PROLOGUE

1.2K 39 4
                                    

Para sa aking minamahal,

P

alagi kong iniisip na kahit ano mangyari hindi mo naman ako iiwan. Nakatatak sa isipan ko na masyado mk akong mahal na mahal kaya kahit anong gawin ko, papatawarin ako. Ilang chances na nga ba ang binigay mo? Isa, dalawa, tatlo? Hindi ko na alam, sa sobrang dami, hindi ko na mabilang pa.

Nakikita ko ang pagdurusa mo. Ang mga lihim mong pag-iyak pero akong gago hinahayaan lang siya. Hindi naman na kasi ikaw ang babaeng minahal ko noon. O minahal nga ba kita? Pero napagtanto ko sa bandang huli ang importansya mo at kung gaano kita kamahal.

Pero ngayon, puro pagsisisi na ang nararamdaman ko. Dahil kung may isang bagay man akong pinagsisisihan sa buong buhay ko, yun ang hindi ko na iparamdam sayo kung gaano kita kamahal, ang kagustuhan kong makasama hanggang pumuti na ang ating buhok.

Kung makakabalik lang ako sa nakaraan, hindi ko na hahayaan pang maging malungkot ka lagi. Hindi ko na hahayaan pang maramdaman mo na may kulang sayo at hindi ka kamahal-mahal.

Aking Reyna, hanggang sa muli nating pagkikita... Mahal na mahal kita. Hintayin mo ko dyan at magkakasama na tayong muli.

Nagmamahal,
     Ion

P.S Inspired ang aking story sa pagmamahalan ng aking mga lolo't lola. Hope you like it guys.



Characters:

Vice Ganda as Queen Vice Marie Viceral
(Girl po ang ating Meme dito sa story)

Ion Perez as Zeke Ion Perez

IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon