Chapter 3

5.7K 46 4
                                    

Pagkagising ay dumeretso agad ako sa banyo para maligo. Nag lagay din ako ng light make up at nag spray ng  perfume. Saan ako pupunta? Syempre sa bahay lang.

Wala naman masama kung magpaganda at pabango sa bahay, 'di ba?

May pinapagandahan kamo. Sabat ng queer conscience ko. Napangiti lang ako sa salamin.

Nang masatisfy sa hitsura ay lumabas na ako ng kwarto. It's only 7am kaya napagdesisyunan kong mag prepare ng breakfast.

Matapos mag luto ay nag timpla ako ng kape. Pasulyap-sulyap din ako sa isa pang mug sa counter.

Timplahan mo na, aarte-arte.

Nag-alangan ako kung magtitimpla pa ba ako ng isa para kay Alona. Pano kung hindi niya magustuhan? Baka iba kasi yung panlasa niya. Ano kaya'ng bet niya? Brewed? Creamy? No sugar?

Tanungin mo muna kaya?

Napatingin ako sa pinto ng kwarto niya. Hindi pa man nakakapagdesisyon ay dinala na ako ng mga paa ko papunta do'n.

Aayain ko na lang din siya mag breakfast tutal lumalamig na ang pagkain.

Kakatok na sana ako nang may maalala. Tumakbo ako papuntang kwarto at tiningnan ang sarili sa salamin, inayos ko ang buhok at chi-neck kung may dumi ba ako sa ngipin. Nang makontento ay kumatok na ako.

Nakailang katok ako bago bumukas ang pinto at bumungad ang kanina pang hinahanap ng mata ko.

Pero syet lang, ganito ba talaga siya kaganda? Mejo magulo ang buhok at halatang bagong gising pero fresh na fresh pa rin. Namumula pa ang pisngi niya. Ngumiti siya pagkakita sakin. Parang nabingi nanaman ako bigla. Kung ano-anong sound effects na naman ang narinig ko.

Nawala ang ngiti niya nang hapitin ko siya sa bewang at siniil ng halik.

"Zai?" pukaw niya.

Bigla akong natauhan. Did I just daydream in front of her? Pota!

"Ah, kain na. I made some breakfast." agad kong sabi at tumalikod. Fuck, fuck, fuck! Kung hindi ko pa nacontrol ang sarili baka nahalikan ko talaga siya! She's a magnet and I'm freaking attracted to her.

Ayon, umamin din.

I hurriedly went to the toilet to compose myself. Balisa kong tinitigan ang sarili sa salamin habang hinihilot ang sintido. This must stop. Ayoko. Ayokong magkagusto sa babae.

Masyadong mabilis ang lahat considering na kahapon ko lang siya nakilala. And.. and the way she makes me feel, hindi normal eh. I've never been like this to anyone, not even my past boyfriends, not even Clint. Only her. A girl.

"Zai? You alright?" dinig kong tawag ni Alona sa labas.

I let out a deep sigh at ngumiti bago binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang nag-aalala niyang mukha. Why does she have to be this beautiful?

"Hey, ayos lang ako. Medyo sumakit lang yung tyan ko." palusot ko. "Kumain ka na."

Pinagmasdan niya muna ako saka tumango. Sinundan ko ng tingin ang likod niya habang papunta siya sa dining area. Napababa ang mata ko sa maiksi niyang athletic shorts, ang ganda ng legs niya. Pero mas nakuha ang atensiyon ko ng perpektong thigh gap niya.

"Coffee?" alok ko.

Umiling siya at ngumiti. "I don't drink coffee. Mabilis ako mag palpitate."

Nginitian ko lang siya. Mabuti na lang pala at hindi ko siya ipinagtimpla. Napahiya sana ang friend nyo.

Tahimik kaming kumain. Mas nailang ako nang maramdaman kong nakatingin siya sa 'kin. I felt so conscious, and I hate it. Nagiging clumsy kasi ako.

Only A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon