Ikalimang Kapitulo: MALABO FEELS

494 12 1
                                    


IYAM

"Best, sorry na. Please huwag ka na magtampo. Kausapin mo na ako please."

Message sent.

Buong araw na akong text ng text kay Charie pero ni isang reply kahit blankong duling wala akong natanggap mula dito.

Sinubukan ko na rin itong tawagan pero bago pa ito pumanangalawang mag-ring ay agad na rin itong napuputol.

"Nakakainis naman oh! Hindi ko kasi iniisip mga lumalabas sa bibig ko. Bad mouth!" Himutok ko sa sarili ko kasabay ng mahinang pagpalo sa bibig ko.

"Ay butiki!" Sigaw ko nang biglang tumunog ang telepono ko na ikinagulat ko. Halos mabitawan ko pa nga ang taban taban kong cellphone.

Tinignan ko ang caller ID ko kung sino ang tumatawag at para namang nahulog sa sahig ang puso ko ng makita ang pangalan na naroroon. Si Charie.

Halos nanginginig at puno ng kabang pinindot ko ang reciever ng telepono ko.

"H-Hello?"

Ngunit wala akong marinig mula sa kabilang linya. Kaya muli ay tinignan ko kung active pa ba ang tawag. Pero meron pa rin naman kaya nilikom ko na ang lahat ng enerhiya ko at pampalakas ng loob upang kausapin na ito.

"Best sorry na. Alam ko kasalanan ko. Masyadong matabil ang bibig ko. Hindi ko na iniisip yung lumalabas sa bibig ko. Hindi ko na iniisip kung masasaktan ba kita o hindi. Patawarin mo na ako please. Best. Hindi ko kaya na nagkakatampuhan tayo. Parang nadudurog yung puso ko kapag hindi mo ako kinakausap. Please forgive me na."

"Matitiis ba kita?"

"Talaga best? Bati na tayo?"

"Mukhang ayaw mo ata eh. Sige bye na."

"Uy, uy, uyyy. Grabe naman 'to naniniguro lang naman ako eh. Bati na tayo please."

"Oo nga kasi sabi eh. Ang kulit kulit mo tlaga."

"Yey! Hindi talaga ako matiis ng bestfriend ko oh. Alam ko namang mahal na mahal mo ako kahit na napaka kulit ko."

"Yes, Iyam. Mahal na mahal kita."

Tila para akong natigilan at nakuryente pagkarinig ng mga salitang iyon mula sa kanya. Para bang iba ang dating sa akin pero sa magandang paraan.

Hindi ko tuloy maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto kong magsitalon at sumigaw na parang nanalo sa lotto. Pero napaka eksaherada naman. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Alam ko namang mahal ako ni Charie at mahal ko rin siya. Isa pa hindi rin naman ito ang unang pagkakataong sinabi niyang mahal niya ako.

Ano bang nangyayari sa akin?

"Iyam? Andiyan ka pa ba?"

"Ah-eh, sorry best nahulog kasi yung ano, yung.."

"Huh? Nahulog ang alin?"

"Ang puso ko. Ay este ang payong ko." Ay anak ng. Bakit puso? Iyam umayos ka! Gigil ko sa sarili ko.

"Payong? Bakit ka may hawak na payong at bakit nahulog?"

"Ah kasi ano. Kasi nagaayos ako ngayon ng bag ko best. Alam mo na kelangan ng payong diba baka bukas sobrang init o kaya umulan. Tama."

"At kelan ka pa natutong gumamit ng payong? Eh ayaw na ayaw mo nga ng payong kasi sabi mo kulang ka sa melanin sa balat? Gusto mo maging tan diba?"

"Ano ka ba. People change best." Parang ako, I'm starting to change my feelings for you. Urgh! Ano ba tong naiisip ko?

"Well sabagay may point ka. Oh siya sige na bukas na lang tayo magusap ulit. Kelangan ko na matulog maaga pa kasi ako bukas. Matulog ka na rin ha?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BESTFRIENDS (First Heartbreak) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon