Prologue

32 1 0
                                    


Language: Filipino/English

Genre: Fantasy, Mystery, Romance, Teen Fiction.

Not suitable for audience below 12.


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - x


PROLOGUE

The Eclipse

Malinaw pa rin sa 'king alala kung kailan nagsimula magbago ang aking buhay. Naglalakad ako nuon pauwi, ngunit ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin. Malapit na mag alas dose ng umaga ngunit wala pa rin akong mahanap na masasakyan.

Bilang isang Commoner, marami kang bagay na hindi magagawa. Marahil kung isa ako sa kanila, wala pang isang segundo ay paniguradong nakauwi na ako. Ngunit hindi. Isa lamang akong normal na tao, walang kahit anong espesyal sa akin.

Ngunit nakapansin ako ng kakaiba mula sa itaas. Tila ba ang buwan ay unting unting gumagalaw, at unti unting lumiliwanag.

"Lunar Eclipse," sabe 'ko sa aking sarili. Nagsimula na akong maglakad upang makahanap sa ibang lugar ng masasakyan. Ngunit sa unang hakbang ko, ay mistulang itim na usok ang unti unting lumalapit sa akin. Nagsimula nang bumilis ang tibok ng aking puso.

Isang hakbang patalikod, hanggang sa pabilis na ito nang pabilis, hanggang sa hindi ko namamalayan na ako'y tumatakbo na. Nilingon ko ito at nakita 'ko kung gaano ito palaki nang palaki.

"Layuan mo 'ko!" sigaw ko, "Parang awa mo na!" dagdag 'ko. Ngunit paano ba naman ako maririnig ng isang usok. Hanggang sa nagulat na lang ako ng bigla ako madapa, at napahiga sa sahig.

Nilingon ko ang itim na usok, nagulat ako nang bigla nitong sabihin ang akin pangalan. "Tamara." Nakaramdam ako nang matinding takot nang marinig ko iyon. Unti unting papalapit nang papalapit saakin.

"Wag!!" Sigaw 'ko nang ito ay lumapit na sa akin tuluyan na parang hinihigop ko nang hindi ko naman ginagawa. Ramdam ko ang kakaibang pakiramdam habang ito ay unting unting pumapasok sa aking katawan.

Tuluyan na itong naglaho, at alam ko kung saan ito napunta. Sa aking katawan.

Tatlong pakiramdam lamang ang naalala 'ko nung araw na iyon.

Takot. Galit. Kapangyarihan.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - x

DISCLAIMER: The picture used as the book cover isn't owned by writer. However, it was edited creatively by the writer himself. No copyright infringement intended.

TAMING TAMARA

Started: October 7, 2019

Finished: --, --, ----.

(UPDATES EVERY THURSDAY AND SUNDAY!)

Taming Tamara (On-going)Where stories live. Discover now