Bride

5 0 0
                                    


"Excited na ako bukas hon. Excited na akong maikasal sayo." nakangiti kong ani dito bago ito yakapin ng napakahigpit.

-

Maaga akong nagising kinabukasan. Ayos na ang lahat. Nakahanda na ang isusuot ko sa kasal ko.

Kaagad akong naligo at inayusan ng stylist ko.

Isipin ko palang na magiging official na akong Vargaz.. kinikilig na ako.

Pagkatapos kong maisuot ang aking wedding gown ay lumabas na ako ng kwarto.

Agad na bumungad sa akin ang mukha ng parents ko. Kitang-kita ko sa mga mata nila ang kasiyahan. Alam kong masaya sila para sa akin.

Nang maihatid na ako sa lugar kung saan ang location ng kasal namin ni Kiel. Agad akong bumaba. Tinulungan pa ako ni mommy na buhatin ang mahaba kong kasuotan.

Ngunit isang oras. Dalawang oras. Tatlong oras hanggang sa limang oras. Walang Kiel na dumating.

Nakaupo lang ako sa isang upuan at naghihintay sa pagdating ng mapapangasawa ko nang lumapit sa akin si mommy.

"Anak.. tama na. Uwi na tayo." ngunit umiling lamang ako. "Anak, alam mo naman diba? Alam mo naman na hindi talaga siya dadating. Hindi na siya dadating."

"Bakit? Bakit hindi siya dadating? Samantalang kahapon, magkasama lang kami. Sinabi niya pa sa akin na mahal na mahal niya ako."

Niyakap ako ni mommy. "Anak.. please. Tanggapin mo na. Wala na si Kiel." pero muli lang akong umiling. "Pinagbigyan ka namin na ituloy ito.. kasi ayaw naming makita na nasasaktan ka pero 'nak.. Tama na please. Tanggapin na natin."

"No 'ma. Hindi ko kayang tanggapin. Hindi ko kayang tanggapin na wala na si Kiel. Hindi totoo 'yun 'e. Hindi totoong wala na siya." ramdam ko ang pagtulo ng mga luha sa magkabila kong pisngi. "Ma, dadating siya. Dadating si Kiel. Mahal niya ako 'e. Hindi niya ako kayang tiisin." saka ako ngumiti. "Maghintay pa tayo mommy ha? Please mommy. Kunte na lang. Antayin natin siya. Hihintayin ko siya."

Ngunit wala talaga. Umabot na ng dilim. Tanging si mommy at daddy na lamang ang kasama kong naghihintay.

Hindi pala. Ako lang pala ang naghihintay habang sila.. pinagpapasensyahan lang nila ako.

Napabuntong hininga ako bago nagpasyang tumayo. Wala sa sariling naglakad ako palabas ng hall.

Rinig ko ang tawag nila mommy pero hindi ko sila pinansin. Naglakad lang ako.

Ramdam ko ang pagtingin sa akin ng mga tao. Paniguradong nagtataka sila dahil sa suot ko. Iniisip siguro nila na kawawa ako.

Kawawa ako dahil hindi ako sinipot ng mapapangasawa ko.

Hanggang sa napagdesisyunan kong sumakay ng subway.

Pagkaupo ko palang ay bumigay na ako. Yumuko ako at tinago ang sariling mukha sa mga palad ko.

Wala na akong pakielam kung marinig nila ang pag-iyak ko. Wala na akong pakielam kung kaawaan nila ako.

Wala na akong pakielam kasi ang alam ko lang.. nasasaktan ako. Sobrang sakit.

-

One year ago. Wala pa ring nagbago. Masakit pa rin. Hindi. Mas sumasakit pala.

Kasi araw-araw.. pinapatay ako ng sakit. Isang basura na wala ng buhay.

Pagkauwi ko sa bahay galing trabaho .. nakita ko si Kiel sa sala habang buhat-buhat nito ang isang sanggol.

Ang daya. May anak na siya. Anak niya sa nakababata kong kapatid.

My dreams realy dont came trueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon