Wakas

9 0 0
                                    

Wakas

AILA'S POV

Nagising ako sa silaw ng ilaw. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ngunit puro puti lamang ang nakikita ko.

Patay na ba ako?! Nasa langit na ba ako?! Jusko wag naman po sana!

"Doc! Gising na yung pasyente!" nakarinig ako ng sigaw mula sa may paanan ko.

Sinikap kong tingnan kung sino yung sumigaw ngunit ang paa ko lamang ang kaya kong makita.

Nakadinig ako ng pabalik balik na pagbukas ng pinto.

"Nurse check her vitals!" sabi ng doctor ata yon.

"Stable doc!" sagot naman ng nurse ata yon.

Nasa ospital ata ko. Anung ginagawa ko dito?

"Aila?! Ailaaaaaa!!!!!!!" hula ko si Yumi yung sumigaw non. 

Pumunta siya sa may kiliran ko at kung saan saan ako tiningnan. Hinawakan ko ang kamay niyabat ngumiti ng konti kasi may kung aning bagay ang nakalagay sa bunganga ko, senyales na okay lang ako.

"Okay ka lang ba?! Anong masakit sayo?! Gusto mo bang kumain?! Anong gusto mong pagkain?! Bibilhin ko!! Naaalala mo pa ba ak----" tuloy tuloy niyang tanong subalit natigilan dahil biglang dumating sila mama at papa at yinakap ako.

"Aila anaakkkk!!!!!" umiiyak na sabi ni mama. Ma okay lang po ako wag kayong magalala, gusto ko sanang sabihin yan sa kanila kaso di ko kaya kaya napaluha na lamang ako.

"Buti naman at nagising kana anak, sobrang nagalala kami sayo!" umiiyak ding sabi ni papa.

Gano bako katagal natulog? Parang kahapon lang naman yung naaksidente ko sa bu---Jaylen...

Nasan si Jaylen?! Okay lang ba siya?! Aning nangyare sa kaniya?! Gusto ko siyang makita!

Pinilit ko ang sarili kong umupo at tanggalin ang bagay na nasa bibig ko. Ngunit bago paman ako makaupo ay pinahiga uli ako ni Yumi.

"Mahiga ka muna Aila ha! Wag muna matigas ulo mo, baka kung mapano ka pa." sabi ni Yumi habang pinapaayos akong pahigain.

"Yumi, Aila anak lalabas lang kami para magusap ng doktor ha! Wag matigas ulo! Yumi pakibantay ako kay Aila ha! Sandali lang kami babalik kami agad." sabi ni mama bago sila lumabas ni papa kasama yung doktor.

Tinuro ko ang aking bibig at nagsenyas na tanggalin yung kung ano ang nasa bibig ko dahil may gusto akong sabihin.

"May gusto kang sabihin?" tanong ni Yumi. Tumango naman ako.

"Sandali lang ha, magtatanong lang ako sa nurse kung pwede ba natin yang tanggalin." sabi niya sabay alis.

Mga ilang minuto pa ay bumalik na si Yumi at itinanggal ang bagay na nasa bibig ko.

"Jaylen, asan?" nahihirapan kong tanong kay Yumi.

"Ha? Si Jaylen? Yung pinsan ko? Kilala mo pala yon?" nagtataka niyang tanong din sakin. Nagtaka rin ako sa kanyang tanong kaya nagsalita pa ako.

"Aksidente, bus, probinsya." yun lang ang nasabi ko dahil masakit magsalita.

"Oo alam kong naaksidente ka pero hindi yun sa bus Aila, sa jeep yun sa jeep! At saka anong probinsya? Eh huling bisita mo ron last year pa. Ano bang nangyayare sayo?" mas lalo akong nagtaka at nagulat sa sinabu ni Yumi. 

Ano bang pinagsasabe nito? Pinilit kong ipunin ang aking makakaya upang magsalita.

"Si Jaylen kasama *ehem* ko siyang *ehem* maaksidente." sinikap ko talagang makasalita para maintindihan niya ko.

"Ah oo tama! Sabi nga niya sakin magkatabi raw kayu nong maaksidente kayo sa jeep. Okay naman siya ngayon matagal na siyang gumaling." sagot naman niya. Nahimasmasan ako konti sa sinabi niya pero lamang parin ang pagtataka sakin.

Ilang araw ba akong natulog? Diba kahapon lang kami na aksidente ni Jaylen.

"Ilang araw ba akong natulog? *ehem*" tanong ko sa kaniya. Unti unti nang bumabalik ang boses ko. Bigla naman siyang natawa ng sarkastiko.

"Anong araw?!?! 7 months Aila! 7 months kang in coma!" sigaw niya sakin na nakapagpagulat sakin. 

Anong 7 months?! Eh parang kahapon lang yun nangyari ah!

"Anong nangyare sa bus?" tanong ko uli sa kaniya.

"Ano ba yang pinagsasabe mong bus?! Sa jeeo nga kayo naaksidente diba?! Yung araw na pupunta ka sana sa condo ko dahil broken nga ako! Tapos nabalitaan kong naaksidente ka! Kanina ka pa sa bus na yan Aila? Ano bang nangyayari sayo?!" paliwanag sakin ni Yumi na nagtataka.

"Imposible. Pumunta pa nga ako sa condo niya non eh! Uminom pa sya non! Tapos kinabukasan nagkita kami ni Jaylen dahil nasa kanya id ko diba? Tapos tapos nagdate kami kinabukasan! Tapos palagi na kaming nagsasama! Tapos hinarana niya ako sa harap ng magulang ko! Tapos naging jowa ko siya! Diba?!" mahaba kong sabi kay Yumi ng tumutulo ang luha sa aking nga mata.

Hindi pwedeng hindi yon nangyari eh! Nandon siya eh! Ano yon mahabang panaginip?! Imposible talaga eh! 

"Wag ka naman magsinungaling sakin Yumi oh." pagmamakawa ko sa kaniya habang umiiyak.

Tiningnan ko siya at may nakitang gulat sa kaniyang mata. Yumi naman oh!

"Aila, ano bang nangyayare sayo?" naiyak narin si Yumi pagkatapos niyang sabihin yon.

"Yumi please sabihin mong nangyare yon please! Nandon ka diba?! Diba nakita mo yon diba?! Please Yumi nagmamakaawa ako." sabi ko habang umiiyak ng todo dahil sa sakit.

Hinawakan niya ko sa balikat at pilit pinakakalma.

"Aila hindi ko talaga alam kung san mo yan napulot pero may jowa ngayon si Jaylen. Hindi ko nga alam na kilala mo siya eh. Sorry Aila pero.... pero wala ni isa sa nabanggit mo ang nangyari..." sabi niya habang nakatingin sakin na para bang masyado akong kawawa.

Parang may pumiga sa puso ko, ang sikip. Napakasakit. Di ko alam kung anong gagawin ko. Walang may alam na nangyare yon pati si Yumi na bespren ko at pinsan ni Jaylen.

Paano nangyare yun? Paano nangyare na parang totoo lahat ng nangyare? Ba't feeling ko nagsisinungaling lang sila sakin?

Gusto ko talaga makita si Jaylen. Gusto ko madinig mismo sa bibig niya na di yon nangyari para maniwala ako. Masakit man pero gusto kong malaman ang katotohanan.

Hindi ko rin alam kung pano nangyare yun. Sobrang nalilito ako sa mga nangyayare.

Hindi nako nagsalita matapos sabihin yon ni Yumi. Humiga ako at nagtalukbong ng kumot.

"Sorry talaga Aila, mas mabuti pang magpahinga ka muna. Sasabihan ko ang doktor tungkol dito para malaman natin kung anong nangyayare sayo ha!" sabi niya sabay yakap sakin kahit nakabalot ako ng kumot.

Sorry din Yumi, mahal kita ngunut masyado akong nalilito at nasasaktan sa nangyayari kaya't di muna ako magsasalita. Baka umiyak lang ako ng umiyak sa harap nyo parati.

Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak hanggang sa mapagod ako at makatulog...

Sa Isang IglapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon