Yayain makipag date si Kellyne

2 0 0
                                    

itinulak siya ni Zack kay Kellynne habang naka pila sa Cafeteria at nabangga niya nga ito

"Sorry" hingi niya ng tawad

"Okay lang" Matipid niyang sagot at agad tumalikod at kinuha ang mga order nito

"Tabihan mo na, tabihan mo na.  nag iisa lang siya sa table ohh" turo ni Zack

"Teka lang. .."  taranta niyang sagot

"Bakit parang naduduwag ka? " pagtatakang tanong ni Zack

"Hindi ko alam.  parang kinakabahan ako sa kanya" sagot niya

"Babe!!!!! mapa Oo mo ba yan? " biglang sumulpot si Clementine

"Takot ka na bang mahiwalay sa boyfriend mong ito? " patawang tanong ni Zack kay Clementine

tinulak niya si Zack at hindi siya sumagot.

"Easy lang babe.  kaya ko to"

"Siguraduhin mo" agad siyang umalis papalayo

"takot na takot yun eh.  easy lang naman sayo yun" patawang sinabi ni Zack

"lahat ata ng chics dito sa school ikaw ang pantasya" dugtong niya...

takot nga kasi maagaw ako ng iba  baka mawala ang kasikatan niya kapag hindi na ako ang boyfriend niya" patawang sinabi ni Axel

"Gagu. ako na naman ang magiging boyfriend niya no.  akala mo ba ikaw lang ang sikat? "

"Do it Bro" tapik niya sa balikat ni Axel sabay layo.

naiwan siyang nakatayo hindi kalayuan sa table na kinauupuan ni Kellynne.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang kinatatayuan.
hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa papalapit kay Kellynne.

"May problema ka ba sa kanya? " biglang tanong ng boses ng babae sa likod niya

"May problema ka ba sa kanya" ulit niyang tanong sabay lapit kay Axel

"Kanino? " tanong ni Axel sa kanya .

"Kanino pa?  sa bestfriend ko " sagot ng babaeng naka headband ng yellow

"Bestfriend mo siya? " tanong ni Axel

"Bestfriend ko si Kellynne" masaya niyang sagot

"Im Odette" sabay abot ng kamay niya.

"Axel"

"So may plano ka ba sa kanya? " tanong niya

"pwede kong sabihin sa kanya" dugtong niya.

"talaga? " napalakad silang dalawa papalayo kay Kellynne .

"Parang ngayon lang kita nakita dito ha" tanong ni Axel

"Transferee kami ni Kellynne from Saint Valentine University" kwento ni Odette.

hanggang nakalabas sila ng Cafeterria na hindi na nila namamalayan at nakita sila ng grupo.

"Anong ginagawa ni Axel???? " pagtatakang tanong ni Clementine

"Naghahanap ng mas maganda" patawang sinabi ni Wilson

"Sino yan?  kay ganda namang dalaga ehhhh" dugtong nito

"Transferee siguro"

"Transferee nga iyan"

"Maganda siya diba? " tanong ni Wilson

"Oo nga ... baka na tipohan ni Axel" sabay tingin kay Clementine

"Nakooo ha.  wala ito sa plano ha. ang challenge eh,  yayain makipagdate ang pinaka pangit sa school.  hindi yung pinaka maganda"sabay alis ni Clementine .

Si Odette Guevarra,  Maamo ang mukha at maganda.

......

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE BETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon