Chapter 1: First meeting

11 1 0
                                    

SNOW'S POV

"Alam na siguro nating may magtratransfer?" Tanong ni Shane kaya tumango naman sila maliban sa akin.

'May magtratransfer bakit di ko alam? Nakoo naman masyado atang natoon ang atensiyon ko sa paglalaro, tsk'

"May magtratransfer?" tanong ko na kinagulat nila. Halos bugbugin nila ako ng mga tingin nila sa sobrang dami.

"Hindi mo alam?" sabay-sabay na tanong nila sa akin. Kaya napalunok naman ako. "Puro ka kasi cellphone hindi ka man lang nagoonline" sabi naman ni Yunice kaya mas napatingin sa akin ang tropa. Napayuko naman ako dahil sa hiya. Totoo kasi ang sinabi nila na sa isang linggo, dalawa o tatlong beses lang ako kung magonline. Lagi kasing nagyaya si kuya at ang tropa niya maglaro daw kami, at dahil sa gusto ko rin ang sumasama ako

"Sorry na, alam ko namang namiss niyo lang ako kaya kayo ganyan. Di lang ako puro cellphone no nagbabasketball din ako no, at isa pa di ko naman kailangan magonline kung wala naman akong dahilan" sinabi ko yun ng walang hintuan kaya pinagtawanan nila ako.

"Anong sabi mo namimiss? Ikaw namimiss namin. Talaga naman oh, wala talagang tatalo diyan sa kapal ng face natin eh no" sabi ni Miguel kaya naman tuloy ang tawa ng tropa ng biglang tumambad ang dalawa pa naming kaibigan si Max at Kath na kakagaling lang ata sa ground floor at hingal na hingal.

d^.^b

'May chismis na namang nakalap tong dalawang to, kahit kailan talaga. tsk'

"Anong nangyari sa inyo? Bakit ngayon lng kayo? At saan kayo galing?" tanong ni Shane habang nakatingin sa kanilang dalawa na hingal na hingal. Umupo sila sa harap namin at kitang kita ko na agad ang balita sa kanilang mga mata

"Guyssss alam niyo ba nakita namin yung mga gwapo nating transferies?" hingal na hingal na tanong sa amin ni Max. Na kinagulat ng tropa, 'Andyan na agad sila. Ambilis naman, ngayong umaga lang namin este ngayon ko lang nalaman na may magtratransfer tapos andyan na sila at wait gwapo, tsk, ewan ko na lang'

"Wait paano niyo nalaman na kaklase natin sila at sila yung transfer?" Tanong ni Adrian na nagdahilan para magtaka din kami.

"Tinitili kasi nung girls yung mga pangalan nila kaya nalaman namin. At isa pa sikat na sikat kaya sila sa buong Valenzuela" sinabi ni Kath ng may ngiti at kinang sa kanyang mata na parang iniidolo talaga nila itong mga ito.

"Gwapo ba talaga yang mga yan?" Tanong ni Yunice kaya napatango naman silang dalawa.

"Sobra as in para kang nakakita ng anghel na bumagsak sa lupa tapos pag nilapitan ka nila parang sila na lang yung makikita mo" Malapantasyang kwento ni Max sa amin. Dahil nga sa pagkawala ko nang time magonline ay di ko din natignan kung ano ang nga pangalan ng mga ito

"Ehhhh guys ano bang mga pangalan nila?" Tanong ko na kinagulat nung dalawa.

Di pa nga pala nila alam na ngayon ko lang nalaman na may magtransfer pala sa school namin. Halos 2 taon na silang naghihintay ng transfer pero wala maski isa ang dumating ngayong grade 9 na kami di namin inaasahan na may magtratransfer pa rito kaya ganun na lang ang tuwa namin na may magtratransfer

"Di mo alam? Sabagay di ka naman nagoonline, makailang mention kami sayo puro ka naman seen" Nagtatampong sabi ni Max kaya natawa na lang kami dahil habang sinasabi niya ito ay nakanguso pa

"Pasensya na kung nagseseen lang ko busy din kasi kami sa kompanya kaya yun wala na akong time sa inyo. Pero sino ba kasi yung mga tinutukoy niyo?" Tanong ko kaya naupo sila ng maayos at nagsimulang magkwento.

Destined to be YoursWhere stories live. Discover now