Prodigy

142 15 12
                                    

Tahimik na tinahak ni Ms. Lynn Sarmiento ang hallway papuntang office. Bitbit ang isang folder ay nagmamadali itong naglalakad. Tumutulo ang kanyang pawis mula noo at tila bangkay na sa sobrang putla, idagdag pa ang labis na panginginig ng kanyang kamay habang yakap yakap ang folder.

Sa tapat ng principal's office ay napalunok siya nang wala sa oras. Huminga ito ng malalim bago hawakan at buksan ang pinto ng opisina. Sa kanyang pagpasok ay nakasalubong niya ang matatalas na mata ng punongguro na kanyang kinakatakutan.

"Good Morning, Mrs. Salongga," ani nito habang umiiwas sa kanyang tingin. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sa tuwing kaharap niya ito.

Tango lamang ang ibinigay na sagot nito sa kanyang bati. Wala sa sarili siyang napangiti dito. 'Di niya alam ang gagawin dahil sa sobrang kabang kanyang nararamdaman. Sa bawat paghinga niya ay dumodoble ang kanyang nerbyos.

"Did you bring it?" Tanong ng principal.

"A-ah, yes po." Napakagat ng labi si Ma'am Lynn. Hindi maitanggi sa kanyang sarili na napakaawkward niya kapag kinakabahan. Mula sa kanyang pagkakayakap ay ipinatong niya ang folder sa mesa ni Mrs. Salongga at binuksan.

Tumambad sa punongguro ang mga dokumento. Ang Student's Profiles ng mga mag-aaral mula sa Grade 9. Isa-isang tinignan at inusisa ng principal ang mga papel. Bawat detalye ay kanyang tinitignan.

"So these are the students?" She asked as she pointed her gaze to Ms. Sarmiento.

"Opo. I've been monitoring them since Grade 8, and as I can see, sila ang pinakaoutstanding students sa school. Sa opinyon ko they are the best for the program," she nervously answered.

Inisa-isa ni Mrs. Salongga ang mga documents ng mga estudyante na ipapasok sa Prodigy Program. Ang programang inaasam ng bawat estyudante sa Bellator University. Ang misteryosong programa na hinahangad malaman ng mga estudyante.

"Well then, it's already finalized," ani ng punongguro habang tinatakan ng salitang 'approved' ang mga folder.

Sa huling pagkakataon ay tinapunan siya ng tingin ng punongguro.

Tila binuhusan ng malamig ng tubig si Ma'am Lynn nang magtama ang tingin nilang dalawa. Binalot siya ng hindi maipaliwanag na takot.

"Let's start the program."

ProdigyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon