"Grabe naman Tazanna para kang Lola maglakad! Alam na nga'ng nagmamadali tayo tapos Ganyan ka pa!"
Reklamo na naman ni Marsha Mae. Ewan ko ba sa babaeng to Kung anong sapi ang meron at talo Niya pa ang nakainom ng isang box ng Enervon!"Kasi naman Marsha Mae! Hindi ka ba talaga marunong maawa sa kaibigan mo? Partida huh marami pa'kong pasa nito, pano nalang Kaya Kong wala edi iminudmod mo nako sa seminto?!"
Reklamo ko din sa kanya. Paggising ko kanina ay de man Lang ako pinakain at pinagbihis ako deretsyo at agad na pumunta dito sa Thanatos company. Hindi man Lang inisip na masakit pa ang mga pasa at sugat ko partida para pa Kong binugbog sa kanto nitong hitsyura ko tapos ganyan sya, minsan naiisip ko din na parang may galit to sakin."Basta! Daming reklamo bilisan nalang natin at nag text si Aira sakin na kunti nalang daw yong form na pipirmahan para makasali"
Hinayaan ko nalang syang hilahin ako papunta sa building ng Thanatos company. Sinuot ko nalang ang hoodie ko at hinayaan ang baliw Kong kaibigan Kung ano man ang gagawin Nya. Ilang saglit pa'y narating din namin ang building na sinasabi ni Marsha at halata ngang mayaman ang may ari nito Kasi sobrang laki at taas ng building yong aakalain mong may apat na M's ang may ari nito. Matandang Mayaman Madaling Mamatay."Hellow Aira?..oo nandito na kami sa labas ni Taz...oo...sige bilisan mo ah!...ok thank you"
Kausap ni Marsha sa telepono, Hindi ko alam Kong bakit pero may kakaiba akong nararamdaman. Parang may mangyayaring Hindi maganda."Ano ba Marsh! Uuwi nako! Sobrang init dito sa labas pinagpapawisan nako ang sakit sa sugat!"
Tinignan Nya Lang ako na parang wala syang paki sa sinabi ko. Anong nangyayari sa babaeng to?! Tumitikim na ba to ng ipinagbabawal na gamot at parang may tama na naman to sa utak?"Marsh ano na??"
Kulit ko sa kanya pero parang wala syang naririnig sakin. Ilang minuto pa ang nakalipas ay may nag approach Kay Marsh na naka black office top at naka red fitted skirt with black heels.Nakatalikod sya sakin at kinakausap si Ren Kaya kitang kita ko ang kulang red niyang buhok.
"Aira, si Tazanna pala""Hi Tazanna, I'm Athena close friend ni Renalyn, nice meeting you"
Inilahad Nya ang kamay Nya para makipag kamay sakin Kaya kinuha ko yon at nakipagkamay ng biglang dumilim ang paligid na wala nakong makita kahit anong liwanag, tumingin ako sa paligid at pati sila Marsha at Aira ay nawala na rin. Nagsisisigaw na hinanap ko si Marsha. Nag uumpisa na rin manginig ang katawan ko at humihina na ang tuhod ko, unti unti nakong nababalot sa madilim ng Lugar, at namumuo na rin ang luha sa mata ko. Pinipigilan kong kontrolin ang pag atake ng takot ko sa madidilim na Lugar pero wala pa rin akong magawa at nilalamon pa rin ako ng phobia ko."Marsha Mae"
Umiiyak Kong tawag Kay Marsha pero wala pa ring sumasagot. Ilang sigundo pa'y may narinig akong boses ng isang babae"Mamamatay ka rin, papatayin ka nila. Mamamatay ka! Hahahahaha!!!"
Matinis na boses nitong sabi.
Kahit na malakas ang loob ko ay hindi ko paring mapigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko dahil sa halo halong emosyong nararamdaman ko pati na rin yong boses ng babae. Paulit ulit itong tumatawa ng malakas Kaya tinakpan ko nalang ang dalawa Kong tenga ng dalawa Kong kamay at pumikit habang patuloy sa pag iyak."Tazanna? Tazanna are you ok?! Tazanna!"
Narinig ko ang boses ni Marsha Kaya napadilat ako at nakita ko si Marsha at si Aira na hawak hawak pa rin ang kamay ko."Bat ka umiiyak? Nagpapakilala Lang naman si Aira sayo ah?"
Tanong ni Marsha ng makalapit sya sakin at niyuyugyog ako ng mahina. Ano bang nangyayari?! Nalilito nako ang gulo!"Are you ok?"
Tanong ni Marsha, tinitigan ko ang mukha ni Marsha pero wala akong makitang pag-aalala sa mukha nya Kaya napayakap nalang ako sa kanya at umiyak. Napatingin naman ako Kay Aira at nagulat ako ng makita ko syang nakangisi at para bang sobrang saya Nya.
YOU ARE READING
CHORIO DOLOFONON
Mystery / ThrillerA beautiful village will turn into a creepy one in every sundays. lock the doors and windows, and do what ever it takes to save your life "our love was a two-person game. At least until one of us died and the other one became a murderer" - Ajex