Chapter 21

507 18 3
                                    

"Alyssa Pov"

Hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero hindi talaga eh nagtago ako sa may gilid nila yung hindi mo ako mapapansin doon. naguusap lang sila pero hindi ko lang maintindihan  pero bawat kilos nila inaantabayan ko hanggang sa hawakan niya ang kamay neto at may inilabas sa kanyang bulsa isang kwintas.

"Ate ano sinisilip mo dyan? "Tanong niya sabay silip din.

"Si kuya Dylan yun ah at yung babae si ate Nathalie "Sabi ng kapatid kong si Anna.

"Tara na nga balik na tayo doon baka makita pa nila tayo "Sabi ko.

"Ate sa tingin mo nagdadate sila? "Tanong ni Anna.

"Ewan ko sis "Sagot ko.

"Pero mukhang nagdadate sila kasi nakita ko sila dati sa mall magkahawak sila ng kamay ng sila lang at isa pa napapabalita na sila na raw" Sabi ni Anna nanlaki ang mata ko sa sinabi ni anna Napahinto na lang ako sa paglalakad.

"Totoo ba yang sinasabi mo baka naman chissmiss lang yan"Sabi ko sa kanya.

"Ate hindi bulag ang aking mata dahil ako mismo ang nakakita doon sa mall na magkasama sila at magkahawak ang kamay"Sabi naman ng kapatid ko.

"Eh yung sa napapabalita na sila na?"Tanong ko sa kanya.

"Yan ate ang chissmiss classmate ko lang naman ang nagkwento"tatango-tango naman ako actually bakit parang nasaktan ako dahil magkasama sila sabi niya gusto niya ako pero bakit ngayon nagdadate sila. Natapos ang dinner namin pamilya at umuwi na rin kami hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

Kinabukasan maaga ako pumasok nagkita kami sa parking lot ni best.

"Best "Tawag ko sa kanya napalingon naman siya sa akin.

"Oh good morning best "Bati niya sa akin.

"Good morning din tara na??" Aya ko sa kanya dumating na kami sa room konti pa lang kami.

"Best ang lalim ng iniisip mo ah may problema ba?"Napatingin ako sa kanya nahalata niya pala ngumiti lang ako at umiling.

"Masakit kasi ulo ko ngayon"Sagot ko na lang.

"Hoy kayong dalawa Panget "Napalingon naman kami kung sino nagsalita si Cathy pala aba akalain mo tagal din na nahimik neto. Nagusap na lang kami ulit ni best.

"Kayong dalawang panget kinakausap ko kayo"Sabi niya hindi pa rin kami lumilingon nakita namin siya na lumapit kay best sinampal.

Pakk

Nagulat ako dahil sa ginawa ni Cathy naku patay....

Nanlilisik ang mata ni best dahil sa ginawa ni cathy agad itong tumayo.

Aba lalaban ka pa tala----

Pakk pakk

Sinampal ni best si cathy ng dalawang beses sobrang lakas ng pagkakasampal ni best sa kanya dahil namumula na ito....

Agad ako tumayo dahil mukhang hindi lang sampal ang aabutin ni Cathy baka suntukin niya ito at dalhin sa hospital.

"Best kalma ka lang"Sabi ko sa kanya blangko siyang tumingin sa akin kilala ko siya sabihan mo na lang siya ng masasakit na salita pero once na sinaktan mo siya physically siguradong 50-50 ang buhay mo. Tumingin ako kay cathy kita ko ang panglilisik sa mata niya.

Still in love with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon