Kabanata 6

8 0 0
                                    

AILA'S POV

Kinaumagahan ay uuwi na kami ni Jay sa Manila dahil may klase pa kami bukas.

"Sigurado ba kayong ayaw mo munang magpalagi dito?" malungkot na sabi ni mama.

"Ma kahit na gusto namin magpalagi rito may klase kami bukas eh." malungkot kong paliwanag.

"Ma wag kayong magalala, babalik kami dito pangako! Gagawin natin yung mga bagay na hindi natin nagawa kahapon at ngayon." paninigurado ni Jay kay mama.

Naging okay na si mama, yumakap pa nga kay Jay bago kami umalis pati rin si papa yinakap si Jay tapos sakin kumaway lang, sino ba anak nila saming dalawa?!

Pagkatapos ng ilang minutong byahe papunta sa terminal ay dumating na kami at sakto ding pagdating ng bus papuntang Manila kaya't diretso na kaming sumakay doon.

"Alam mo ang swerte mo." sabi niya pagkaupo namin sa bus.

"Bakit naman?" taka ko namang tanong.

"Kasi may jowa kang gwapo hahaha!" hambog niyang sabi sakin.

Nako po! Mukhang mas lalong lalaki ulo netong wirdo nato!

"Wag ka masyadong magpakampante may mga ex na akong mas gwapo sayo pero iniwan parin ako hahaha! joke lang!" pabiro kong sabi sa kanya ngunit nagiba ang kanyang mukha. Eto naman joke nga lang eh!

"Huy joke lang yun! Wag mo naman seryosohin! Ano ba di mo b------" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang sumigwa ang driver ng bus.

"Walang break!!!!!!!!" sigaw ng driver habang pinipilit tapakan ang break.

Parang may bumara sa lalamunan ko, naninikip ang dibdib ko at di ako makahinga ng maayos! Anong nangyayare sakin?!?!

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bus.

Ang mga tao nagsisigawan, may mga nagiiyakan, may mga taong pilit pinakakalma ang mga tao, ang driver na pilit tinatapakan ang break para masalba kami sa kapahamakan.

At tumingin ako sa taong mahal na mahal ko. Yung lalaking nakapagpabura ng paniniwala ko.

Yung lalaking nagpaniwala sakin na sapat na siya para wala nang dumating na iba. Yung lalaking di ko aakalaing mamahalin ko ng ganito.

At yung lalaking dahilan kung bakit ako sobrang kinakabahan sa sitwasyon ngayon.

Ayokong iwanan siya at ayokong iwan niya ako. Ayokong masira ang nga pangako niyang di niya ako iiwan. Ayokong iwan yung lalaking sobrang mahal ko.

Unti unting tumulo ang luha ko ng pumasok sa isip ko ang mga bagay na yan pagtingin ko sa kaniya.

Nanginginig ang kamay na pinunasan niya ang aking nga luha. Pilit niya akong pinapatahan ngunit hindi mapigil sa pagtulo ang luha ko.

Yinakap niya ako parte sa pagpapatahan saakin. Hinagkan ko siya ng mahigpit na para bang yun na ang huli naming yakap sa isa't isa.

Bakit kailangan mangyare to saamin? Bakit kung kailan handa na akong magmahal ng buong puso, ngayon naman mangyayare to?

"Shhhh.... Tahan na ha, wag kang magalala. Dito lang ako sa tabi mo ha, tahan na Aila ha." pilit niyang pagpapatahan sakin.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya.

"Mahal-- na-- mahal-- kita-- Jaylen-- wirdo." pautal-utal kong sabi habang nasa yakap niya

Naramdaman kong tumawa siya ng mahina ngunit nararamdaman ko rin ang mga luha niyang tumutulo sa balikat ko.

"Mahal na mahal din kita Luna, chuckie girl." sabi niya sabay halik sa buhok ko.

At pagkatapos non ay naramdaman ko ang pagsulpok ng sinasakyan naming bus sa kung ano.

Unti unting akong nahilo, pilit kong hinahawakan si Jay. Ngunit bago ko pa man siya mayakap ulit ay nahihirapan siyang nagsalita.

"Sor--ry--- Lu--na- *huk* di--ko-- natu--pad--pa-pa-ngako-ko- Ma--ma-hal ki--ta-" yun ang huling salita ang huli kong nadinig bago naging blangko ang lahat ng paligid.

Sa Isang IglapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon