#2- Toffer Lopez

13 0 0
                                    

Gabing gabi na at nandito pa rin kami ni Carl sa salas at nanunuod ng palabas.

"Ayy girl mamamatay yan malamang"

=_____=

"Kyaaaaahh!! Grabe nakakatakot siya. "

=_____=

"My gosh!! Nasa likod na na niya ka-- ayy! Bat mo nilipat"

"Tae naman kasi! Ang ingay mo. Magigising si tita sa kakahiyaw mo"

"KJ mo teh. Anung sense ng horror kung nakatunganga ka lang diba. "

Inismiran ko ito at ngumuya na lang nang chicharon.

'News Flash. Lead singer ng bandang The Crowned Voice na si Toffer Lopez, nakita sa isang di kilalang restaurant kasama ang isang dalaga na napag-alaman na isang aktres na base sa nakakita ay si Clarisse Fontanilla, isa sa leading lady nito sa bagong ipapalabas na Movie sa bansa.

"Ay ang ganda nung girl. Baka naman may lihim na relasyon" sabi ni carl.

Pinakinggan lang namin ang sinasabi ng Aktres tungkol sa issue nila nung Toffer.

'Eto naman ang nasabi ni Toffer sa kumakalat na balita tungkol sa kanilang relasyon'

'No. We're friends. We've just have some little talk about the upcoming movie. And honestly matagal na kaming magkaibigan ni Clarisse'

Napatigil ako. S- si kristoffer yan.

"Ay girl! Siya yung kanina diba!? Wow! Sikat pala talaga siya. Sayang hindi tayo nakapag pa autograph o papicture manlang"

Napalunok ako. Matagal na siyang nandito pero ni bisita manlang hindi niya nagawa. Sabi niya babalika pa rin niya ako.

'Malamang thalia! Sikat na siya! Wala na syang panahon para sa isang katulad mo'

'Marami nang babaeng umaaligid sa kanya. Na magaganda. Hindi na siya mag aaksaya ng panahon sa isang nerd na katulad mo'

Napaluha ako at tumakbo papunta sa kwarto. Narinig ko naman tinawag ako ni Carl. Humilata agad ako sa kama at umiyak

'Bakit nangako pa siya!? Pinaghintay niya ako sa wala. Kasi ano? Sikat na siya? I hate you!!

"Thalia! Ano bang nangyayari sayo? Ano bang problema? Sabihin mo naman sa akin oh. "

Hindi ko ito pinansin at nanatiling nakatabon ang muhka ko sa unan.

"Uy thalia naman eh. Bakit kaba kasi naiyak?"

Napaupo ako at humarap sa kanya.

"Gusto mo malaman!? Siya lang naman ang lalaking nangako sa akin na babalikan ako! Ang lalaking pinaghintay ako sa wala dahil nabulag na siya sa karangyaan at kasikatan niya dito! Siya ang lalaking palagi ko sayong kinukwento Carl. Siya yun. " umiyak na naman ako,

Kahit ito ay napatigil.

"S- siya? K- kaya pala nung sa billboard palang, nag iba na ang mood mo. S- sorry Nat. Hindi ko alam. Kung ano ano pa naman ang nasabi ko tungkol sa kanya"

Umiling ako dito

"Hindi naman yun ang issue Carl. Ang issue dito, ibang tao na siya. Ang taong inaasahan kong nasa tabi ko nang mamatay sila nanay at tatay. Ano nasan siya? Nagpapakasasa sa kasikatan at pera!"

Hindi ito sumagot pa at hinimas na lamang nito ang likod ko.

KINABUKASAN . , , . , . . .

*kriiing*

Mr. SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon