UPCAT part 2: POSITIVE

3 0 0
                                    

Tiwala lang sabi nilang lahat

Papasa ka wag mawalan ng pagasa

Exam lang yan, di ka walang kuwenta

Kaya mo yan, maniwala ka lang

Kung di ka pumasa marami pa naman dyan

Ginawa mo ang lahat, nakayanan mo naman

Oo masakit pero lilipas rin yan

Ang importante ay lumaban ka para sa pangarap

Pangarap mo'y di mawawala, ikaw lang ang makakatangal niyan

Laban lang, wag kang susuko

Mahal ka nila, lahat ng mga sumosupporta

Tiwala lang ha, wag ka na magalala

Magdasal ka lang at malay mo naman

Dumating ang kapalaran ng ilang taong kinakamit

Huwag mawawalan ng pagasa, alam kong mahirap harapin

Pero kakayanin para sa pangarap at para sakin

Collective ThoughtsWhere stories live. Discover now