Kapitulo Uno: UNANG HALIK

6K 62 14
                                    


"Uy Beeeest! Nakauwi ka na ba? Online ka na eh."

"...typing"

"Grabe ang bagal naman mag-type oh! Magiisang dekada na. Ano yan? Nobela ba tinatype mo???"

"Opo nakauwi na. Grabe ka naman kung maka dekada jan. Di naman ako kasing techy mo para mabilis magtype."

"Eh kasi naman noh ang bagal bagal mo para kang pagong."

"Oo na! Ako na pagong! Ikaw piggy!"

"Wow! Ang harsh ah! Kung maka-piggy ka eh mas sexy pa ako sayo! Che!"

"Hahaha! Che your face, too!"

"Amf! Kumain ka na ba, Best?"

"Di pa po eh. Gutom na ako. Pero nagluluto na si Manang. Ikaw ba?"

"Same. Huwag ka pagugutom ha? Miss na kita. :("

"Wow ah! Parang di tayo magkasama kanina. Clingy much, Best?"

"Hihi! Alam mo naman malingat lang ako sa'yo namimiss na kita agad! Huhu!"

"Ngek! Gutom lang 'yan. Oh siya, hindi pa ako nagbihis. Bihis muna ako ha? Chat kita maya, Best. Kain kana rin, okay?"

"Okay, Best. Ikaw rin kumain ka kapag nakaluto na si Manang. Kain ka marami. Mmuah!"

"Opo. Muwaah!"

Matapos naming magchat ng best friend ko ay agad na akong lumabas ng kuwarto ko't tinungo ang kusina. Oras na kasi para maghapunan.

Ako nga pala si Iyam. Kasalukuyang 4th year high school sa isang exclusive school for girls. Dito narin ako nag pre-school at dito ko narin balak mag college dahil may College department naman ito kung saan nag-aaral ngayon ang best friend kong si Charie.

Halos isang taon ang agwat namin sa isa't isa ngunit hindi ito naging hadlang sa pagiging matalik naming pagkakaibigan.

Kasalukuyan itong kumukuha ng Mass Communication. Pagsusulat at pagsasalita kasi ang forte nito idagdag pang napaka ganda nito't bagay na bagay maging news reporter na siya namang pinapangarap nito mula pa ng mga bata kami. Habang ako naman ay nangangarap na maging doktor.

Napakalayo sa isa't isa ng gusto naming tahakin sa buhay hindi ba? At huwag ka narin magtaka kung sasabihin ko sayong halos magkabaliktad kami sa lahat ng bagay.

Dahil kung si Charie ang tipo ng tao na masinop, matipid, tahimik, ayaw sa ingay, ayaw sa maraming tao, loner at independent, ako naman ay ang kasalungat niya.Dahil ako yung tipong makalat at mahilig magkalat, maingay, makulit, gastorera, gusto sa ingay, gusto makisalamuha sa tao, dependent sa magulang at sa yaya.

Ngunit sa kabila ng maraming pagkakabaliktad namin ay mayroong isang bagay na nagbubuklod sa aming dalawa. Pareho kasi kaming "attention seeker" at malambing.

Nagiisang anak lang ako ngunit halos hindi ko pa makita ang mga magulang ko dahil abala ang mga ito sa trabaho habang si Charie nama'y may isang kapatid na lalake, si Charles na mas bata rito ng dalawang taon. Si Charie ang panganay ngunit ulila na sila sa ama. At ang tanging kapatid naman niyang si Charles ay hindi niya makasundo lalo na't paborito pa ito ng kanyang ina na siyang nangungunsinte sa lahat ng kalokohan nito.

Dahilan ito kaya naman pakiramdam namin ay ang isa't isa lang ang meron kami mula nang magkakilala kami sampung taon na ang nakakaraan. Kaya naman pagdating sa isa't isa ay halos daig pa namin ang magkasintahan. Hindi ko alam kung kailan at paano nagsimula. Bigla nalang nangyari na sobra na kaming magkadikit na animo'y iisa ang bituka.

BESTFRIENDS (First Heartbreak) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon