~Axyn's POV~
Nakatingin nalang ako ngayon sa magkayakap na sina Kuya at Aiah. Wala paring tigil ito sa pag-iyak at si Kuya naman ay todo haplos sa kaniya para patahanin.
Binalikan ko ulit ng tingin yung dalawang hinayupak na ngayon ay magkahawak kamay na naglalakad sa pasilyo ng mall.
'In all guys, bakit si Quint pa. Bakit boyfriend pa ng bestfriend ko ang nilandi niya!'
Habang tinitignan sila, di ko maiwasang makaramdam ng galit. Ikinuyom ko ang aking palad at handa nang sugurin ulit and dalawa.
d>>_<<b
'I can't let them hurt my bestfriend. I am willing to do anything at any cost basta't huwag lang masaktan ang mga kaibigan kong tinuring ko nang pamilya.'
Ibinalik ko ang tingin ko kay Aiah at patuloy parin ang pagagos ng luha sa mga mata niya.
Hahakbang na sana ulit ako sa gawi nina Quint pero hinawakan naman ako ni Asci sa balikat at nagsalita.
"Huwag kang magpadalosh dalosh sha deshishyon mo Axyn. Ishipin na muna natin ngayon kung paano maibabalik ang ngiti ni Aiah ngayon."
Napabuntong hininga na lang ako at lumapit kami kina Aiah at Kuya.
"A-aiah. Tahan na~"
It's hard to see someone close to you crying.
Natahimik nalang kaming tatlo at hindi alam kung anong gagawin. Nakakaawang tignan si Aiah ngayon. She looked miserable.
Kung ako man ang nasa sitwasyon niya ngayon, kanina ko pa sana sinugod yung dalawa. But knowing Aiah, mananahimik nalang siya imbes na guwama ng eskandalo katulad nalang ngayon.
"P-parang nasayang lang ang lahat ng pinagsamahan namin for 3 y-years. W-well kung saan siya m-masaya, pipilitin ko nalang maging masaya para sa kanya. M-maybe I wasn't c-capable of fulfilling h-his happiness and Prindy can s-so..."
dTT_TTb
Aiah can't finish her sentence as she bursted out. Niyakap naman siya ng mas mahigpit ni Kuya.
"He's not worth of your tears Aiah. Don't waste it on him."
Tumahimik ulit kami at ang pag-hikbi nalang talaga ni Aiah ang naririnig namin. Pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan but I don't give a sh*t.
'Aish. d>_<b'
We stayed quiet for a while pero nabasag ito nang magsalita si Asci.
"Aiah, tara sha arcade. Magshooting nalang tayo. Libre naman ni Kuya Wey eh. Diba Kuya Wey?"
"Oo naman."
"Hahahahaha. Libreng tekken, bashketball, at videoke to. Hahahaha."
"Kaya tara na para makarami pa tayo."
"Yes! Leggo leggo!"
d^○^b
Nagpaumunang naglakad si Asci habang tumalon talon pa at sumunod naman kaming tatlo.
Si Kuya naman ang umaalalay kay Aiah ngayon.
'Sweet... eh?'
Mukhang hindi parin kasi siya nakarecover sa nangyari kanina pero atleast hindi na siya umiiyak di tulad kanina na para siyang batang inagawan ng kendi. Well, literally, inagawan siya ng boyfriend.
Nakarating na kami sa arcade at naglaro na. Base sa mukha ni Aiah, mukhang nakalimutan na niya ang nangyari kanina kahit pansamantala lang.
Tawa siya ng tawa tuwing nanalo siya sa larong Tekken. Ito kasing si Asci ay napapagulong sa sahig kapag natatalo. Hahahaha.
BINABASA MO ANG
The ROSE
Teen FictionA story of a girl who's hoping for a true love from a Guy who she thought that loved her. Her feelings for him started when she accidentally got The Rose. The Rose that holds a lot of memories which leads her from the past. And by this ROSE, she'll...