Chapter 1

5 1 0
                                    

Myriad's POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa nang bahay nina grandma at grandpa. Hinihintay namin silang makababa galing sa kanilang silid.

"Okay kalang ba baby?" tanong ni mommy na halatang nahalata ang mga ikinikilos ko.

Hindi.. "Opo mommy, okay lang po ako" pagsisinungaling ko.

Aaminin ko. Takot ako sa grandparents ko. Ayaw kong magkamali kapag dito na ako namalagi sa pamamahay nila.

"Good morning" bati ni grandma sa amin.

Tumayo kami agad para makabati sa kaniya.

"Good morning mom" bati naman nina mommy and daddy.

"Good morning grandma" sabi ko sabay yuko sa kanila.

"Sit down" grandma said at naunang umupo.

"Buo naba ang desisyon niyo?" tanong niya.

"Yes mom. Alam naman namin na hindi mo papabayaan si Myriad diba?" tanging saad ni daddy.

Kitang kita sa mata niya ang pagkalungkot. Only child lang kase ako at alam kong mamimiss talaga nila ako.

"So, ayos lang ba sa iyo hija?" tanong in grandma sa akin.

"Opo, grandma. Malaking adjustments nga lang ang kinakailangan ko but I know na magiging maayos din ako." nakangiting saad ko.

Ngumit siya at saka tumayo.

"Welcome, apo ko" sabi niya at yumakap sa akin.

Yumakap din ako sa kanya. Siya ang unang bumitiw. At inalalayan ko siyang maupo.

Siya nga pala ang grandma ko. Si Elizabeth Dawson. Ang pinaka kilala sa lupain ng Batangas pati narin sa ibang bansa.

"Kumain muna kayo" among isang babae na may kaedaran na.

Katulong siguro siya dito.

"Ahh ito nga pala si Manang Dolores, siya ang nagpalaki sa iyong ama Myriad." nakangiting saad ni grandma.

"Magandang umaga sayo Myriad" nakangiting saad niya sabay yuko.

"Good morning din po manang." bati ko din sa kanya.

"Kumain na kayo, alam kong malayo pa ang binyahe niyo, at para rin makapagpahinga kayo." sabi ni manang.

Mula sa salas ay umupo na kami sa dining area. Nagulat ako sa dami ng pagkain na nakahain ngayon sa lamesa. Parang fiesta sa dami.

"Ang dami naman po nito mom?" tanong ni daddy.

"Dadating kase ang kaisa-isa kong apo kaya nagpahanda ako." saad niya sabay ngiti sa akin.

Ngumiti nalang ako bilang sagot.

Naging tahimik ang pag kain namin at wala ni isang kumibo. Dahil narin siguro sa kumakain kami.

"Grandma?" baling ko kay grandma.

"Bakit?" tanong niya.

"Saan po pala ang kwarto ko?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Hayaan mong si Dolores ang magdala sayo sa kwarto mo." saad niya sabay senyas na sundan ko daw si manang.

"Mauuna na po ako sa inyo." saad ko at tsaka yumuko as a sign of respect sa kanila.

Sumunod ako kay manang hanggang sa marating namin ang aking kwarto.

"Nandito na tayo Myriad. Magpahinga




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IkawWhere stories live. Discover now