Prologo

22 0 0
                                    

"Maghiwalay na tayo" sabi ni Jackson.

"Okay" sabi ko sabay alis sa parking lot. Wala narin naman akong sasabihin aalis nalang ako.

Isa pa may lakad ako ngayon, pupuntahan ko yung bestfriend ko sa condo niya. Broken daw asus!

Pumara na ako ng jeep at dali daling sumakay.

Pilit kong isinisiksik ang aking sarili sa upuan dahil medyo puno na pala tong jeep nato di ko napansin dahil sa pagmamadali ko.

Bahala na!

Siniksik ko nang siniksik ang aking sarili hanggang sa makaupo ako ng maayos.

"Bayad! Paki abot" sabi nung lalakeng katabi ko. Aabutin ko na sana ang kanyang bayad ng bigla akong mahilo.

Ano yon? Ba't bigla akong nahilo? Kumain naman ako kanina ah? Ba't biglang sumama ang pakiramdam ko?

Bumalik ako sa huwisyo ng maramdaman kong may nakahawak sakin.

"Okay ka lang miss?" teka ba't parang pamilyar ang mukha neto parang nakita ko na date?

"Excuse me miss, okay ka lang?" sabi niya ulet habang winawagayway ang kanyang kamay saking mukha. 

Nakita na talaga kita dati eh......

Sa Isang IglapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon