Chapter 1

1K 39 4
                                    

GENERAL'S POV

Bakas sa mukha ng dalawa ang saya na nararamdaman nila dahil sa wakas ay kasal na nila. Ang kanilang mga pamilya ay suportado ang relasyon nilang dalawa. Kaya laking tuwa nila na sa wakas ay magpapakasal na ang mga ito.

"You may now state your vows." Saad ng Pari.

"Pinapangako ko sayo. Hindi ko man maibibigay sayo ang mundo, gagawin ko ang lahat para mapasaya ka, mapaligaya ka at higit sa lahat iingatan ko ang damdamin mo. 'Di ako papayag na masaktan ka. Ayun lang, Mahal na Mahal kita." Buong pagmamahal na saad ni Ion sa kanyang iniirog.

Sinenyasan naman ng Pari ang babae na sabihin na nito ang kanyang vow sa kabiyak.

"Ipinapangako ko naman sayo na mamahalin kita ng buong-buo. Iaalay ko buong buhay ko para sayo, para sa magiging pamilya natin. Makakasama mo ko sa hirap man o ginhawa. I love you." Saad ni Vice.

Natapos ang ceremony nung sinabi ng pari na "You may now kiss your bride."

Hinalikan naman ni Ion ang kanyang asawa na ngayon na si Vice. Nagpalakpakan naman ang mga taong saksi ng kanilang pag-iisang dibdib. At katulad nga ng nakagawian. Nagpicture taking muna ang lahat bago pumunta sa reception.

VICE POV

Na karating na rin kami sa may reception ng kasal. Agad kaming naglakad na dalawa ni Ion sa may red carpet. Pagkarating namin sa may harapan agad na pina-ingay ng aming mga bisita ang kanilang wine glass. Nagkatinginan kaming dalawa at naglapat na nga ang labi namin.

"Love, ang saya ko talaga. Sa wakas, naikasal na tayo. Excited na ako mamaya." Saad sakin ni Ion.

"Masaya rin naman ako, Love. But, what makes you excited?" Takang tanong ko sa kanya. Hinawakan naman niya ang kamay ko.

"Syempre, kasama na kitang matulog at araw-araw magigising ako na ikaw ang kasama ko." Sagot naman niya sakin. Nginitian ko naman siya.

"Ako rin ganyan ang nararamdaman ko. Pero, ilan ba ang gusto mong maging anak nating dalawa?" Ako naman ang nagtanong sa kanya.

Umakto naman ito na tila nag-iisip talaga. Kaya naman hindi ko mapigilan ang aking sarili na matawa sa itsura niya.

"Gusto ko isang buong team ng basketball." Sagot niya sakin na may halong mapang-asar. Nahampas ko naman siya sa sagot nito sakin.

"Ano tingin mo sakin?! Grabe ka, Ion!" Saad ko sa kanya. Ngunit tinawanan na lamang ako nito.

Na tapos ang programa sa reception ng kasal namin. Ngunit halos wala kaming naintindihan, dahil kami na lamang ni Ion ang nag-usap buong magdamag.

Naghanda na kaming dalawa ni Ion para pumunta sa may honeymoon namin. Napili naming dito na lamang sa Pilipinas at wag ng umalis pa ng bansa. Ng sa gayon ay mas matagal pa kaming magkakasama.

Pagkasakay namin sa van ay sumakay rin sina Vhong, Jhong, Anne, Karylle, Buern at Emman. Tiningnan namin sila ng nalilitong ekspresyon. Pero nginitian lamang nila kami.

"What the fuck?! Bakit kayo sumakay?! Papunta na kaming dalawa ni Ion sa resort kung saan yung honeymoon." May pagkainis kong saad sa kanila.

"Sasama kami sa inyo. Magbabakasyon na rin kami no. Wag kayong mag-alala hindi namin kayo guguluhin." Sagot sakin ni Vhong. Napatampal naman ako sa noo ko.

"Love, don't stress yourself too much. Hayaan na natin sila. Ang importante magkasama tayong dalawa." Pagpapakalma sakin ni Ion. Napabuntong hininga na lamang ako sa kanya.

"Dapat ata sa ibang bansa na lamang tayo. At least, tayong dalawa lang talaga. Walang mga epal na kasama." Pagpaparinig ko sa kanila.

"Hoy, Meme! Grabe ka naman samin. Promise di naman iistorbohin ang jugjugan niyong dalawa." Saad sakin ni Buern. Namula naman ang pisngi ko sa sinabi nito.

"Ang bastos ng bunganga mo!" Bulyaw ko sa kanya.

"Love, kalma ka lang. Matulog na lang tayo. Alam kong napagod ka. Let's sleep." Malambing na sabi sakin ni Ion. Tumango na lamang ako sa kanya.

Humilig naman ako sa balikat ni Ion. Naiisip ko ang mangyayari samin mamaya o bukas. Mukhang mawawasak na ang pinaka iingatan kong perlas ng silangan.

What if magdahilan na lang kaya ako?! Kinakabahan ako, first time lang samin yun. Dahil hanggang kiss at hugs lang naman kaming dalawa. Because he told me that he can wait, until we exchange our vows in the church. At dun ako mas lalong humanga sa kanya.

Habang nagmumuni muni ako at nasa isip ko pa rin ang maaaring mangyari samin ay kinulbit naman agad ako ni Ion. Lumingon naman ako sa kanya at hinalikan niya ang aking noo.

"Alam ko iniisip mo. Wag mo muna pakaisipin yun. I'll be gentle." Asar sakin ni Ion. Piningot ko naman ang tainga nito.

"At ano naman sa tingin mo ang iniisip ko?!" Saad ko sa kanya na may halong inis.

Lumapit naman ito sakin at kinagat ang tainga ko. Saka ito bumulong sakin.

"Ano pa, edi sex. Iniisip mo ang maaaring mangyari sating dalawa." Bulong nito sakin. Naitulak ko naman siya dahil dun. Ramdam ko naman ang pamumula ng mukha ko.

"ZEKE ION PEREZ!" May pagkainis kong saad sa kanya.

"Ano yun, Mrs. Queen Vice Marie Viceral-Perez?" Nakangiti pa nitong sagot sakin.

Yung inis kong nararamdaman ay napapalitan ng kilig. Talagang iba ang kilig ko nung tinawag niya ako na may Mrs. at ang apelyido ko ay Perez.

"Uy, kinikilig ang Misis ko." Panunukso nito sakin at sinundot sundot pa ang tagiliran ko.

"Ang harot mo, Mister ko." Sagot ko naman sa kanya. Napatigil naman ito at kita kong mas lalo pang lumaki ang ngiti nito.

"Mas gusto ko ang tawagan natin ngayon. Gusto mo ba yun, Misis ko? I love you." Malambing niyang saad sakin.

"Oo mas bet ko and I love you too, Mister ko. But, mas prefer ko pa rin ang tawagan natin na Love or Babe" Sagot ko naman sa kanya.

Maglalapat sana muli ang aming mga labi. Ng biglang umepal ang mga kasama namin.

"Doon niyo na ipagpatuloy ang kalandian niyo. Wag na rito. Respeto naman sa walang jowa." Saad ni Emman. Sumang-ayon naman ang iba.

"Sabi niyo hindi kayo eepal. Kapag hindi kayo tumigil papababain namin kayo rito eh. Gusto niyo yun?!" Pananakot ko sa kanila. Agad naman ang mga itong nanahimik.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ion at natawa na lamang. At napagpasyahan naming matulog na muna para makapagpahinga.

IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon