#3- First Time

23 0 0
                                    


Nathalia's Pov

Maaga akong bumangon at naligo agad para sa first day ng trabaho ko. Dahil na rin sa boss kong creepy. Napansin ko naman si Carl na nag aayos ng bag niya. Nakita ako nito.

"Thalia. Sabay na tayo. Nakahanap na rin ako ng trabaho girl!"

Hindi ko maiwasan matuwa sa sinabi niya

"Edi ayos. Ano naman ang trabaho mo?"

"Personal make-up artist ng isang model ! Kahit na hindi ako nkapag tapos ng pag-aaral. Nakuha ko naman ang pangarap ko. "

"Masaya ako para sayo. Oh ano gora na? Late na ako. Tara na"

Tumango lamang ito at umalis na kami sa bahay. Hindi ko maiwasan mainis dahil sa nagkalat na billboard ni Kristoffer. Bakit ba puro siya? Wala na bang ibang artista diyan!? Kaasar

"No offense Nat ah. Pero kasi tignan mo sikat na sikat na talaga siya. Baka naman talagang nakalimutan ka lang dahil maraming nangyari sa kanya sa pitong taon na yun."

"Ewan ko Carl. Kung hindi na niya talaga ako naalala edi okay lang. Hindi siya kawalan"

"Sus! Di raw kawalan. Eh halos maghumpasay kana sa kakaiyak mo dahil lang sa kanya."

Inirapan ko lang ito. At sinabihan na lamang na umalis na kami.

Nakapasok na ako sa opisina at swerte lang dahil wala pa yung boss ko. Nakahinga ako nang maluwag.

"Hahaha! I really cant believe he did that!"

"He's crazy man!"

May naririnig akong malakas na nagtatawanan.

"Oh. It's good your here already. "

Tumango lamang ako dito. Napansin ko naman ang kasama nitong katawanan kanina.

Nanlaki na naman ang mata ko.

Bakit ngayon pa!? Kainis.

"Oh by the way. This is Toffer Lopez. Bakit ko pa ba siya pinakikilala. Like hell halos lahat na ata kilala kana. " nagtawanan na naman sila.

Napansin kong umiiwas ito ng tingin sa akin. Naalala na niya kaya ako?

Pinapasok naman na kami ni Tyler. Nakz! Tyler. Close kayo Nat? Wag assuming. Mahirap yan.

Ilang minuto na ang lumipas at nakaupo lang ako dito sa opisina ko at nagaantay na tawagin ni Sir Tyler.

Tinignan ko na lang ang sariling magazine ng ZN Fashion. Ang daming magagandang designes lalo na sa mga dress. Ang ganda. Kung ako siguro mag susuot nito baka mawala ang ganda nung damit.

Tyler's Pov

"So change topic. Naaasiwa na ako diyan sa clarisse mo"

"Ko? Like hell. nagpipigil lang talaga ako nang inis sa kaniya."

Natawa ako sa ekspresyon nito.

"By the way lets just change the topic. Wala kabang comment sa bagong secretary ko? I mean, reaksyon manlang"

Humagalakpak ito sa tawa. Kumunot ang noo ko.

"Okay sorry. Pero kasi what do you want me to say? I mean, look. she's not that pretty.Well not even a bit. But you have to deal with it."

I sighed.

I know right. Tss.

"Yeah yeah. Nandun na tayo. But it's his favor not mine. Oo nga, nakalaya na ako sa mansion na yon na puro mga matatanda ang kasama ko. But this!? Tss. Twenty four hours of work! Isama mo pa yung nerd na yun. Hell pare. Not heaven. Geez"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon