bwisitin ngayon. Hindi ka ba nadala at madadala sa ginagawa mo sakin?" nanguuyam na sabi ko dahil hinarap ko siya.

"Oo nga naman Jaydeen, Hindi ka pa ba nagsasawa?" thank god at biglang sumulpot si Grace sa harapan namin kasama si Paul

"Ba't di mo na lang kasi Jaydeen sabihin ang nararamdaman mo kay Ethan?" singit na ngumingising si paul

Imbes na sagutin niya ito ay ubod ng tamis itong ngumiti at binalingan sila.

"Grace at Paul?" patanong na tawag sa kanila

"Yes?"

"Oh?"

Sabay na sagot nila.

"Sige. Tatantanan ko na si Ethanginaaa para sa inyo" nakangiting saad nito na ikanatuwa naming tatlo lalong lalo na ako.

Napa Ohhhh... naman ang mga kaklase namin ng sa wakas matatapos na din ang kahibangan ni Jaydeen sakin para makalapit na din sila sakin.

Lingid kasi sa kaalaman ng lahat na hindi makalapit ang mga babae sakin dahil inaaway niya ito..

Warfreak kumbaga.

"Pero kayo disGRACEa at suPAULturero ang ipapalit ko sa kanya" sabay turo sa akin.

Napasinghap naman ang mga kaklase namin at tumawa ng pagkalas lakas dahil parang tinakasan ng kulay ang mga kaharap ni Jaydeen.

"Ah eh, saglit lang, diba Grace may research tayo sa Science?tara punta muna tayong library"
Pahiwatig ni Paul na iniba ang topic

"Oo nga pala, ano pa ginagawa natin dito? Ah eh sige Jaydeen una muna kami, wag mo na lang intindihin sinabi namin. Lets go Paul" aligagang umalis ang dalawa sa silid.

Napabuntong hininga naman ako.

Nang akmang may sasabihin sakin si Jaydeen ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang nanginginig at takot na takot na si Maya. Isa sa mga kaklase namin. Kung pagmamasdan mo ito ay parang hinalay ng benteng katao dahil sa hitsura nito na gulo gulo.

"Okay ka lang Maya?" nag aalalang lumapit si stacey sa kanya at dinaluhan ito.

Niyakap naman niya si stacey at humagulhol sa harapan namin. Lahat ay napatahimik at nakakaramdam. Maski si Jaydeen ay seryosong  nakatitig sa kanya.

That GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon