Panibagong araw na naman. As always, naglalakad na ako papunta sa aming silid-aralan. Ano pa nga ba'ng gagawin ko?
Kahapon, nalaman ko at mga kapwa ko napili para sa program na ipapatawag na lamang kami para sa magaganap na orientation— hindi ko lang sigurado kung anong oras.
I'm still walking to our corridor nang mapansin kong nakakapanibago ang mga estudyanteng nakakasalubong ko ngayong araw. Dati kasi kapag dumadaan ako, tila wala silang pake— pero ngayon, ibang-iba sa nakasanayan ko.
Noong nakita nila ako, kita ko sa kanilang mga mata ang inggit, pagiging irita, at pati na rin ang galit. Tila, mga galit na tigre na kahit ni anong oras ay puwede na nila akong lapain. Nakita na siguro nila ang mga estudyanteng nakapasok sa program— at nalaman nilang kasali ako sa napili kung kaya't ganiyan sila kung makatingin.
Hindi ko sila pinansin at diretso lang ang paglalakad, kahit pa sari-sari nang bulungan ang naririnig ko.
Tumungo na ako sa classroom, kahit pa nagbubulungan at nanlilisik ang mga mata sa akin ng iba pang estudyante sa paligid.
Nabigla ako sa pagpasok ko sa room dahil lahat sila nakatingin sa akin. But still, 'di ko sila pinansin. Dire-diretso na ako sa upuan ko, tila walang pakialam sa naglalaro sa mga isip nila.
Ito na nga siguro yung feeling kapag isa ka sa mga nakasali sa program. Nandoon na yung kakahangaan ka, kaiinggitan ka, at kaiinisan ka ng iba.
Akmang kukuhanin ko na ang aking earphone sa bag para hindi ko marinig ang mala-bubuyog na pag-uusap ng mga kaklase ko, nang biglang tumunog ang speaker.
Lahat kami ay napatingin sa speaker na nasa itaas ng front door. Narinig namin ang isang pag-ubo, tila ba inihahanda ang sarili upang magsalita.
"Attention, students of Bellator University. Ipinapatawag ang mga estudyanteng nakapasok para sa Prodigy Program. Pumunta ang lahat sa lobby." ani ng isang babae na nagsasalita sa speaker.
Lahat sila ay napatingin sa akin. I just rolled my eyes to them, agad na kinuha ang bag ko at mabilis na umalis.
Dumiretso ako ng lobby at tuluyan ko nang nakita ang iba pang mga estudyanteng makakasama ko for this school year. May babaeng nakasalamin na akala mo sa una ay nerd, may lalaking mas matangkad sa kaniya ang ibang babae, and may mga estudyanteng hanggang dito ay nagso-solve ng math problems— this is what I want.
Nakita ko sa 'di kalayuan ang dalawang guro at sinenyasan kaming lahat na sumunod. Base sa nalaman ko, magkakaroon na nga ng orientation. Babanggitin ang rules and regulations sa loob ng programa.
Ngayon, kasalukuyan akong naglalakad kasama ng another 49 students na nakasama sa program. As far as I know, isa sa mga guro na nasa aming harapan ay si Ms. Sarmiento, at ang isa naman ay si Ms. Aquishap na nag-conduct ng Demonstration.
Napakatahimik namin habang kami ay naglalakad, kapwa mga ayaw maka-istorbo sa ginaganap na klase sa bawat silid-aralan. This is what I want, mga estudyanteng may respeto at alam ang limitasyon sa pagsasaya. Hindi maingay at hindi magulo. Nakikita ko na ang aking sarili na magiging masaya sa mga makakasama ko ngayong school year.
Tumigil sa harapan ng isang pintuan ang dalawang gurong nasa unahan. Napatigil rin kaming mga estudyante na nasa kanilang likuran. Ito na siguro yung silid kung saan gaganapin ang orientation.
Pumasok na ang mga guro kaya sumunod na rin kami sa kanila. Pagharap ko pa lamang sa silid at sa nakabukas na pinto, ramdam ko na ang lamig ng kuwarto, tila ba nakatodo ang aircon sa loob. Hindi ba sila marunong magpahina no'n?
Pagkapasok ko ay nakita ko ang mga nakahilerang upuan. May anim na row at sa bawat row nito ay may siyam na upuan, bale ang kabuuan ng mga upuan ay 54.
BINABASA MO ANG
Prodigy
Mystery / Thriller"Our section wasn't called a miracle for nothing." They are in fact the worst students in school, according to the teachers. But then again, they are gifted in various ways. If you put prodigies in a room, pretty sure that chaos will ensue. This is...